Mafia Series 1: Guarding The...

由 snoophye123

1.1M 31.1K 2.9K

[ Published under IMMAC ] Cathalina Frances Valeria is a well-known superior agent in Italy. She was well tra... 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
AUTHOR'S NOTE:
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT (2)
Announcement (3)
NOTE
SPECIAL ANNOUNCEMENT

Chapter 37

10.6K 307 29
由 snoophye123

Cathalina's POV:

I woke up being hugged by my husband, napatingin tuloy ako sa maamo niyang mukha, bahagya pang nakaawang ang labi niya at ang matigas na braso ay nasa bewang ko. Inayos ko ang hibla ng buhok na natataman ng mata niya, i traced my finger on his forehead down to his thick eyebrow. His thick and long eyelashes, down to his pointed and proud nose. May iilang nunal kasi si Tristan sa mukha lalo na sa malapit sa mata niya. Kapag nagising si Tristan, napakasungit ng mukha palaging kunot ang noo at suplado. Pinasadahan ko ng daliri ko ang hulmadong panga niya papunta sa labi niya na kumikibot-kibot pa. Kunot ang noo kaya inayos ko.

"Hmm.." ungot niya at hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

I pouted. Masyado na akong na-amazed sa mukha ng asawa ko noon pa man, hindi mo na kasi maalis sakanya ang pagiging magandang lalaki. May lahi kasi kaya napapagkamalang turista sa kahit saan kami magpunta, isa pa ang mga itim niyang mata puno ng lamig, pero when he looked at me nagiging malambot. Tamang tama rin ang muscles sa katawan niya, nakaka-akit tignan. Kaya nung unang beses kong nakita si Tristan, alam ko na delikado na ang puso ko.

"B-baby..good morning.." he murmured and buried his face on my neck. "Baka matunaw ako, misis.." he whispered.

"Yabang.." bulong ko hinahaplos ang buhok niyang itim. "Tinitignan ko lang kung may laway 'yung unan.." pabirong saad ko sa kanya.

"Hindi ako naglalaway!" sikmat niya at umayos ng higa, sinuklay niya pa ang buhok niya.

Ang kumot na gray ay nasa bewang niya, dahil nakaboxer si Tristan. Kitang kita ang v-line niya sa ibaba. Iniwas ko nalang ang paningin ko, bigla akong natakam kay tristan. Jusko! Ano bang iniisip ko? Parang hinihigop kasi ako ng katawan niya! Ganito ba talaga? Nahahawa na talaga ako kay Tristan! Sinuklay ko ang buhok ko yumakap si Tristan sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

"Unang araw na kasama ka sa bahay natin..." mahinang bulong niya at tinignan ako.

My heart skipped a bit when he look into my eyes. I saw the love written on his eyes, the way he looked at me i know that im with the right person. My lips twitched on the side, kaya napatingin siya doon at binalik sa mata ko ang paningin.

"Good morning kiss ko?" he said and caress my waist.

"Wala!" saad ko sa kanya na napanguso. "Bumangon ka na at baka malate ako sa trabaho ko!" saad ko at tumayo.

"Baby!" he whined at hinila ako kaya napasinghap ako. "Hindi ka aalis hangga't wala akong kiss!" he said like a spoiled brat.

Nasa ibabaw niya ako, napanguso nalang rin ako sa lapit ng mukha namin. I cupped his jaw and lean to kiss him, he smiled and kiss me back with the same intensity. His caressing my back sensually, hawak niya rin ang batok ko at diniin pa ako sa kanya. Lumayo na ako dahil baka saan pa mapunta ang dapat good morning kiss lang, his eyes are still close mas lalong pumula ang labi niya naghahabol rin ng hininga.

"Tss.." saad ko at tumayo na. "Check the kids, baka gising na ang mga 'yun. Maliligo lang ako" saad ko sa kanya.

