Chapter 112

77 3 22
                                    

Third Person's POV

Habang nakahiga ang lahat na nagpapahinga, napabangon si Logan dahil may tumawag sa phone niya at agad agad niya ito sinagot.

"Hello?"

"Logan! Si Dad ito! Kailangan niyo nang iligpit mga gamit niyo!" Sambit ni Anakin na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit po?"

"I'll explain everything pag umalis na tayo. Please, sabihan mo na yung mga kasama mo para walang gulo na mangyayari." Pagpaalala niya na ikinatango niya.

"O sige. Mag ingat kayo Dad." Sambit ni Logan bago mag end call.

Agad agad niya nang kinuha yung mga maleta ng mga kasama niya at linapag niya ito isa isa at kinuha na ang mga dala niyang gamit.

Nagising si Rhett sa kanyang pagtulog at nagtataka ito kung bakit nagliligpit si Logan.

"Hey! Why are you packing your things? Wala pa namang 4th day ah!" Tanong ni Rhett na nagtataka.

"We have to leave immediately. Gisingin mo na sila, I'll call the girls para sabihan sila na iligpit yung gamit nila. Papunta na si Dad dito." Utos ni Logan bago gisingin ni Rhett yung mga natutulog pa.

With them being confused, sumunod na lang sila sa utos ni Logan.

Agad agad namang lumabas si Logan at pumunta sa kabilang kwarto para pagsabihan si Sakura pati sa mga ibang kasama niya.

"Logan! Bakit?" Tanong ni Sakura sakanya.

"Iligpit niyo na mga gamit niyo. Dad is on his way here." Sambit ni Logan na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit?"

"I don't know why, pero iligpit mo na mga gamit niyo. Puntahan ko lang si Calla para mapagsabihan ko din sila." Utos ni Logan na ikinasunod niya.

Agad agad naman kinuha ni Sakura yung mga gamit at maleta niya para iligpit ang mga gamit.

"Huy! Wala pang 4th day! Bakit nagliligpit ka na?!" Tanong ni Arianna na bagong gising.

"Iligpit niyo na mga gamit niyo. Papunta dito si Tito Anakin para sunduin tayo." Sagot ni Sakura.

"What?!"

"Wala pa siyang sinasabing dahilan kay Logan, kaya ginisingin mo na sila." Utos niya bago sumunod si Arianna.

Pagkagising ng iba, kahit nagtataka sila kung bakit, sumunod na lang sila sa utos ni Sakura at agad agad lumabas sa kwarto.

"Halika. Tulungan na kita." Paglapit ni Findley na kasama si Fergus at Dwight para tulungan sila i-pwesto yung mga gamit nila.

Agad agad na nilang linagay yung mga gamit nila sa labas ng Ace Park of Robinsons at doon na nila inantay si Anakin.

"Logan." Paglapit bigla ni Kelso kina Logan kasama yung mga iba niyang kaibigan.

"Mag iingat kayo please."

"Ikaw din Kelso. You have done so much for us to plan this. Kaya I owe you one." Sambit ni Logan sakanya na ikinatuwa niya.

"Before that, gusto kong mag sorry sainyo. Lalo ka na Arianna, I was really blinded by Setzer's lies to the point na lumayo lalo ang loob mo saakin." Sambit ni Kelso na ikina-ngiti nila.

"Wag kang mag alala Kelso, alam namin na may kabutihan ka pa rin sa puso mo." Sambit ni Falco at nag handshake kay Kelso.

"Si Tito Findley at Tita Harper na bahala sa mga ibang students. Kaso magiging hadlang lang doon ay si Leo at April." Sambit ni Fergus.

"Ako nang bahala sakanila Fergus. Ang mahalaga ngayon, ay makaalis lahat ng mga tao dito bago pa may masaktan. Tumawag na ako ng mga bus para makarating sila dito at makauwi ng ligtas ang mga estudyante." Sambit ni Harper bago tapikin ang balikat ni Fergus.

Maya maya pa, may nag preno na isang malaking van at agad agad bumukas at bumaba si Jin kasama si Levi at Anakin.

