Third Person's POV
Dumating na ang mga estudyante sa venue at agad agad nilang kinuha yung mga gamit nila.
Pagkababa nila, agad agad na silang dumiretso sa venue kung saan lahat ng mga estudyante ay magsasama sama.
"Huy!!! Ang ganda ng lugar na to ah!" Sambit ni Aarah habang naka-akbay kay Evander.
"Looks like everyone's gonna get crazy y'all!!!"
"Oo na Rhett! Excited kami!" Pagsabat ni Gold sa sinasabi niya.
"Ano sa tingin mong gagawin natin?" Tanong ni Evander.
"Mag stay dito ng 4 days at 3 nights." Pagpilosopo ni Falco.
"Alam mo Falco, hindi bagay sayo mamilosopo." Sambit ni Arianna.
"Ay. Oo nga no? Hindi bagay saakin mamilosopo. Sayo lang ako bagay."
"HEH!" Singhal ni Arianna bago umirap.
"Kahit irap irapan mo ako diyan, hindi pa rin mawawala yung katotohanan na bagay tayo." Pag asar ni Falco kay Arianna.
"Alam mo kung anong bagay sayo?! Etong makati kong kamay na gustong mangwasak ng mukha!" Pagbara niya.
"Kung mawawasak man yang pagmumukha ko, diba dadagdagan mo yang mga pasa sa mukha mo?"
"Aba'y gusto mo ba ha?! Halika dito! Para mawasak ko yang pagmumukha mo!"
"O sige." Sambit niya bago hilain si Arianna palapit sa mukha niya.
Pero sa biglaang paghila ni Falco, natutulala si Arianna sakanya. Kaya hindi niya magawa yung gusto niyang gawin kay Falco.
"O ano? Diba wawasakin mo yang pagmumukha ko?" Tanong ni Falco.
Nailang na si Arianna sa ginagawa ni Falco kaya binatukan niya na lang agad siya para lumayo yung mukha niya.
"Still the same Arianna. Naiilang pa rin Kay Falco." Pag asar ni Natasha sa dalawa.
"You know what, it's already her happy day when she's pissed off with Falco." Pag asar din ni Might.
"Hug mo ko." Utos ni Natasha bago sila nagyakapan ni Might.
"Wow naman!! Ang ganda dito ah!" Sambit ni Flair.
"Ay syempre! Kasing ganda mo lang yan Flair! Kaya nga nahulog ka sa gwapo na tulad ko eh!"
"Whoo! Ang fresh ng hangin Lexeaus!" Pagbara ni Flair sakanya.
"So guys! Is everyone okay?" Pagdating ni Logan kasama si Sakura na nakayakap sa braso niya.
"All good Logan!" Sagot ni Rhett.
"Let's get going guys! Baka naghihintay na siguro yung head ng venue." Utos ni Logan na ikinasunod namin.
Pagdating ng mga estudyante, pumwesto sila sa kani kanilang upuan at linapag nila ang mga gamit nila.
"Guys, may pagkain ba kayo?" Tanong ni Josiah.
"Kakakain mo lang kaya!" Singhal ni Calla.
"Wow naman! Parang siya, di uminom ng tatlong oreo milkshake." Pag asar ni Josiah.
"O, tama na yan. Josiah, Calla." Pag awat ni Whyndam.
"Kaya nga! Ang aga aga, nag aaway nanaman kayo. Mag enjoy lang tayo, wag muna magbanyagan." Pagsangayon ni Keith.
"Keith!" Pagdating ni Harper kasama si Quintana.
"Tita Harper! Quintana! Andito pala kayo." Sambit ni Keith na ikinatuwa nila.
"Huy, I'm sorry sa loss ng baby sister mo."
"Ayos lang Quintana. Ganyan talaga buhay, we should expect the unexpected."
"Sige, punta lang ako sa kitchen. May aayusin lang kami ng team ko." Sambit niya bago umalis.
"Dito po pala kayo nagwo work?" Tanong ni Josiah kay Quintana.
"Oo Josiah. Dito kami nagwo work ni Tito Findley. Kami nga yung magiging host sa mga activities niyo eh." Bulong ni Harper.
"No worries, masaya to. Make sure walang magsasakitan sainyo. Ayaw pa naman namin na may nasasaktan sainyo. Pero mag ingat lang kayo, may iba sa mga katrabaho namin ni Findley, masama ang ugali. Mag asawa pa." Pagpaalala niya na ikinakunot ng noo ni Josiah.
"Leonardo Reyes pati April Masbante - Reyes. Jusko Lord, parang gusto nga nilang pumatay ng tao pag nakikita nila ako eh!"
