Two Hearts become One(Sequel...

By Cute2ng

275K 6K 188

Life is not easy.. yan ang natutunan ni Gabrielle sa pagpapanggap niya bilang asawa ni Cray.. Everything is n... More

Two Hearts become One(a sequel story of IHPW)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 27.
Chapter 28:
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Epilogue.
The Real Finale.

Chapter 26.

4.8K 110 0
By Cute2ng

Kabanata 26

Gabrielle POV

Pumasok ako sa Cindy's Restaurant at hinintay ang taong  gusto kong pagsabihan ng problema ko. Iginuide ako ng waiter sa isang gilid ng restaurant at duon pumuwesto. Binigyan ako nito ng menu.

"Mamaya na ako mag-oorder. May hinihintay pa ako eh." Sabi ko sa waiter.

Tumango lang ito at ngumiti bago umalis. Bumalik ito para maglagay ng tubig sa harap ko. Nagpasalamat ako para duon. Uminom ako ng tubig para gumaan ang pakiramdam ko. 

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sa labas nitong restaurant. Tulala akong nakatingin duon at hindi pinapansin ang mga aong dumadaan sa paligid.

What should i do right now? Sasabihin ko ba kay Cray? Kina Momsie? Kay Andx? Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nila. Mgugulat? Masasaktan? I know hindi nila ito matatanggap. Ang hirap ng ganito.

"I'm surprised you want to talk to me."

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ito ng itim na dress na hapit na hapit sa katawan nito. Ang buhok niyang mahaba ay maayos na nakapony tail kaya kitang kita ang magandang hugis ng mukha nito. Ang bag na hawak ay inilapag nito sa mesa at tinanggal ang suot na aviators.

"Amanda." Ngumiti ako sa kanya at iminuwestra ang upuan na nasa harap ko. Umupo ito at nagtawag ako ng waiter para sa makakain namin. Abala ako sa menu at ganun din ito.

"I want this vegetable salad and one iced tea" Tinignan ko ang waiter na naglilista sa order ko. Pagkatapos nitong maisulat iyon ay binalingan nito si Amnda na nakatingin pa rin sa menu.

"How about you, Ma'am?" Tanong nito kay Amanda na agad tumingin sa akin

"Give me one grilled stank steak and one lemonade." Sagot nito bago bumaling sa akin

After sabihin ng waiter ang order namin ay umalis na ito. Awkward akong ngumiti kay Amanda. Tinitigan ko siya. Hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan pero siya agad ang naisip kong pagsabihan ko ng problema ko. I dont know why. Siguro because of the thought na minahal siya ni Cray nuon.

"So how are you? Ano yung gusto mong pag usapan natin?" Tanong nito

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Hindi ako nakapag isip kong pano ang sasabihin sa kanya. 

Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero tinikom ko ulit yun ng dumating yung order namin. Nagpasalamat kami sa waiter at nagsimulang kumain.

"Kumain muna tayo bago mag usap. I saw your face tense. Nacucurious tuloy ako kung anong sasabihin mo." Sabay ngiti nito.

Gusto ko siyang hampasin ngayon. Oo, yun ang nararamdaman ko sa kanya. Pero alam kong wala na kami sa past at alam ko rin na iba na siya ngayon.

Kumain ako ng tahimik. Ganun din ito. Paminsan minsang sumusulyap ito sa akin at ganun din ako.

"Cray's in Davao right?" Tanong nito

Tumingin ako sa kanya at tumango."yeah. Kanina lang siya umalis." Sagot ko

Tumango ito."Your alone in your house? Oh mananag Lena is there." Kibit balikat nito.."Sinama niya si Geo diba?" tanong nito at humagikgik.

Kumunot ang noo ko.

"That guy. I saw him yesterday, chasing his ex girlfriend Arienne. Kahit pinagtabuyan ng bonggang bongga di pa rin umaalis. Parang tutang sunod ng sunod." Tumawa ito at uminom sa lemonade nito.

