Chapter 56.5

209 4 14
                                    

Calla's POV

"Anything you want to buy Calla?" Tanong ni Josiah saakin.

"Ano lang siguro. Smoothie." Sagot ko bago niya ako hilain papunta sa may bar.

Oo, bar talaga to. Pero smoothie lang yung gusto namin.

"Mango smoothie nga po. Dalawa." Sambit ni Josiah sa waiter.

"Tatluhin mo na. Para meron din si Whyndam." Bulong ko sakanya.

"Tatlo na lang po pala."

Binayaran na ni Josiah yung smoothie na inorder niya para saamin tatlo ni Whyndam.

Pero speaking of Whyndam, she told me na gusto niya muna magpalibot sa beach. Since she loves going to beaches anywhere. Except kung madaming tao or may mga bwisit na f**kboy na manlalandi sakanya.

"Matanong ko lang. Diba close kayo ni Keith?"

"Ahh! Yun! Ride or die ko yung mokong na yan." Natatawang sambit ni Josiah.

"Ride or die, pero andaming kalokohan." Pagbara ko na ikinatuwa niya.

"Pero seriously, even though may kalokohan kami lagi, marunong din siya makiramdam. Tinuro nga sakanya ng Daddy niya na, hindi sa lahat ng bagay, ginagawa mong biro, dahil hindi mo pala alam, nakakasakit ka na pala ng kapwa mo." Sambit niya na ikinatango ko.

"Well, thank you ah."

"Saan?"

"For having the courage. To court me."

"Wala yun. Basta mahalaga saakin ay napasaya kita nung araw na yan." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Right on time tayo diyan! Andito na si Whyndam!"

"Hi guys!" Bati ni Whyndam saamin.

"Siya nga pala. Linibre kita ng mango smoothie. Kung gusto mong gumala, pwede mo yan dalhin kung saan. Basta balik mo lang yung glass." Pagpaalala ni Josiah.

"Hehe. Noted boss!" Pagbiro ni Whyndam bago niya kunin yung smoothie.

"Sige, gala lang ako ah."

"Mag iingat ka." Pagpaalala ko bago siya umalis.

"Cute mo no?"

"Di naman." Pagtanggi ko.

"Seriously, ang cute mo."

"Hehe. Salamat." Sambit ko bago ako uminom ng smoothie.

Habang umiinom, napatingin na lang ako kay Josiah na panay ngiti saakin.

"Umayos ka ah." Pagtapik ko sakanya ng mahina sa ulo.

Hayys. Makulit talaga tong lalaking to.

Whyndam's POV

Ang refreshing talaga!! Thank you sa libre mo Josiah!

Ang sarap tumambay sa beach no? Hehe.

Napatingin na lang ako sa phone ko at binasa ko yung text na nakuha ko.

09*********: Tingin ka sa likod mo. 😏

Sino to? Tsaka paano niya alam yung number ko.

Napatingin na lang ako sa likod at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Keith! Andito ka pala?"

"Yeah. Nag vacation break kasi si Mom at Dad galing sa work, and gusto nila bumawi saakin. Pero para saakin, kahit di naman sila bumawi para saakin eh. Sapat na saakin na nakikita ko sila sumisikap para saakin." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Bihira ba kayo magkasama ng parents mo?" Tanong ko.

"Yeah. I don't talk to them that much, but that doesn't mean I don't love them."

"Ganun dapat Keith. Kasi naghihirap lang sila na makapagtapos ka ng pag aaral mo."

"Ayaw lang kasi ni Dad na matulad ako sakanya dati nung na drop out siya. Kaya, ginagawa niya lahat ng makakaya niya para mapunta lang ako sa tamang landas." Pagkwento niya na ikina-ngiti ko.

"Ganun din si Mom. Na drop out din siya noon, kaya ginagawa nila lahat ng makakaya nila para lang makapag tapos ako. I'm happy to have them as my parents." Sambit niya na nakangiti.

"Anak!"

"Mom! Dad!" Paglapit ni Keith sakanila.

"Hello po. I'm---"

"Whyndam. Diba anak ka ni Riku at Hazel?" Tanong ng Mommy ni Keith.

"Ay, opo. Hehe."

"Tita Allyssa na lang." Pagpakilala niya.

"Tito Kenny. Daddy ni Keith." Pagpakilala niya.

"Buntis po ba kayo?" Tanong ko kay Tita Allyssa.

"Ay, oo. Nag request kasi si Keith ng baby sister eh." Sambit ni Tita Allyssa na natutuwa.

Hindi halata ah! Ang young looking pa rin ni Tita Allyssa tignan.

And kay Tito Kenny, paano ba hindi mahuhulog si Tita Allyssa sakanya.

"Anak, iligpit muna natin gamit natin. Tsaka tayo mag bonding na pamilya." Sambit ni Tito Kenny.

"Pwede po ba isama si Whyndam?" Tanong ni Keith.

"Sure anak. Sige, pupunta lang kami sa room namin ha?"

"Sige po Tita." Sambit ko bago sila umalis.

"Whyndam!" Paglapit saakin ni Kuya Evander kasama si Ate Aarah.

"Sino yun?" Tanong niya.

"Ahh. Si Keith, ka school mate namin ni Calla." Sagot ko.

"Ooohhh!!! Mukhang may babe na si Whyndam ah!" Pag asar ni Ate Aarah.

"Babe! Tara na! Swimming ulit tayo!" Sambit ni Ate Aarah bago niya hilain si Kuya Evander palayo saakin.

Cute nila no?

Ruru Madrid as Kenny Velasco

Bianca Umali as Allyssa Lim - Velasco


Family WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon