Mafia Series 1: Guarding The...

By snoophye123

1.1M 31.1K 2.9K

[ Published under IMMAC ] Cathalina Frances Valeria is a well-known superior agent in Italy. She was well tra... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
AUTHOR'S NOTE:
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT (2)
Announcement (3)
NOTE
SPECIAL ANNOUNCEMENT

Chapter 42

10.3K 256 22
By snoophye123

Tristan's POV:

Umaga na naman at ngayon ay pupunta ang asawa ko sa Italy, hindi na niya ako pinasama dahil saglit lang naman daw s'ya. Ang nangyari nung gabi ay talagang nakakawindang, muntikan na naman kami. Kung hindi lang kami hinila ni Cathalina palabas at ihagis sa semento malamang ay wala na kami. Gigil na gigil ang asawa ko, para s'yang nababalutan na dark aura basta nakakatakot. Ngayon daw sila ni senyor pupunta sa italy may mga aasikasuhin daw kasi sila doon at ilang araw lang.

Pumayag naman ako, syempre ayoko naman ipagkait sa kanya ang makapunta sa mama niya sa italya, ako muna ngayon ang bantay sa mga anak ko. Syempre, nandito naman sila mom at dad kaya okay lang. Wala naman kasi akong gagawin, maayos na rin si Arkin at ang mga magulang niya dahil nakapag-usap na sila pero, ang mom lang ni Arkin ang hindi sang-ayon sa kanila. Well, hindi ko nga alam bakit ginanun ng asawa ko ang magulang niya, at maski ako nagulat.

Imagine! Paano niya nalaman ang lahat ng 'yun? Maski nga si Arkin walang alam! Tapos ang magaling kong asawa ay alam at detelyado pa! Galing right? Hindi ko nga alam e! Mamaya mamana nila stella ang ugali ng mama nila! Matalino ang asawa ko at madiskarte sa buhay, kaya nga mahal ko 'yun e! Tapos ang matindi pa, magaling humawak ng mga armas. Sana hindi mamana nila stella ang ganun ni Cathalina. Ayokong mamana nila kay Cathalina ang paghawak ng armas. Natatakot ako.

"Tristan." napa-angat ang tingin ko kay Cathalina. "Ilang araw lang naman akong mawawala at isa pa, nandito naman ang mom at dad mo. Kaya, babalikan ko rin kayo." she smiled sweetly.

"As if may magagawa ako?" saad ko kandong si stella. "Mag-iingat ka doon, and don't do something horrible okay?" paalala ko.

Natatakot lang naman ako na baka tototohanin niya ang sinabi niya, ang patayin ang buong angkan ng mga Rovanov. Doon ako natatakot, baka kasi may hindi mangyari sa kanya o sa kanila. Silang dalawa lang ng senyor ang pupunta doon walang iba, pero nandoon naman si Hades at iilang mga tauhan doon kaya, i won't be worried.

"Of course." she smiled innocently. "Mag-iingat kayo dito, tawagan mo agad ako kapag may hindi magandang nangyari. I love you.." mahinang saad niya.

I smiled. "I love you more." i kiss her lips she kissed me back.

"My-my kiss!" stella giggled at pumagitna pa sa'ming dalawa kaya natawa ako sa kanya, agad na inayos ang upo niya.

"Behave okay?" she smiled and kissed stella, she giggled and kiss her mom on the lips.

Niyakap isa-isa ng asawa ko ang mga anak namin, nakangiting pinagmamasdan ko sila. Panay ang halik sa mama nila, natawa naman ako. Parang mga linta kung makayakap, sumabit pa nga si kent sa binti ni Cathalina kaya humalakhak ang asawa ko at hinalikan ang noo niya. Narinig na namin ang busina nilagay na ng mga tauhan ang isang maleta ni Cathalina.

"I'll go ahead.." saad niya pero nilingon ako. "Yakap ko?" she smirked.

Tumayo naman ako at niyakap s'ya ng mahigpit, she chuckled softly and hugged me. I kiss her lips one more time before i let her go. We waved our hands to say our goodbyes. Nakangiting kumaway s'ya bago tumalikod sa amin, hinabol pa ng mga anak namin kaya natawa si Cathalina at yumakap.

"Sige na, babalik rin naman ako in three days.." malambing na saad niya. "I'll give you toys once i get back." saad niya.

"Yey!" they all cheered and giggle at their mom.

Hinatid ko s'ya palabas at agad na humalik sa noo niya, nandito na rin ang senyor sa kotse. I watched their car, parang bigla akong kinabahan huminga ako ng malalim. Pumasok na ako sa loob at nakipaglaro sa mga bata na nasa carpet, nagpaluto na rin ako ng makakain nila. Wala akong pasok ngayon, pinasa ko muna kay Adonis ang trabaho ko since patapos na s'ya sa Baguio Project nila. Nandoon naman ang sekretarya ko kaya okay lang na umabsent ako.

"Stella, Kent, Natasha kakain na tayo!" sigaw ko galing sa kusina. 

Lumakad ako at nakita na nag lalakad na silang tatlo, tinaasan ko sila ng kilay at humalukipkip, hinintay sila. They giggled and continue to walked, nakaalalay sila sa sofa. Natawa ako at agad na silang hinawakan tatlo akala mo matibay na ang buto kung makapaglakad. Pinaupo ko sila sa baby chair, ako na rin ang nag lagay ng plato nila sa arm chair nila. Habang kumukuha ako ng baso ay bigla nalang dumulas sa kamay ko kaya nahulog, rinig ko ang pagbasag ng baso. Hindi ako makagalaw, bigla akong kinabahan.

"Sir, ako na po diyan!" saad ng isa sa mga katulong.

Nakatulala lang ako, hindi agad ako nakakilos. Hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas lakas ng tibok ng puso. Huminga ako ng malalim, sana naman walang mangyaring masama sa kanila at sa asawa ko. Napainom ako ng tubig at agad na bumalik kung nasaan ang mga anak ko, kaagad akong ngumiti sa kanila pero ang utak ko naglalakbay na.

Habang kumakain kami ay bigla nalang dumating si Amara kasama si Luke. Mukha pa silang nagmamadali, hinihingal na pumunta sila sa harapan ko, kita ko ang takot sa mga mata nila at kaba. Kunot ang noo ko.

"T-tristan! Naka-alis na ba sila ate?" nagmamadaling saad niya tumango ako, naguguluhan. "Shit!" she cursed.

"W-wait, ano bang mayroon?" naguguluhan na talaga ako. "20 minutes na ang nakalipas simula ng umalis sila.." saad ko.

"Shit! Kailangan na nating pumunta! Baka hindi pa sila nakakasakay ng eroplano!" saad ni Amara halatang kinakabahan. "Narinig ko ang plano ni mom at ni Zeus. Once ate and dad get to the plane sasabog ang eroplano at parehas silang mamamatay!" she hissed, naiiyak na.

"What?" i yelled at them. "Ano pang hinihintay natin! Tara na!" sigaw ko sa kanila.

Kinakabahan ako sinasabi ko na nga ba! Hindi talaga maganda ang kutob ko! Hindi na ako nag bihis basta sumakay nalang ako sa kotse ni Luke. Binilin ko muna ang mga bata sa kasambahay at sabay-sabay kaming umalis.

"Shit! Dapat pala pinigilan ko si Ate!" she hissed pinunasan ang luha sa mata. "Hindi kaagad ako nakapunta dahil kay mama! Mabuti dumating agad si Luke sa bahay! Maski rin pala siya alam na ang mangyayari!" saad niya at nangingilid ang mga luha.

"We need to go there! Kung nakasakay na nga sila Cathalina, wala na.." mahinang saad niya.

"Fuck!" i hissed. "Tatawagan ko baka sumagot!" saad ko kahit na nanginginig ang mga kamay ay tinawagan ko ang asawa ko.

Ilang ring pero wala! Huminga ako ng malalim, wala na naman kaya napasinghap ako. Hindi na pwedeng maulit pa! Natatakot na ako! At nakakainis pa ay Traffic pa! Halos murahin ko na si Luke para bilisan ang andar.

"FASTER!" sigaw ko, ang lakas ng kabog ng puso ko. "Kailangan natin silang maabutan!" saad ko sa kanila.

Mabilis na pinarada ni Luke ang kotse niya, mabilis akong bumaba at halos takbuhin na ang papunta sa eroplano. Nagtanong si Luke, kagat ko ang labi ko at panay ang linga sa paligid.

"Hala! Sir, nakasakay na po sila ma'am Cathalina kasama po ang Senyor.. 20 minutes ago po." saad ng isang Crew.

"Fuck!" Luke hissed. "Pwede bang tawagan mo ang Pilot nila? Kasi.. there's something wrong on that pla–"

Naputol ang sasabihin niya nang may magsigawan na, halos mabingi ako ng marinig na may sumabog daw na eroplano. We looked at each other, tumakbo kami papunta doon napalunok at nanghihina ako. Hindi ko alam pero nanghihina ako, panay ang linga ko baka sakaling makita ko ang asawa ko.

"Tara doon! Nandoon daw ang eroplano!" saad ni Luke.

Tumakbo kami medyo mainit pero wala akong pakiealam, agad na nakita namin ang eroplano at mas lalo akong nanghina. Puro apoy ang nakikita ko, natuod ako sa kinatatayuan ko. Tumulo ang luha sa mata ko, maski silang dalawa ay natuod rin. Napalunok ako, hindi maalis ang paningin sa eroplano.

"Bilisan ninyo! Kailangan nating makuha ang senyor!" sigaw ng isa sa kanila. "Hindi namin mahanap si ma'am Cathalina!" rinig ko pang sigaw nila.

Tumakbo ako doon, walang pakielam sa mga tao doon! Ang mahalaga ang asawa ko! Wala si Cathalina sa eroplano! Ang senyor naman ay nandoon maski si Hades!

"Sir, hindi kayo pwede dito–"

"No! Nandiyan ang asawa ko! Did you get me?! Nandiyan ang asawa ko!" sigaw ko at tinulak s'ya palayo.

"Mr. Valeria is not here!" sigaw ng isang tauhan. "Mrs. Martinez is not here too!" saad pa niya.

Hinanap namin kung nasaan ang asawa ko pati sila hades, natigil ako ng makita ang stretcher at sakay ang senyor. I gasped sunog ang braso ng senyor at ang mga paa niya ay ganun rin. Hindi na puruhan ang mukha niya, pero sa part ng baba hanggang ilong ay sunog. Umiiyak na si Amara at hinahabol ang stretcher, maski ako ay tumulo na ang luha sa mga mata.

"Mrs. Martinez is here! Make it fast!" sigaw nila.

Lumunok ako at kaagad na pumunta, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Nakasakay ang asawa ko sa stretcher, puro galos ang mukha at noo punit ang damit, halos hindi ko na makilala.

"Cathalina!" sigaw ko. "B-baby no! Please.." sigaw ko at hinawakan ang kamay niya, napalayo ako sa init ng kamay niya.

"Ate! Oh my god!" ngayon ko lang napansin sila mom at dad maski sila noemie. "Dad, ate!" sigaw niya at umiyak na naman.

"Excuse me, we need to bring them to the hospital!" saad ng isa sa mga tauhan.

Hindi ko alam! Ayokong maulit na naman ang nangyari! Ayoko na macoma ulit ang asawa ko! Sa ngayon, naninikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga habang nakatingin sa asawa ko. Nandoon na din si Hades, sunog rin ang kahalati ng katawan niya pero si Cathalina puro dugo at galos sa mukha. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakasunod sa kanila, maski sila mom ay ganun rin. No, this can't be!

***

We lose our baby, sobrang sakit mawalan ng anak. Nang malaman ko na may anak kami hindi ko maiwasang maging masaya, pero lahat ng 'yun ay naglaho ng malaman kong nawala ang baby namin. Ilang beses na kami nagtest ng asawa ko, pero negative naman ang resulta. Kaya nagtataka talaga ako, pero hindi ko maiwasang malungkot. Hinaplos ko ang jar kung nasaan ang abo ng anak ko. Naninikip na naman ang dibdib ko at iniisip kung paano nawala ang anak ko.

"A-anak si daddy 'to.. h-hindi man lang kita nahawakan.. hindi ko alam na nasa tyan ka na ng mommy mo. Hindi ko alam anak..patawarin mo sana ako.." saad ko at hinaplos ang jar na hawak ko. "P-pangako ni papa sa'yo, hahanapin natin ang may taong gumawa sayo nito. Gabayan mo si mama ha? M-mahal na mahal kita, anak." saad ko at napayuko dahil sa sakit ng dibdib ko.

