Chapter 85

128 5 54
                                    

Gilgamesh's POV

Hindi ko na alam kung anong binabalak ni Silver kasama yung mga kaibigan niya, pero hindi na to tama.

Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong para magising si Silver sa mga ginagawa niya.

"Aalis ako Kuya." Sambit ni Silver kaya inawat ko muna siya.

"Anong gagawin mo Silver?"

"May pakialam ka ba Kuya Gilgamesh?"

"Oo. May pakialam ako sayo dahil ayokong mapunta ka sa maling landas." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.

"Pupunta ako kasama mga kaibigan ko. Libre nila ako." Sagot niya.

"Eto." Pag abot ko ng pera sakanya.

"Pamasahe mo. Mag ingat ka." Pagpaalala ko bago siya umalis.

Minsan nagdududa na ako sa mga kinikilos niya eh. Kaya paminsan minsan, sinusundan ko siya pag may oras ako para malaman ko kung ano talaga ang ginagawa niya kasama yung mga so called kaibigan niya.

Napatingin na lang ako sa cellphone ko at tinignan ko yung family picture namin.

Unang una, si Mom nagkasakit then namatay, tas sumunod naman si Dad na may sakit na din.

Kung hindi lang sana nawala si Mommy hindi sana kami nahihirapan.

Lord, wag mo naman kunin si Dad ng biglaan. Mahihirapan din ako na alagaan si Silver ng maigi pag nagpatuloy pa siya sa mga kalokohan niya.

"Ma... anong gagawin ko para tumino si Silver?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko.

Napansin ko na rin ang pagbuhos ng mga luha ko sa mata ko kaya pinunasan ko agad ito.

"Mom, Dad, ipapangako ko na hindi ko kayo bibiguin."

Frost's POV

Magkasama kami ni Fury at Yahiko sa park at hinihintay lang namin yung iba naming kasama.

"Kumusta naman yung pagiging jowa ni Annie?" Tanong ko kay Fury.

"Ayun, nakakapanibago. Pero ang saya." Sagot niya.

"Banyagan pa rin?" Tanong ni Yahiko.

"Hindi ko na yan maiiwasan. Halos araw araw pag magkasama kami, banyagan dito, banyagan doon, walang katapusan na to." Sambit no Fury na ikinatuwa naming dalawa.

"Siya nga pala, asaan yang pinsan mong speed?" Tanong ni Fury saakin.

"Si Hermes? Hindi ko na nga alam eh. Sabi niya magpapaalam siya kay Kuya Lexeaus para sumama si Kairi sa gala." Sagot ko.

"Baka nagmo moment pa." Sambit ni Yahiko na ikinatuwa naming tatlo.

"Eh si Ventress?" Tanong ni Fury saakin.

"Magpapaalam pa yan kay Kuya Logan. Baka nga ma bad trip pag makita ako eh."

"Ayan kasi! Linigawan mo yung may striktong Kuya!" Sulpot ng pamilyar na boses na ikinalingon naming tatlo.

"Annie! Fiori!"

"Asaan si Ventress?" Tanong ko.

"Wala! Di pinayagan!" Singhal ni Annie bago umirap.

"Sorry I'm late!" Sambit ng pamilyar na boses kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras.

"Ventress!!" Paglapit ko sakanya kasabay ng paghalik ko sa noo niya.

"Ang harot ah!" Singhal ni Annie na ikinatuwa ni Ventress.

"Eh kayo ni Fury?" Tanong ni Ventress.

Family WarWhere stories live. Discover now