Chapter 14

235 7 15
                                    

Lexeaus' POV

"Lexeaus!!" Pagtawag saakin ni Logan.

"Bakit pre?"

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya.

"Oo. Bakit?"

"May gagawin ka ba?" Tanong niya ulit.

"Wala naman. Bakit?"

"Pwede ka ba pumunta sa bahay kahit saglit lang?" Tanong niya.

"O sige. Kung yun ang gusto mo." Sambit ko bago sumunod sakanya.

"May pinuntahan lang si Mommy at Daddy for work. Gagabihin daw sila. Tsaka, wala naman akong kausap sa bahay mostly eh." Sambit ni Logan.

"Eh si Ventress? Hindi mo ba yan nakakausap?" Tanong ko.

"Kausap nga lagi ni Fiori eh. Tsaka bihira kami mag usap niyan eh. Pag mag uusap lang kami ni Ventress, dadaan yan sa giera." Sambit niya na ikinatuwa ko.

"Ganyan talaga ang magkapatid. Away bati. Pero in the end, sila yung laging andiyan para sayo. Pwera na lang kung may boyfriend na si Ventress." Natatawang sambit ko.

"Hindi ako papayag. Tsaka kung sino man yung manliligaw niya, haharapin ko yan."

"Galit na galit ka nanaman Wolverine! Baka lumabas yang adamantium claws mo!" Pag asar ko na ikinatingin niya saakin ng masama.

"Eto naman! Di mabiro! Tara na!" Pagyaya ko bago siya sumunod.

Nakarating na kami ni Logan sa bahay niya at natanaw namin si Ventress na may dalang tinapay at mayonnaise.

"Ventress. Para saan yan?" Tanong ni Logan.

"Ano. Meryenda lang. Gusto mo gawan ko kayo?" Tanong ni Ventress.

"Gawan mo rin ako Ventress! Gutom na ako eh!" Natatawang sambit ko.

"Sige lang po Kuya Lexeaus! Eh ikaw Kuya Logan?"

"I'm good. Thanks Ventress." Sagot ni Logan.

"Okay po!" Sagot niya na nakangiti.

"Halika. Sa kwarto."

"Grabe naman to! Hinihintay ko lang yung sandwich na gawa ni Ventress eh!"

"Aakyat naman yan sa kwarto ko Lexeaus! Halika na!" Utos ni Logan na ikinabuntong hininga ko lang.

"Ventress! Akyat ka na lang sa kwarto ni Wolverine! Bigay mo na lang yung sandwich!" Sigaw ko bago umakyat.

Nang makarating kami ni Logan sa kwarto, agad agad niya ako pinaupo sa kama niya at umupo din sa tabi ko.

"Anong trip mo Wolverine ka?" Tanong ko.

"About Sakura. I really need your help."

"Ano? May gusto ka kay Sakura?" Tanong ko na ikinalaki ng mata niya.

"No! I mean, I really need your help na mag ayos kami ni Sakura. I want her to feel welcome pag papasok siya." Sagot niya.

"Ganito lang kasi yan Logan. Bawat estudyante, may sarili silang pinagdadaanan. Maski rin ako, may sarili din akong pinagdadaanan. The best solution to that, ngitian mo lang. Simpleng good morning lang o good afternoon. Pero pag hindi nila bet yung good morning, edi kawayan mo na lang. Ngitian mo lang." Pagpayo ko.

"Maraming paraan para gumanda ang mga araw ng bawat estudyante. Wag mo naman dagdagan ng stress." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.

"Kuya Lexeaus!" Sulpot bigla ni Ventress na dala yung sandwich na gawa niya.

"Ayown!! Salamat Ventress!!" Sambit ko bago ko kunin yung sandwich na hawak niya.

"Sana magustuhan mo yung gawa ko!"

"Thank you Ventress!" Sagot ko bago ko kagatin yung sandwich na gawa niya.

"Tuna sandwich ah! Ang sarap neto Ventress!" Sambit ko na ikina-ngiti niya.

Sakura's POV

Hindi pa rin ako maka get over. Pero bakit ba nagpapapansin tong si Logan?! Para ligawan ako?! Para wasakin ako tulad ng pagwasak saakin ni Setzer Acosta Madrid?!

Bakit ko ba binanggit yang pangalan na yan?! Matagal na akong naka get over sakanya!

Move on na Sakura! Move on na! Erased na siya sa buhay mo!

Wala akong magawa sa condo. Labas mina ako para magpahangin.

Agad agad ako lumibot kung saan ako dinadala ng mga paa ko at natanaw ko lang yung mga ibang babae na gumagawa ng cheerdance sa loob ng school na "Thomas University" ang pangalan.

"Sige girls! That's it for our cheerdance practice! Sa susunod ulit!" Sambit ng cheerleading captain nila.

"Sayang naman hindi ka magtatagal as cheerleading captain no?"

"Kaya nga eh! Pero don't worry. You guys have my 100% support kahit anong mangyari. Anyways, mauuna na ako! Magpahinga na kayo ah! Tsaka mag ingat sa biyahe!" Sambit niya bago kunin yung gamit niya at umalis.

Napatingin na lang yung babae saakin at umupo siya diyan saay vacant seat.

"Cheerleading Captain ka pala?" Tanong ko sakanya.

"Yeah. Pero hindi ako magtatagal, dahil weeks nang absent yung totoong captain nila." Sagot niya na ikinatango ko lang.

"Tsaka lilipat din ako ng school pagkabalik ng Captain namin dahil I really wanted to do my passion. Which is performing." Dagdag niya.

"Sakura nga pala." Pagpakilala ko.

"I'm Natasha." Pagpakilala niya bago kami mag handshake.

"Wait. Yan yung school niyo?" Tanong niya na nakatingin sa ID lace ng school.

"Oo. Bakit?"

"Doon ako mag aaral pagkalipat ko eh. Magpapaalam lang ako sa SSG Secretary namin about it. And ayun. Mag aaral din ako doon. Share ko lang." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Sige. Nice meeting you Sakura! Aalis na ako!" Sambit ni Natasha bago maglakad papunta sa jeep.

"Ingat ka Natasha!" Sigaw ko.

Well, mabait si Natasha ah.

Family WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon