Chapter 21

257 9 16
                                    

Logan's POV

Well, I kinda felt happy about Falco at napapalapit na siya kay Arianna at some point.

But I can't take my eyes off of Sakura.

Her smile is just something else.

That smile whenever I get to think about it, it will always make my day.

"Logan!" Pagtawag ni Aarah saakin.

"Upo na tayo! Mamayang onti dadating na si Sir Roy." Utos ni Aarah na ikinasunod ko.

A few minutes later

Habang nagtuturo si Sir Roy, minamasdan ko lang si Sakura na nasa bintana at nagsusulat.

I don't know what's with her, pero I can say na she really is thinking about what happened sa dati niyang school.

She had bad experiences there according to Evander. I still remember what he said nung tinanong ko siya tungkol diyan.

Flashback

"Evander... can I talk to you for a second?" Tanong ko bago umupo sa tabi niya.

"Ano po yung pag uusapan Logan?"

"About Sakura. Diba kaklase mo siya last school year?"

"Yeah. Bakit?"

"I was wondering, hindi ba naging okay si Sakura sa recent niyang school kung saan siya nag aaral?" Tanong ko.

"Bakit mo natanong Logan?"

"I'm just curious." Sambit ko.

"About kay Sakura. All I can say is hindi naging maganda yung experience niya sa school noon. She always used to get bullied before. Pero I prefer not to tell you details." Sambit ni Evander.

"Okay okay. Don't worry, I won't force you if ayaw mong i-kwento."

End of flashback

I'm still curious kung bakit malayo ang loob ni Sakura sa ibang students na katulad ko.

But I want to make things right.

Aayusin ko lahat para mas maramdaman ni Sakura na welcome siya dito.

Break time na namin, and I can see Sakura sitting there with Aarah and Arianna.

She still has that charm that I can stare all day.

Paano ba ako makakalapit kay Sakura?

"Huy! Natutulala ka nanaman diyan Wolverine!" Sulpot bigla ni Lexeaus.

"Ano nanamang trip mo Lexeaus?" Tanong ko.

"Ano? Hindi ka pa maka diskarte kay Sakura?" Tanong niya.

"Tsk... paano ba? Eh halos wala nga akong lakas na lapitan si Sakura dahil sa first day eh. Well, I tried."

"Wag mo kasing subukan Wolverine! Gawin mo! Ganun lang kasimple yun." Sambit niya.

"Anong ganung kasimple? Eh halos hindi ko na nga nakakausap si Sakura pag andidito siya eh. Well, pag lumalapit ako sakanya, iiwas siya. Pag kakausapin ko siya, dedma."

"Nang dahil lang dun susukuan mo na si Sakura?"

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Diskarte lang ang kailangan mo diyan. Andami kayang paraan para makalapit ka kay Sakura. Tsaka, kilala kita Wolverine. Alam ko na may leadership skills ka. Kung gusto mong magpatulong, gagawin ko para sayo!" Sambit niya.

Which gave me an idea.

"Lexeaus... try to talk to Aarah."

Sakura's POV

Uwian na, pero panay mood pa rin itong si Arianna ng K Drama.

"Ano ba yan!!! Nabitin ako sa last episode!!!" Sigaw ni Arianna.

"So ano? May ipapanood ka pa ba na K Drama?" Tanong ko.

"Weightlifting Fairy Kim Bok Joo." Sagot niya.

"Kaya pala puyat ka lagi pagpasok mo sa school." Pag asar ko.

"Di naman. Kaya nga may kape ako na dala eh."

"O siya siya. Mag iingat ka ah."

"Sige sige." Sambit ni Arianna bago umalis.

"Sakura!" Sulpot bigla ni Falco.

"Umalis na ba si Arianna?" Tanong niya.

"Kaaalis lang."

"Sige sige. Salamat." Sambit ni Falco bago umalis.

Ang cute ah! May real life Oppa na si Arianna.

Anyways, agad agad akong naglakad paalis sa school, pero napatago na lang ako sa gilid na makita ko si Logan na may kausap na mas matanda sakanya.

I have a feeling na Mommy at Daddy niya ito.

"Sakura!" Sulpot bigla ni Aarah.

"Nagulat ako Aarah!"

"Halika! Sumama ka saakin." Sambit niya na ikinasunod ko.

"Huy! Bakit tayo pupunta doon?" Tanong ko na nagtataka.

Bakit niya ako pinapalapit kay Logan?

"Sakura! Buti napadaan ka!" Sambit ni Logan na ikinakunot ng noo ko.

"Sige Logan. Aalis na ako ah." Sambit ni Aarah bago umalis.

"Mom. Dad. Si Sakura nga pala." Pagpakilala ni Logan saakin sa harapan ng parents niya.

My gosh ah! Ang ganda at ang gwapo ng parents niya!

"Hi Sakura! Tita Natalie nga pala. Mommy ni Anakin."

"Tsaka Tito Anakin. Parents kami ni Logan."

"Nice meeting you po Tita Natalie. Tito Anakin." Sambit ko na nakangiti.

Anong trip mo Logan ka?!

"Gusto mo bang sumama saamin? May family dinner kami later." Pagyaya ni Tito Anakin.

"Ano po---"

"Opo Dad! Gusto pong sumama ni Sakura." Pagsabat ni Logan sa pananalita ko.

"Mabuti naman kung ganun! Halika Sakura! Punta tayo sa bahay natin." Sambit ni Tita Natalie bago sumakay sa kotse.

"Sumabay ka na lang Sakura." Bulong ni Logan saakin bago sumakay sa kotse.

Anong trip mo Logan?!

Family WarWhere stories live. Discover now