Chapter 106

74 5 46
                                    

Felicia's POV

I screwed up. I definitely screwed up.

As of now, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Gwyneth at Dwight tungkol sa nangyari.

Naiiyak pa rin ako, dahil sinaktan ko pa yung taong pinagkakatiwalaan ko ng sobrang laki.

"Felicia..." Paglapit ni Setzer saakin bago ako lumingon.

"Hindi lang niya maintindihan yung ginagawa natin, tsaka one loss doesn't make you less of a person. Kaya halika na, bumalik na tayo sa meeting." Pagyaya niya.

"No..." Seryosong sambit ko bago tumayo at tumingin sakanya ng diretso.

"I'm not like you Setzer." Dagdag ko na ikinatuwa niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong niya.

"Anong pinagsasabi ko? What I'm saying is that you have already crossed the line! You're not a human who realizes mistakes and understands people's feelings. You're a lunatic who only cares for desires that will destroy people's future, including yours!"

"Tapos ka na? Heh! Sinayang mo yang hininga mo para lang sa sinabi mong walang kwenta. At ano ba yang tinutukoy mo diyan?" Tanong niya na nagtataka.

"I'm leaving this group. And wether you like it or not, ide-demanda ko kayo!"

"Hayop ka!" Sigaw ni Setzer na balak akong sampalin, pero napatingin siya sa gilid niya dahil may humawak sa pulso niya.

"Subukan mong saktan si Felicia, malilintikan ka saakin." Pagbanta ni Gilgamesh sakanya.

"Isa ka pa!" Sigaw niya bago hablutin ang kamay niya kay Gilgamesh.

"Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa! Pumunta kayo dito para traydurin kami?! Mga hayop!"

"Kung hayop man kami sa paningin mo, demonyo ang paningin namin sa taong tulad mo!" Pag real talk ni Gilgamesh.

Nainis na si Setzer sakanya at akmang niyang sasapakin si Gilgamesh, pero umilag agad ito at sinapak niya si Setzer ng sobrang lakas bago mawalan ng malay.

"Kuya!"

"Hoy!" Inis na sambit ni Silver, pero inawat siya ni Kelso at umiling na lang siya.

"Silver! Hindi pa huli ang lahat para sayo! Pag isipan mo ng mabuti yung mga ginagawa mo, para ito sa ikakabuti mo!" Seryosong sambit ni Gilgamesh.

Halatang nanahimik si Silver sa sinabi niya at halatang wala na siyang masabi.

"Hindi kita pipilitin na umalis agad. Hahayaan muna kita pag isipan ito." Dagdag niya bago ako hilain palayo sa psycho group.

Pagkalabas namin, tinignan lang namin ang isa't isa at umupo na lang kami sa bench kung saan walang masyadong tao.

"Sorry Felicia... nadamay pa kita sa gulong ito. Dahil saakin nag away pa kayo ni Gwyneth."

"It's not your fault Gilgamesh." Mahinang sambit ko.

"It was my choice to join you and Kelso. Don't blame yourself dahil wala ka ding kasalanan." Dagdag ko bago ako yumuko.

Ilang sandali lang, yinakap ako ni Gilgamesh sa gilid at di ko na namalayan na umiiyak nanaman ako.

Gwyneth's POV

Ang sakit lang makaramdam ng pag traydor ng sarili kong pinsan saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung ginagawa niya.

Bakit ba lahat ng mga taong pinagkakatiwalaan ko, sila mismo yung traydor sa buhay ko.

Una si Gilgamesh, ngayon si Felicia?! Si Felicia pa!

P****g inang buhay na to oh!

Sumigaw na lang ako ng sobrang lakas at nagpatuloy sa pag hagulgol dahil ang sakit na. Ang sakit na sarili mong kapamilya ang nagiging traydor.

Family WarWhere stories live. Discover now