I took a bath dahil ngayon ang unang araw sa trabaho, after i took a bath ay agaran akong nag bihis. I wore my brown troso and a white tube together with the brown coat. I wore also my high heels stilleto, naglagay lang rin ako ng light make up at tinali ang buhok ko. Inayos ko rin ang bag na gagamitin ko, when im fully done ay lumabas ba ako at agad na bumaba. Na-a-amaze pa rin ako sa bahay namin, hindi rin ito malaki o maliit tama lang sa'min at gusto ko. Mas matitignan ko ang mga bata, mas makikita ko rin ang paglaki nila. Gagawin ko ang lahat para maging ligtas sila at hindi mapahamak.

"Oh, goodmorning.." saad ko ng makita sila sa dining.

"Ma-ma!" my son greeted me with a smile on his face.

I kissed them three and they giggle lalo na ang bunso namin, tristan scan my body and raised his eyebrow. Napasimangot ako at umupo na sa gilid niya, agad akong inasikaso ng mga katulong dahil sa utos ni Tristan. Kapag sa ibang tao ganito s'ya, malamig at bossy idagdag mo pa ang suplado niya. May kasambahay kami dito na bata pa, halata ngang crush si Tristan. Hindi ko nalang pinansin dahil bata pa naman siguro she's 19 years old. It's not a big deal.

"I'll pick you up after your work." saad niya habang seryosong kumakain.

"Yeah." tamad na saad ko bago tumingin sa relo ko. "It's getting late, mauuna na ako sa iyo.." i said softly.

"Hindi ka sasabay sa'kin?" tanong niya. "Ang motor at ang kotse mo nandun na sa garahe at ang susi ay nandoon rin nakasabit sa gilid." imporma pa niya.

"Nah, malaki na ako para mag pahatid pa sa'yo." saad ko at agad humalik sa mga anak ko na may kanya kanyang pagkain. "Sige na, i love you!" saad ko at humalik sa labi niya.

"Yeah, i love you too." masungit na saad niya at hinalikan ang noo ko.

I bid my goodbye to them, i went to the garage to see a lot of cars na collection ni Tristan. Kinuha ko ang susi ng kotse ko na porsche na color black, agad na akong sumakay at bumisina para alam nila na aalis na ako. Agad binuksan ang gate namin, dahil malapit lang ang trabaho ko dito ay hindi na ako mahihirapan at hindi rin naman traffic. Tinahak ko ang kumpanya ko, tahimik lang habang bumabyahe patungo sa kumpanya.

Bumaba ako at inayos ang coat ko at agad na pumasok, lahat sila ay nagulat kanya kanyang bati na timanguan ko lang. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang fourth floor kung nasaan ang opisina ko at ang factories ng wine. Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa taas, bumati sila sa'kin nagulat pa sila. Bumati si amara i just smiled at her, pumunta ako sa sekretarya ko na agad sumunod sa'kin papasok sa opisina.

"Ma'am, medyo bumaba po ang data ng Wines natin.." panimula niya.

"Why?" mahinahon na saad ko sa kanya at sumandal sa upuan ko.

"May nagsasabotage po kasi ng mga wines natin, ang ibang brand po ay ginaya at may iilang mga investors na umatras. Isa pa po, may nakita po kaming maliit na kumpanya malapit halos lahat po ng wines ninyo ay kagaya ng kanila." paliwanag niya.

"Paano nangyari 'yun? When it becomes to my ingredients it's a big secret. Walang pwedeng kumuha ng ingredients dito sa opisina ko.." saad ko kunot ang noo sa kanya.

"Yun na nga po ma'am, i tried to investigate it pero masyado pong pribado ang kumpanya na 'yun at isa pa po, wala pong kahit na sino ang pumasok sa opisina ninyo.." saad niya.

Bumuntong hininga ako at agad na hinanap any drawer ko kung nasaan ang ingredients. Natigilan ako ng sa isang hila ko lang ay mabilis na natanggal ang lock ng drawer ko. Ang alam ko ay may padlock ito, ako lang rin ang may alam sa password ng lock na 'yun. I open it, kung pwede ko lang na tanggalin ang lahat ng gamit ay ginawa ko na. Wala ang notebook na nandito, napatingin ako sa sekretarya ko nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niya at sinilip ang drawer ko.