"Daddy!" Sabay na sambit ni Logan, Falco at Calla bago sila lumapit sa mga tatay nila.

"Ilagay niyo na mga maleta niyo sa likod, tara. Umalis na tayo dito." Utos ni Jin sa mga bata at agad agad nilang inayos yung mga gamit nila.

Isa isa nang sumakay yung mga kasama ni Logan at agad agad na silang umupo sa pwesto nila.

Papasok na sana si Arianna nang dumating si Valentina na kararating lang, bumaba muna saglit si Arianna at agad agad niyang yinakap si Valentina ng mahigpit kaya napayakap siya pabalik.

"Thank you Valentina."

"Sige na Arianna, umalis ka na. Ayokong mapahamak ka." Sambit ni Valentina bago sila kumalas sa pagyakap at sumakay na si Arianna sa van.

"Mag ingat kayo." Sambit ni Harper bago nila isara yung van at umalis.

Nang nakaalis na sila, agad agad namang ginawa ni Kelso ang plano nila na makaalis lahat ng mga estudyante na ligtas.

Sa kwarto ni Setzer, nagmeeting silang lahat at halos lahat sila ay nanahimik.

"Alam niyo, nakakainis talaga!" Inis na sambit ni Setzer.

"Kasi naman itong si Silver na sobra yung kat***ahan niya, ayan! Expelled ako!"

"Sorry..."

"Wag kang mag sorry diyan! Karapatan niya yung nangyari sakanya!" Pagsabat ni Lucille sa sinabi ni Silver.

"You've already crossed the line Setzer! Ni maski ako, di kakayanin ng konsensya ko na pumatay ng tao!"

"Alam mo, sana hindi ka na lang sumama in the first place kung hindi ka susunod sa mga sasabihin ko!" Sigaw ni Setzer sakanya.

"Tama ka! Dapat hindi kami sumama ni Lucille nung una pa lang! Kung alam lang namin na aabot kayo sa pagpatay ng mga inosenteng tao na walang kinalaman sa katarantaduhan niyo, hindi sana kami sumama in the first place!" Sagot ni Jade.

"Oo, galit kami sa taong kinakainisan namin, pero hindi namin pinapasok sa isip namin na gusto namin siyang patayin."

"Kaya wether you like it or not, aalis na kami ni Jade dito! Salamat dahil na realize namin na tama pala yung ginagawa ni Arianna pati mga kaibigan niya." Sagot ni Lucille bago sila tumalikod ni Jade.

"At siya nga pala, kung iniisip mo na mande demanda kami, hindi pa namin gagawin yan sa ngayon, pero mag handa kayo, baka masira lang yung mga buhay niyo! Lalong lalo ka na Setzer!" Pagbanta ni Jade bago sila tuluyang umalis.

Nainis si Setzer sa sinabi nila at agad agad niyang sinipa yung upuan palayo sakanya hanggang sa matumba ito.

"Meron pa bang aalis dito?! Ha?! Sabihin niyo lang! Para magkaintindihan tayo!" Sigaw ni Setzer sa lahat pero walang sumagot.

"Ano?! Sabihin niyo na!" Sigaw niya ulit.

"Hayys. Di bale na, magsisisi sila na hindi sila sumunod saamin." Dagdag niya bago huminga ng malalim.

"Asaan nga pala si River? Buong araw ko na yan di nakikita ah!" Tanong ni Rae.

"Oo nga no? Asaan si River?" Tanong ni Osborne.

"I'll explain her everything later. Para malaman niya na may mga traydor dito sa grupo na to." Sambit ni Setzer.

"So what's next?" Tanong ni Wester.

"Call all the parents na tutulong saatin. Let's show them kung sino mga kinakalaban nila." Utos niya.

"At Silver, I'm giving you another chance to redeem yourself. This time, wag na wag mo kaming ilalaglag!"

"Opo." Mahinang sagot ni Silver na ikina-ngiti niya.

"The family war begins."

Family WarWhere stories live. Discover now