Chapter 107

79 3 34
                                    

Annie's POV

Gabi na at mukhang tulog na halos lahat ng mga lalaki dito.

Andami kong kailangan gawin para makatakas kami. Unang una, kailangan kong umalis sa cage na to dahil nasisikipan na tong katawan ko at nangangawit na ako.

May nakita akong isang maliit na karayom sa sahig at kinuha ko ito ng dahan dahan, since makalusot mga kamay ko sa butas.

Maya maya, hinawakan ko yung lock at sinubukan ko munang ilusot yung karayom sa butas ng lock at hinanap ko yung spring at nagulat ako dahil it was unlocked in an instant.

Dahan dahan kong linapag yung lock sa ibaba at binuksan ko agad yung cage, since wala naman itong ingay pag binuksan mo.

Kinuha ko muna yung cellphone ko na nakalapag sa lamesa at agad akong tumakbo palabas para hanapin yung mga iba kong kasama.

Ventress' POV

Nakatali ako ngayon sa itaas, hindi ko alam kung paano ako makakatakas at wala akong kasama ngayon.

Nag aalala din ako sa mga kaibigan ko, lalo na kay Frost. Di pa rin ako mapakali sa totoo lang.

"Psst. Ventress." Pagtawag ng boses saakin.

Inangat ko muna yung ulo ko at nakita ko si Annie na nagtatago sa gilid.

"Annie?"

"Tatakas tayo dito. Tulungan na kita." Bulong niya bago i-unlock yung gate at pumasok ng dahan dahan.

"May kutsilyo diyan Annie. Gamitin mo yan para matanggal mo itong tali na to sa mga kamay ko." Sambit ko.

"Ang taas niyan hoy!"

"May upuan diyan. Kunin mo na lang at tanggalin mo yung tali ng isa. Ako nang bahala sa kabila." Sambit ko na ikinalingon niya.

Kinuha muna ni Annie yung upuan at linapag niya ito sa kanan at tumungtong diyan para tanggalin yung tali sa kamay ko.

"Ayan. Oh, ikaw naman tumungtong diyan." Sambit niya bago ako pinatayo sa upuan.

Kinuha ko muna yung kutsilyo na hawak ni Annie at tinanggal ko agad yung tali at bumaba agad ako sa upuan.

"Tara na. Wala na tayong oras dito." Sambit ni Annie bago kami lumabas sa kulungan ko.

Frost's POV

Nakatulog pa ang lahat, pero nanghihina itong katawan ko.

I still remember what they did to me. Mga hayop sila.

Flashback

Nagising ako at nakaramdam ako ng tali sa mga kamay ko. May tatlong lalaki na nakapaligid saakin. Hindi ko alam kung anong balak nila, pero masama ang kutob ko sa binabalak nila.

"Anong kailangan mo saakin?!" Tanong ko.

Maya maya, isa sa mga lalaki, pinatayo ako at tinadyak ako sa tiyan na naging sanhi ng pagkatumba ko.

Kwinelyuhan ako ng isa at sinapak niya ako sa mukha kaya nagkapasa itong mga mukha ko.

"Tama na yan!" Pag awat ng isa.

"Ako naman tuturo sakanya ng leksyon." Dagdag niya bago kumuha ng taser.

Tinutok niya ito sa katawan ko at unti unti akong lumalayo sakanya.

"Hawakan mo yan ng maigi." Utos niya sa dalawa at hinawakan nila ako.

Maya maya, ginamit niya yung taser at linagay niya ito sa katawan ko at napasigaw ako sa sobrang sakit bago ako bitawan.

Family WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon