No Love Involved (COMPLETED)

By _aLenJene_

488K 9.4K 764

Zephanie Torres is known as the most silent of the group. She usually listens and just talk when it's badly n... More

Prologue
The Beginning
The Stranger
Three months
The Sister and The EX
The Stranger Girl
Reminder
His Kiss
The Proposal and The Conditions
The OB-Gyne Clinic
The Hug
The Reason
The Wishes
The Third Wish
The Love
The Break Up
The Luckiest Man
He owns Me
The Twin Sister
The Confusion
The True Villain
The Start
The Change
The Three Other Wishes
The Emotion
The Sick
The Twins
FB Fan page
The Start Of Chasing
The Doctor
To Stay
The Three Words
The Smile
The Fall
The Parents
One Last Cry
His Side
Has Ended
Stephanie
Treatment
Hope
Sister's Love
Proposal
Living Together
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

The Rain

8.8K 176 14
By _aLenJene_

Zeph.

 

 

Nagbuntong-hininga ako matapos kong ibaba ang telepono, may mga bulaklak na naman daw na dumating at sa totoo lang ay kating-kati na akong tanggalin ang cord ng telepono para lang hindi na makatanggap ng tawag. I can’t believe that he’ll send eight bouquets of different flowers in just a day!

Kaninang umaga ay siya mismo ang personal na nagdeliver ng mga bulaklak but after I deleted his name on my guest list ay hindi na ito basta-basta nakakapasok. Medyo nakahinga ako ng maluwag kanina pero ngayon naman ay naiirita ako sa halos sunod-sunod na dating ng mga bulaklak. May balak ba siyang gawing flower shop ang buong Torres Tower?

Buti sana kung maitatago ko siya dito sa unit ko, eh hindi naman. Not that Jim said not to get it but because I don’t want to take a risk again. My heart is still vulnerable and I’m afraid that I’ll go stupid again by getting tickled pink with the idea that he’s doing his best to have me again. But the very big question is, why? I have given him what he wants and that is to finally let him go and that stupid deal, but why is he still persistent?

 

Minsan naisip ko, well, just to somehow think positively, naisip ko lang naman na baka gusto niyang magkaanak sa akin so there’s a bigger reason for us to be together. But that’s impossible. And if in case, what could be the possible reason? Does he love me? Does he want to keep me?

I sighed in confusion. Too many questions and too many frustrations. He remains a puzzle to me.

Nakabalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang tawag ni Jim mula sa kusina. “Zeph, kain na tayo. Past 1pm na.”

“Oo. Sunod na ako,” Muli akong nagbuntong-hininga bago tumayo at naglakad papuntang kusina.

Malapit na akong makarating sa kusina ng marinig ko ang buzzer. I closed my eyes tightly. Don’t tell me nakaakyat siya dito? Minsan pang nagbuzz ang doorbell pero hindi pa rin ako gumagalaw para buksan ang pinto.

“Bakit ayaw mo buksan ang pinto?” Tanong ni Jim na hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala. Kunot ang noo nito. Hinihintay niya na sumagot ako pero makaraan ang ilan pang sandali ay naggive up na ito at siya na ang humakbang patungong pinto.

I hurriedly followed him and grabbed his left arm. Tumaas ang iang kilay nito at taas baba ang tingin niya mula sa aking mukha hanggang sa kamay kong nakahawak sa kanyang braaso. “H-huwag. It might be Jayson…”

 

He sighed. “Hindi siya yan. Si Miguel ‘yan.” Pumihit ito at hindi ko na siya napigilan na gawin ang gusto niya dahil nabuksan niya na ang pinto at nakapasok na si Miguel.

Nagtataka ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Obviously, Jim likes me. Aminin man niya yun o hindi, hindi niya na maitatago yun. So, bakit niya tinawagan si Miguel to come here?

Tumaas ang kilay ko at tinitigan sila. “What are you up to?”

 

Nagtinginan silang dalawa at saka parang nagsesenyasan sa kung sino ang magsasalita. “Hindi ba kayo magsasalita? O gusto niyong palayasin ko kayo? Ikaw naman Miguel, bakit ka andito?”

 

Nagsisikuhan silang dalawa pero pinandilatan no sila at saka ko sila binato na throw pillow na naabot ko. Nandidiri ako sa nakikita ko. Para silang may bromance and it’s freaking me out. My God. I love gays but I would not like these two gorgeous men to be gays. Sayang. Marami silang maproproduce na magagandang anak.