Maingat na nilagay ko ang Jar na at nakapamulsang naglakad at tinignan ang asawa ko. Ganun pa rin hindi pa rin s'ya nagigising. Ang katawan ay puno ng galos at sugat, nakabenda ang ulo hanggang mata. Ang senyor naman ay sunog ang kalahati ng katawan, mula sa baba hanggang sa ilong ang sunog. Tanging mata ang walang sunog, parang sinadya para sa asawa ko. Kung siguro hindi ko nalang s'ya pinayagan sana..sana nandito pa rin silang dalawa.

"Kailangan na nating operahan si Cathalina sa lalong madaling panahon.." saad ni mom na kalalabas lang ng kwarto.

"T-teka, wala pa kaming nahahanap na eye donor.." saad ni Jiro.

Lahat kami ay kanya kanyang hawak ng cellphone para maghanap ng eye donor, pero laging walang available para sa'min. Si hades pala, death on arrival masakit rin para sa'kin dahil para ko ng kapatid si Hades. Kapag wala ang asawa ko s'ya ang maasahan ko sa lahat, s'ya palagi ang nandiyan para sakin nung iniwan ako ni Cathalina. Lahat ng trabaho na gusto kong ipagawa ay ginagawa niya ng mabilis. Kaya paniguradong masakit para sa asawa ko dahil nawala ang kaibigan niya simula ng pagkabata. Ang batang inampon ng mga Valeria, binihisan, pinakain, pinag-aral at kung anu-ano pa. Kaya, nakakalungkot na iniwan na niya kami ngayong ganito ang sitwasyon.

"No need to find a donor for my ate.." biglang singit ni noemie na kakagaling lang sa chapel.

"What do you mean babe?" kinakabahan na saad ni Arkin sa fianceè.

"Daddy's eyes will be the replacement on ate's eyes." walang emosyon na saad niya nakayukom ang kamao, deretso ang tingin kay mama.

"Hija, your not joking right?" si daddy na bakas ang gulat, maski kami ay ganun rin. "Alam mong magagalit ang kapatid mo kapag ginawa natin 'yun." he said.

"My dad visited me in my dreams earlier, he told me that his wish to his birthday will be.." she sighed and pause. "Gusto niyang makakita si ate, kaya gusto niyang ibigay kay ate ang mga mata niya. Gawin na natin kahit..kahit masakit.." umiyak na nga s'ya at napayuko.

"Tristan?" tanong ni dad at mom sa'kin.

Nagkatinginan kaming lahat tumango na si noemie sa'kin and she smiled weakly. Tumango na rin ako alang alang sa asawa ko, nilipat na sa E.R si cathalina. Lahat kami ay tulala lang sa iisang tabi, umiiyak lang si Amara at noemie sa gilid. Siguro, kung nandito si Cathalina siguro magagalit ng husto 'yun. Sasabihin niya 'May paraan pa para diyan?! Hindi pwedeng ganyan nalang!' with matching kunot noo pa. Huminga ako ng malalim, tahimik na nagdasal para sa dalawang taong importante sa buhay namin. Sobrang sakit pa rin para sa'kin, hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumangon, pero sa tuwing maririnig at makikita ko ang mga anak ko. Nabubuhay ang lamang loob ko.

Second turns to Minutes and Minutes turn to Hours.

"The operation is successful but.." my mom paused and i saw the tears on her eyes. "Mr. Valeria, gave up. His heart is almost in weak stable that i can't revive him. After the.. operation he give up.. death on arrival.." her voice crack.

Lahat kami napasinghap, maski si dad ay napayuko at napaiyak. Maski ang dalawang magkapatid ay humagulgol. Hindi ako makagalaw, pero tahimik akong nagpasalamat sa senyor sa pagligtas sa asawa ko. Hindi ko alam kung gaano kami naka recover sa pag-iyak. Basta ang alam ko natulala lang ako.

"E-excuse me.. aasikasuhin ko lang si Cathalina.." my mom said and she walked out quietly.