"Panu mo nalamang Arienne ang pangalan ng ex niya nuon?" Tanong ko

She rolled her eyes at me."Cray told me. Remember? Nung college."

Tumango na lang ako.Sila pa nun eh. Mahal na mahal yan ni Cray nuon kaya kahit sekreto ng kaibigan niya nasasabi niya sa kanya. Hindi ko alam kung sinong mas maswerte sa aming dalawa. Ako ba na pinakasalan ni Cray o siya na naging ex na. Hindi ko alam ang love story nila at hindi ko nakita kung gaano sila kasweet nuon. 

"Its all the past, ano ka ba!" 

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na para bang tuwang tuwa sa nakikita sa mukha ko.

"Its all the past now. Kita ko sa mukha mo na naapektuhan ka pa rin sa past namin ni Cray." Kibit balikat nito

Tinitigan ko lang siya. Tapos na akong kumain at siya ay patuloy pa rin sa pagkain. Tinignan ko ang mukha niyang maaliwalas. Sobrang blooming at parang walang prinoproblema. 

Nagbuntong hininga ako..

"You know how much i love Cray right?" Seryoso kong sinabi.

Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa akin ng seryoso. Tumango ito at lumunok. Nag iwas ng tingin sa akin bago sumagot.."Yes, Gabrielle. I know that."

I saw her uneasy for what we are talking. Alam kong di pa namin napag uusapan ang lahat. Sa lahat ng nangyari. Nakakabigla na naging na siya.

"What if Cray told you that he's still love you?"

Bumaling ito sa akin at laglag ang panga. Uminom ito sa lemonade niya at tumingin sa akin."That's impossible. I know how much he love you. Nakita ko yun, Gabrielle. He love you more than he love me before." 

Lumunok ako. Tinitigan ko ang mukha niyang walang bahid na irita o pagkainggit. Yeah right, mintik ko ng makalimutan, ginamit lang pala niya si Cray para mapabagsak ito. Si Cray ang nagbigay nuon. Ang nagmahal ng sobra. Hindi si Amanda.

"Kahit konti ba, Amanda? Wala ka bang naramdaman para kay Cray? Kahit konti lang?"

Nalaglag ulit ang panga nito. Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin sa akin.

"Meron diba? Natutunan mo siyang mahalin nuon diba?" Tanong ko ulit.

Tumingin siya sa akin."Bakit ba natin ito pinag uusapan? Its all in the past for pete's sake."

"Just answer me. I want to know, Amanda. Gusto kong malaman kung minahal mo din ba siya nuon dahil gusto kong-"

"Stop it, Gabrielle." Malakas na sabi nito..Napatingin ako sa mga  taong kumakain din sa restaurant at nakatingin sa amin.

Tinignan ko si Amanda na may bahid ng pagkairita sa mukha.

"I just want to know kung may naramdaman ka sa kanya, Amanda. Masama ba ang magtanong?" Malamig na sabi ko.

Natahimik ito. I knew it. Base sa pinakita nitong katahimikan ay mayroon din itong naramdaman nuon para kay Cray. Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa nalaman kong ito.

"Oo." Napatingin ako sa kanya..Nakatingin ito sa laba ng restaurant..Ilang sandali bago ito bumaling sa akin. Punong puno ng emosyon ang nakita ko sa mata nito.

"Oo minahal ko siya pero huli na ang lahat dahil dumating ka. Natakot akong tanggapin sa sarili ko na natutunan ko siyang mahalin dahil hindi yun pupwede." Tumulo ang luha nito na agad nitong pinunasan.

Namuo ang poot at sakit sa dibdib ko na para bang ano mang oras ay malalagutan ako ng hininga.

"Natakot akong malaman ng lahat na mahal ko na siya lalo na ang mga magulang ko. Maglaban ang mga negosyo namin Gabrielle at hindi matatanggap ng mga magulang ko kung siya ang lalaking mamahalin ko."

Tumungo ako at nakinig sa sinasabi niya. Hindi namin inalam ang side niya nuon. Dahil akala namin ay siya ang kalaban.