Nang maglaon ay sabay pa silang tumikhim at halos sabay na sabay din na magsalita.

“Jayson is outside this building.” They said in unison. Mabilis ang pagsasalita nila at halos hindi ko naintindihan.

“Teka. Ulit nga. Isa lang ang magsalita! Jim, you speak. Miguel, shut up!” Umupo ako sa sofa at maya-maya ay ibinuka ni Jim ang kanyang bibig pero hindi naman siya nagsisimulang magsalita. I sighed in irritation sa kaartehan ng dalawa kaya sabi ko ay si Miguel na ang magsalita dahil kung hindi ay talagang palalayasin ko sila.

“Love…” Panimula niya pero bago binatukan siya agad ni Jim. “Umayos ka!” Ani Jim at tumawa ng mahina si Miguel. Damn! Para talaga silang magkarelasyon!

I rolled my eyes. They’re wasting my time!

“Ano na?!” Pagalit na tanong ko at saka lang sila pumirmi at magseryoso. “Zeph, nasa labas si Jayson. Hintayin ka raw niya doon sa baba.” Miguel said.

“Ano ngayon kung nasa labas siya? Bababa ako, ganoon?” I asked sarcastically.

“Zeph kasi umuulan mula pa kaninang madaling araw di ba?” Lalong tumaas ang kilay ko. “Eh anong kinalaman ko sa ulan? Don’t tell me andun siya nagpapakabasa sa ulan? Naku luma ng tactic ‘yan.”

 

Napangiwi silang dalawa sa sinabi ko at saka nagbulungan and I swear nakakadiri na silang tignan!

“Stop whispering to each other! Para kayong mga bading!” I shouted and as if in just a snap ay naghiwalay sila at parang diring-diri sa bawat isa.

At dahil sa reaksyon nila ay hindi ko na napigilan ay humagalpak sa tawa. Damn! I never thought that these two can make me laugh like this. Pero hindi pa man nagtatagal ang tawa ko ay para akong nawalan ng ulo sa uri ng titig nila sa akin. Kaya naman agad-agad din iyon natapos at muli naging pormal ang mukha ko.

“Dude, did she just laugh?” Jim asked. Si Miguel naman ay parang ewan na tumango-tango. I rolled my eyes. I have to remind myself next time that being with these two is insane.

“Kung ganyan kayo lumayas na kayo. Ang sakit niyo sa ulo, promise.” I said pero ang mga walang hiya ay ngumiti pa. Nang makarecover sila ay lumapit silang dalawa sa akin.

“Well?...”

 

 

“Hmmm, Zeph. You’re right. Jayson is outside this building under the rain.” Miguel said but I just snorted.

“Seriously? Can’t he do better than that? Tell him that I don’t care kahit doon na siya tumira. It’s so lame. Sa telenovela lang ‘yan.”

“But Zeph. Hindi naman kasi ganoon kasimple yon.” Jim said.

“Then ano?” Tamad na tamad ko na tanong. Well, I didn’t expect him to do that pero sa totoo lang hindi talaga ako apektado. Isang bagay lang naman ang gusto kong marinig sa kanya eh. If he’ll say that he loves me that’s why I can’t go away from him then I will go run to him. Kaso hindi eh.

“Zeph, may sinabi kasi siya. Sabi niya he is determined to get you again…” Jim said. He paused a bit to breathe na parang nag-aalinlangan kung dapat niya bang sabihin ang sasabihin niya. “…So, he said… Hihintayin ka niya raw sa baba---“

 

“You mean sa labas under the rain.” Miguel cut him off. Tumango naman siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“sa labas nga. And then… the thing is hangga’t hindi ka bumababa para sumama sa kanya ay magtatanggal siya ng isa sa mga suot niya in every 30 minutes.”

 

My eyes widened and my jaw dropped upon his statement. Shocked is an understatement. Umiiling ako. No, he can’t do that. He will never do that!

“You’re kidding. Hindi niya gagawin ‘yon.” Pagtanggi ko sa sinabi nila. Impossible!

