Chapter 54

189 6 30
                                    

Evander's POV

"Kuya... gising na tayo." Pag gising ni Whyndam saakin ng maaga bago ako bumangon.

"Get ready Kuya. Pupunta tayo sa beach." Sambit ni Whyndam bago ako tumayo.

"Naka ready na yung mga gamit natin?" Tanong ko.

"Yes Kuya. Linalagay lang nila yung gamit natin sa kotse. Kaya tara?"

"Okay."

Bumaba na kami ni Whyndam papunta sa living room at napangiti na lang si Whyndam nang makita niya si Daddy na hinahalikan si Mommy.

"Sweet naman!" Sambit ni Whyndam bago siya lumapit at yakapin sila.

"Okay na yang mga suot niyo. Tsaka if inaantok pa kayo, pwede kayo matulog sa kotse ah." Sambit ni Dad.

"And pagdating sa swimming, mag iingat kayo ah." Pagpaalala ni Mom.

"Okay po." Sagot ko.

"Mommy, sasama po ba si Tita Camilla at Tito Jin? Na miss ko kasi si Calla eh." Tanong ni Whyndam.

"Oo. Nakakatuwa nga na may manliligaw na siya." Sambit ni Mom.

"Weh? Sino po?"

"Anak ni Tita Giselle at Tito Franco niyo." Sagot ni Dad.

"Si Josiah?"

"Yep. Si Josiah."

"Wow naman! Umiibig na si Calla!" Natutuwang sambit ni Whyndam.

Well, that's life. People are now falling in love.

"Tara! Naghihintay na sila Tita Ino at Tito Naveen niyo." Sambit ni Mom bago kami pumasok sa kotse.

Habang nasa biyahe, tinignan ko lang yung kapatid ko na mukhang china chat si Calla.

Well, I can understand na close sila. So yeah.

Naka receive ako ng chat sa ngayon at binasa ko agad ito.

Aarah: Hi babe! See you later sa beach!

Talagang gusto ni Aarah angkinin ako ah. She's kinda funny, but cray when it comes to mature stuffs.

Ilang oras na ang nakalipas, nag stop by muna kami sa isang restaurant kung saan ko nakita si Tito Nash at Tita Aaliyah kasama si Aarah.

"Babe!" Paglapit ni Aarah saakin bago ako yakapin at halikan sa labi.

"Kuya?! May girlfriend ka na?!" Tanong ni Whyndam na gulat na gulat.

"Yes Whyndam! Evander is my babe, from now on." Sambit ni Aarah na ikinabuntong hininga ko.

"Umiibig ka na pala anak." Sulpot ni Tito Nash kasama si Tita Aaliyah.

"Ang cute niyo ah." Sambit ni Tita Aaliyah.

"Hello po Tito. Tita." Bati ko.

"Hi Evander! Mukhang nahulog na nga tong anak namin ah."

"Ang cute kasi ni Evander eh. Shy type, pero marunong na makisama." Sambit ni Aarah bago ako tignan sa mukha at nagpapa cute.

"Asaan na ba yung iba?" Tanong ko.

"Papunta na yung iba dito. Tas yung iba, dumiretso na talaga doon." Sagot ni Dad.

"Sino sino yung mga dumiretso na?" Tanong ni Whyndam.

"Si Tito Anakin, Tito Link at Tito Tyrus." Sagot ni Mom.

"Parating na si Tito Levi at Tito Demyx dito." Sambit ni Dad.

Oh okay. I guess we're gonna have some fun there.

Maya maya, may pumarada na dalawang kotse sa tapat namin at doon na bumaba si Tito Levi at Tito Demyx.

"Buti nakarating na kayo." Paglapit ni Dad sakanila.

"Alam mo naman. Maaga nagising, kaya ginawa ko na lang ay, kargahin yung honey ko papunta sa kotse." Sambit ni Tito Levi.

"Si Falco?" Tanong ko.

"Tulog. Kasama yung future honey niya."

"Nakaka miss pala yung beach no? Na i-imagine ko agad si Tiffany sa dagat eh. Nako, ang sexy talaga."

"Ayan ka nanaman kapatid! Syempre ako rin! Na i-imagine ko agad si Aaliyah eh."

"Neknek mo Nash!" Singhal ni Tita Aaliyah bago umirap.

"Daddy! Inaantok na ako." Sambit ni Whyndam.

"Sige anak. Pasok ka lang sa kotse at matulog ka lang ha? Mahaba biyahe natin." Sambit ni Dad.

"Sige po. Good night!" Bati ni Whyndam bago pumasok sa kotse.

"Babe..." Pagyakap ni Aarah saakin.

"Aarah? Bakit?" Tanong ko.

"Pogi mo ngayon."

"Not really, but, thanks." Sambit ko na ikinatuwa niya.

"Gutom na ako. Gusto mo mag order ng burger? Libre ko." Pagyaya ni Aarah.

"Sure!" Pagpayag ko.

"Daddy! Bili lang ako ng burger doon ah. Samahan ko lang po si Evander." Pagpaalam ni Aarah.

"Sure! Sabihan namin kayo kung aalis na ah." Sambit ni Tito Nash bago niya ako hilain papasok sa restaurant.

"Tara babe! Masarap tong burger na bibilhin natin." Sambit ni Aarah bago kami mag order.

"Dalawang cheeseburger po. Tsaka dalawang corn dog." Pag order ni Aarah bago niya iabot yung bayad sa waiter.

"Tara babe!" Pagyakap niya saakin bago kami pumunta sa vacant seat.

"Kumusta naman babe? Sorry hindi ako nakapunta sa anniversary ng school ah." Sambit niya na nakabusangot.

"Nothing much, pero I'm happy na I got a chance to socialize with some of our friends." Sagot ko.

"Looks like you went outside of the bubble eh. I love how you developed yourself as a person Evander. Pero be careful lang who you hang out with sometimes ah, alam mo naman yung iba, feeling mabait pero masama pala ugali." Pagpaalala ni Aarah na ikina-ngiti ko.

"Eto na order natin babe!" Sambit ni Aarah bago lumapag yung pagkain namin sa table.

"Thank you po." Bati ko sa waiter bago siya umalis.

Maya maya, agad agad naman kumuha ng ketchup si Aarah at naglagay agad ng ketchup sa patty at kinain niya ito.

Now I know, matakaw pala tong si Aarah. Which is kinda cute for her as a person.

Maya maya, doon na din ako kumain ng burger and yeah. I like it.

"Masarap ba babe?" Tanong niya.

"Oo. Thank you sa libre mo ah."

"Ako pa babe! No worries, anytime na gusto mo, libre kita." Sambit ni Aarah na nakangiti.

I noticed na may ketchup siya sa bibig niya, kaya I took a few deep breaths at kinausap ko ulit siya.

"Aarah."

"Yes babe?"

"Don't move." Utos ko na ikinasunod niya.

Ginalaw ko yung hinlalaki kong daliri sa bibig niya at pinunasan ko yung ketchup sa bibig niya.

Napangiti na lang ito at dahan dahan niyang sinubo yung daliri ko at dinilaan yung ketchup.

"Thank you babe." Pagpasalamat niya.

"No worries." Sagot ko na ikina-ngiti niya.

"Kain pa tayo. Baka tawagan ako ni Daddy eh." Pagyaya niya na ikinasunod ko.

Aarah... or should I say... babe... you're weirdly cute.

Family WarWhere stories live. Discover now