"Sinubukan kong ituon ang atensiyon ko sa ibang bagay. Nakipagrelasyon ako sa iba ng patago. Yung hindi nalalaman ni Cray. Pero wala pa rin. Hindi siya mahirap mahalin hindi ba?"

Tumango ako sa kanya. 

"Nakita ko ang pagmamahal niya sa akin nuon. He's the man who give everything for the one he love. Pinaramdam niya sa akin na hindi hadlang ang mga negosyo namin para magmahalang kaming dalawa. Dun ako nahulog. I was falling for my own trap. Masakit na hindi kami pwede. Hinayaan kong isipin ng mga kaibigan niya na hindi ko siya minahal. Nagdesisyon akong sirain ang pagsasamahan nila at nagbabakasakaling iiwan niya ako. Pero hindi, mas pinaniwalaan niya ako kesa sa mga kaibigan niyang matalgal na niyang kilala." Naginig ang boses nito.

Huminga ako ng malalim. I was guilty for what i've done. Katulad ko lang siyang nagmahal sa taong hindi pwede nuon. Na pareho kaming nagpanggap sa isang taong natutunan din naming mahalin.

"Nung naaksidente siya at nalaman kong nagkaamnesia siya ay gusto kong bumalik at sabihing mahal ko siya. Pero dumating ka. Na nagpanggap bilang asawa niya. Mahal ko siya at hindi ko matanggap na may nagpapanggap at niloloko siya kaya ginawa ko ang mga plano ko, yun ay ang malaman niya ang totoo. Pero nung nalaman niya ang totoo, i realized that i dont have his heart anymore. Dahil kahit ako ang kasama niya, ikaw pa rin ang iniisip niya." Ngumiti ito ng malungkot.

"I move on. Ngayon na pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko ay gumaan ang pakiramdam ko. I feel like a bird na nakawala sa isang hawla." Nagbuntong hininga ito.

"Kung sasabihin ba ni Cray na mahal ka niya ngayon, tatanggapin mo ba ulit siya?"

"Gabrielle, kung iniisip mo na sisirain ko ulit ang buhay niyong dalawa ay nagkakamali ka, i know my fault."

"Hindi ako nag iisip ng ganyan Amanda." 

"It is Gabrielle." Mataman niya akong tinitigan.

Nagtagpo ang mga mata namin dalawa.Lumunok ako."If you still love him, stay with him. Ipakita mong mahal mo siya para matutunan ka niya ulit na mahalin."

Nanlaki ang mga mata nito. Laglag ang pangang tumingin siya sa akin.."WHAT? What are you talking about Gabrielle?" Nalasahan ko ang galit sa kanyang boses.

Lumunok ulit ako. Namuo ang luha sa aking mga mata. "Stay with him. I know you didnt move on yet. You still love-"

"iS THAT WHAT YOU THINK OF ME?" Sigaw nito. Hindi alintana ang mga taong nakatingin sa amin. Napatayo ito at tinitigan ako ng masama.."Alam kong hindi mo ako pinagkakatiwalaan pero please, stop this nonsense. Stop this rivalry between us. I'm not the enemy here." 

She took her bag and turned to me..Alam kong mali ako. Maling mali ako. Tumayo ako sa akin upuan.

"May sakit ako sa puso, Amanda." Tumulo ang luha ko sa sinabi kong iyon. Para bang ngayon ko lang natanggap na may sakit ako at mukhang nanganganib ang buhay namin ng anak ko.

Tumigil ito sa paglalakad at liningon ako. Nanlaki ang mga mata nito nang nakita ang luha sa mga mata ko. Nakita ko ang gulat at di makapaniwalang ekspresyon nito.

"I have a heart disease and i dont know what to do."

Continue Reading

You'll Also Like

788K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
351K 5K 32
READ AT YOUR OWN RISK! Angela needed money for her parents. Handa siyang gawin ang lahat para sa mga ito maging ang pagpayag sa kasunduang inalok sa...
1.4M 25.5K 50
Isang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...