"We'll keep an eye on them. Knowing na kasama ang mga kapamilya niya dito." Pagtahan ni Josiah sa pag alala ni Quintana.
"Sige, enjoy lang kayo ha? Fifteen more minutes, magsta start na yung event. Enjoy!" Sambit ni Harper bago pumunta sa stage.
Sa kabilang grupo naman, makikita si Lesley na kausap ang mga magulang niya na si Leonardo at April.
"Mom, Dad. Kayo po pala yung magiging host ng event na to?"
"Oo anak. At least makikita mo kami diba? Sayang nga lang hindi sumama si Tita Kalea dito." Sambit ni Leo na ikinabuntong hininga niya.
"True, may bwisit kasi na nag-report sakanya. Mukhang matatanggalan pa ata ng lisensya." Pagsangayon ni Lesley.
"O siya siya, mag enjoy kayo anak. Mag enjoy kayo ng mga kaibigan niyo." Sambit ni April na ikinatango niya.
"Sige anak. Mauuna na muna kami ni Daddy ha? Host naman kami sa event niyo eh."
"Okay Mommy! Enjoy!" Pagyakap ni Lesley sakanila bago sila umalis.
Nakaupo lang si Setzer at ngumingiti lang siya dahil sa plano nila.
"Hintay lang kayo Amazonians at X Mate, katapusan niyo na to." Sambit niya sa sarili niya.
"Charm! Setzer!"
"Daddy!" Paglapit ni Charm bago niya yakapin si Adam.
"Hayys, bakit ba siya nandito?" Bulong ni Setzer na naiinis.
"Kumusta anak? Maganda yung venue niyo diba?" Tanong ni Adam kay Charm.
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Setzer sakanya.
"Kuya... tumigil ka muna, please. Ayokong mapahiya tayo." Pagpaalala ni Charm.
"Anak... alam kong gusto mong mag enjoy dito, pero please lang anak. Ayokong gumawa ka nanaman ng kalokohan." Pagpaalala ni Adam.
"Heh. Talaga, pero wag na wag kang hahadlang ha." Inis na sambit ni Setzer bago bumalik sa upuan niya.
Kitang kita sa mga mata ni Adam na kahit anong pagpaalala at pagdidisiplina niya kay Setzer, hindi pa rin ito mauubra.
"Sige na Charm, bumalik ka na sa pwesto mo." Utos niya kay Charm na ikinasunod niya.
Fifteen minutes passed by, magsisimula na yung venue at nakatayo na ang mga host.
"Rise and shine boys and girls! It's time to take over the world!" Sigaw ni Harper na ikinatili ng mga estudyante.
"Ayan! Mukhang excited na ang lahat ng nandito ah!" Sambit ni Findley.
"But before that, let us introduce ourselves! I am Findley Ulesys Robinson, and you can call me Kuya Findley. With my lovely wife, Quintell Harper Smith - Robinson. Ang ganda diba?" Pag asar niya kay Harper, kaya tinukso sila ng mga estudyante.
"Hoy! Stop me, Findley! Nakakahiya sa mga students." Natatawang sambit ni Harper.
"And yes! It's your host, with the most, Quintell Harper Smith - Robinson! And welcome to... The Ace Park of Robinsons!" Pag announce niya kaya nagpalakpakan ang lahat.
"Yes! We are the owners of this lovely place, kaya madaming magjowa ang pumupunta dito." Pagbiro niya na ikinatuwa nilang lahat.
"And before we start, may mga rules tayo na kailangan sundan para mas mag enjoy ang lahat." Sambit ni Findley.
"Rule number 1! Bawal magdala ng mga deadly weapons. Baril, kutsilyo, Basta anything deadly, bawal."
"Rule number 2! Always follow your schedules, para di kayo mag miss out sa mga activities natin." Sambit ni Harper.
"Rule number 3! Bawal mag away. Ayokong may maninira ng mood ng bawat estudyante, or kahit sino sa mga nandito." Dagdag ni Findley.
"Rule number 4! Pag gabi na, limit niyo ang paglabas ng room. Unless if you really need something from our staffs." Dagdag ni Harper.
"Rule number 5! Mag enjoy kayo, at bawal ang KJ!" Sabay nilang sambit.
"Ayun lang! If there's any questions, feel free to ask anyone of us. Okay?" Pagpaalala ni Findley na ikinatango ng mga estudyante.
"Kaya let's get the activity started!!!"
Julia Montes as Quintell Harper Smith - Robinson
Paulo Avelino as Findley Ulesys Robinson
Jerome Ponce as Leonardo "Leo" Reyes
Sachzna Laparan as April Masbante - Reyes