Inasikaso na ang libing ng padre de pamilya ng Valeria at lahat kami ay malungkot, pansin ko na tahimik lang si dad. Pero alam ko ang iniisip niya, mukha madugong laban ang mangyayari kapag nagising ang asawa ko.

Nilipat na ng kwarto si Cathalina, napatingin naman ako sa entrada ng makita ang buong angkan ng mga Valeria. Puno ng lungkot at hinagpis ang mga mata nila, una pumasok ang kapatid ng Senyor na puno ng sakit ang mata, agad nilang tinignan ang asawa ko at doon umiyak na agad silang lahat. Maski ang kapatid ng mom ni Cathalina, nakatingin lang kami sa kanila. Sakop na rin ang daan dito sa daan dahil sa dami namin na nandidito.

"What happened?" matigas na ingles na saad ni Arthur kasama ang asawa. "Nasaan ang Hari?" walang emosyong saad niya.

"Dead on arrival, Prince Arthur." si noemie ang sumagot. "Si ate naman, naoperahan na, ang mga mata ni dad ay n-nasa kanya na.." saad niya ulit.

Lahat napasinghap, umiyak na naman silang lahat, napayuko ako naiiyak na naman. Umalis ang iba para asikasuhin ang Hari at tinignan nila ang Prinsesa na mahimbing ang tulog. Hindi ako makatingin sa kanila, piling ko ay kasalanan ko. Kung hindi ba ako pumayag, mangyayari kaya ang bagay na 'to? Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila, lahat na ng emosyon ay nakita ko.

"Si Hades, dead on arrival na rin tita.." sagot ni noemie na mugto ang mata. "May tauhan na dinala dito sa hospital, sugatan ang iba ay patay na. Hinintay nalang namin na makarecover para sa mga katanungan." saad niya

Tumango sila, kanya kanya ang tawag nila sa cellphone nila while kami, nakaupo lang at tahimik na nakatingin sa kanila. Masakit ang dibdib ko, buhay nga ang asawa ko, patay naman ang baby ko.. Maghihiganti ako! Hindi ako papayag na hanggang dito nalang magtapos ang lahat! Ready for my vengeance.

Zeus POV:

Ang saya ng araw ko! Sa wakas nakaganti na rin ako sa mga Valeria! Pero tangina! Nabuhay pa ang babaeng anak niya! Hindi ba dapat patay na sila? Ako lang naman ang ang nagplano ng lahat ng 'yun! Kami nila belinda at Titus ang nagplano sa lahat ng 'yun!

Ngayon ko lang naramdaman ang saya! Napatay ko na rin ang isa sa mga importante sa kanya at ang susunod? Ang Mafia King naman! Isusunod ko silang lahat! Lahat lahat! *evil laugh*

Nakakatawa silang panoorin na nagtitipon sa hospital. Bantay sarado ang buong hospital kaya hindi kami makapasok. Well, hahayaan muna namin silang magluksa ng isang linggo! Tapos balik na ulit sa dati!

Next Target? Ang mga anak ng Mafia Heirs! Pagkatapos nun ang nanay niya naman. Ipaparamdam ko sa kanila kung gaano kasakit mawalan ng kapatid at magulang! Nag-uumpisa pa nga lang ako! Wala pa ako sa climax!

Magaling ang ginawa ni Belinda, talagang maasahan mo! Putang babae! Drug lord na rin kasama namin! Di bale, masarap rin ang anak niyang dalaga! Kung isunod ko kaya ang bunsong anak ng Valeria? Panibagong putahe sa kama! *evil laugh*

Tinignan ko ang hospital, i smirked evilly. Binigay ko na ang isang linggo, hahayaan ko muna silang magluksa. Napailing ako, akala ko ba matatalino silang lahat? Mga hangal!

"Ang mga bata naman ngayon.." bulong ko at ngumisi nakatuon ang mga mata sa Mafia Heir. "Ano kayang gagawin mo kung makuha ko ang mg anak mo?" i laughed quietly.

Continue Reading

You'll Also Like

394 91 32
Do you believe in love? Do you believe that when your heart beats for someone, you can do nothing without following it? Meet Lovely, a woman who doe...
2.4K 394 49
COMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would...
667K 23.8K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
147K 8.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.