“We’re not kidding and he is not kidding. Sa ngayon nga ay wala na siyang shirt---“

 

“What?!” Napatayo ako sa gulat sa sinabi niya at parang hindi na ako nag-iisip ng nagmadali akong lumabas ng unit ko. Lakad-takbo ako hanggang makapasok ako ng elevator at hindi ko na sila nilingon kahit na naririnig kong tinatawag nila ako.

I can’t believe that this is happening. Yes, he promised that he’ll get me again but I never thought that he’ll do this. Damn! Hindi siya pwedeng maghubad doon! Dapat ako lang ang makakita ng katawan niya! Aish! Shit! Ano bang sinasabi ko?! Galit ako sa kanya. Sawa na ako sa kasungitan at pagmamalupit niya kaya dapat hindi ako aligaga ngayon. But damn! I can’t let him do that. No. Never!

Nang makarating ako sa baba ay agad akong tumakbo palabas at halos sumayad sa lupa ang aking panga sa gulat dahil nakatayo nga siya sa labas at akmang ibababa na ang pantalon niya. Nakayuko siya sa akin kaya hindi niya ako nakita at imposibleng marinig niya ako kung tatawagin ko siya dahil sa lakas ng ulan.

Lumingon ako sa guard post at nakita ko ang isang payong doon kaya kinuha ko agad yon. Wala pang iang minuto ay nagawa ko ng hilain si Jayson papasok sa building at hindi man lang siya nagpumiglassa paghila ko sa kanya.

Nang makapasok kami ay may inabot na tuwalya ang guwardiya at hindi na ako nag-atubuling punasan siya. Damn! Nanginginig ako, hindi dahil sa lamig dahil takot at pag-aalala na ang nagsimula kong maramdaman. Kung kanina sabi ko wala akong pakialam pero ngayon na nasa harap ko siya na nanginginig, maputla, at tila may pasa at sugat sa mukha ay hindi ko na napigilan pa ang mag-alala.

“God, Jayson, what happened to you?...” Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Siya naman ay parang hindi makapaniwalang nakatitig lang sa akin. Ibinalabal ko sa kanya ang tuwalya at saka ko siya hinila ulit papuntang elevator. Hindi pa rin siya umimik kahit noong nakapasok na kami ng unit.

Pagpasok namin sa unit ay nakita kong prenteng nakaupo si Miguel at Jim. Lumingon naman sila sa akin pero kakaiba ang tingin nila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman kasi alam ko kung anon a ang ginawa nila.

Huminga ako ng malalim at saka bumaling kay Jim. “Help him. Alam mo na ang gagawin.” Ngumiti siya sa akin at saka tumango.  Lumapit siya sa amin at saka inalalayan si Jayson na sa tingin ko anumang oras ay matutumba na. Tumulong na rin si Miguel at nagsimula na silang maglakad papuntang kuwarto.

Sumunod ako sa kanila at nakita kong inasikaso na nila si Jayson. I sighed in relief when I saw him peacefully sleeping on the bed pagkatapos siya mabihisan. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa sala. Umupo ako sa sofa at doon muling bumuhos ang mga luhang walang kasawa-sawa sa paglabas.

Naramdaman kong umupo si Jim sa tabi ko at si Miguel naman ay umupo sa one-seater sofa sa tapat ko.

“Zeph…”

 

“I honestly don’t know if I should thank you or not…” I said. My heart is constricting in pain. This is already too much to handle. Yes, I want Jayson to love me but not like this.

“I want him to realize his mistake but by his own and not by your punches…” Hindi sila sumagot, hinayaan lang nila akong umiyak at magsalita dahil alam nilang hindi ko gusto ang ginawa nila. Nang tuluyan ng humupa ang  pag-iyak ko ay tuluyan na akong nakapagdesisyon.

“Take care of him. Aalis ako mamaya and please let him do what he wants to do. Kung gusto niya akong bumalik sa buhay niya, bahala siya. Don’t make him suffer. Ayoko ng pilit lang, please. Let him realize everything.”

 

Tumayo ako at mapait na ngumiti. I know they love me that’s why they did that. But Jayson must do it on his own. That’s what I want to see.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 306 34
Her story of moving on and finding love along the way.
391K 13.7K 65
Patch She's cold and unfeeling which makes her the best agent ever After getting a head of herself, she gets sent to an insufferable mission Be a pre...
90.3K 1.6K 27
I was inspired by Sherry Argov while writing this story, hope you like it guys! :)
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...