"Hala! Ma'am! Mahigpit ko pong pinagbawal sa kanila na hindi po sila pwedeng pumasok dito, kaya alam ko po na walang kukuha sa notebook na 'yun.." nagtatakang saad niya, natataranta na rin.

"Damn it!" singhal ko sa hangin at hinalungkat pa. "Wala ka bang napansin na may kumuha nun?" tanong ko.

"Wala po ma'am, ako lang po ang nakakapasok dito dahil 'yun po ang bilin ninyo.." saad niya hawak ang ipad na binigay ko sa kanya.

Napahilamos ako sa mukha ko at bumuntong hininga, sikreto ang bagay na 'yun. Ako, si mama at si papa ang nakakalaam ng bagay na 'yun. I keep it because my mom said so, tapos mawawala pa sa kamay ko! Iniingatan ko pa naman din ang notebook na 'yun at nawala pa! Tinignan ko pa ang iba kong drawer, wala talaga ang notebook na 'yun. Tumayo ako at binuksan ang box na nasa gilid ng upuan ko, wala rin doon kaya inis kong hinampas ang lamesa ko.

"Anong kumpanya ang sinasabi mo?" malamig na saad ko sa kanya.

"Beu's Wine Company po ma'am.." natatakot na saad niya.

"Alam mo na ang gagawin mo sa kumpanya na 'yun. Pabagsakin mo kung kinakailangan, wala akong pakielam sa mga empleyado nandoon. Hindi nila pwedeng kopyahin nalang ang wine ko!" mariin na saad ko sa kanya.

"Yes po ma'am.." saad niya at nag type na sa ipad niya.

"Lahat ng empleyado papuntahin mo sa meeting room! I need to talk to them, masyadong mahalaga ang notebook! Damn! Kay mama pa naman ang recipe na 'yun!" saad ko sa kanya.

Ayoko sanang isipin na may alam si Belinda, pero tuwing naiisip ko ang ugali niya. Hindi ako mapakali, alam ko ang takbo ng utak ni Belinda. Hindi kaya nag utos s'ya ng kukuha dito, naisip ko lang rin si Amara. Wag naman sana niya akong saksakin patalikod, dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya kapag nalaman kong may alam s'ya sa bagay na ito!

Tristan's POV:

Pagka-alis ng asawa ko ay agad na akong nagasikaso ng sarili at baka malate ako, inasikaso ko pa ang mga anak ko at pagkatapos ay kaagad na akong pumunta sa kwarto namin. Pabango agad ni Cathalina ang bumungad sa kwarto namin, napangisi nalang ako at kaagad na naligo. After i took a bath i wore my navy blue polo long sleeve and my blue coat, ganun rin sa slacks sinuot ko pa ang sapatos ko. To become done, inayos ko rin ang buhok at sinuot ang mamahalin kong relo na collection ko pa. Hindi na ako nagdadala ng laptop dahil meron naman ako sa opisina, madali ko lang ma-aacess 'yun dahil sanay na ako sa ganoon.

I took my wallet and phone, at kaagad na lumabas ng kwarto para na rin makapagpaalam sa mga anak ko. Naabutan ko silang nakikipaglaro sa aso ko, si stella na nakasakay pa sa kanya, gulat naman akong napatingin doon at kaagad binaba si stella na tawa pa ng tawa. Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang damit at headband niya.

"Anak, next time don't ride with Tj..baka malaglag ka at mauntog ang ulo mo.." marahang saad ko sakanya.

"Pa-pa?" nakangusong saad niya at hinalikan ang labi ko. "Pa-pa!" she smiled cutely.

Napailing nalang ako at kaagad na humalik sa kanila, nag-utos lang ako sa mga kasambahay na bantayan ang mga anak ko. Pag labas ko ay pumunta na ako sa garahe, tinignan ko kung anong ginamit ni Cathalina. Black Porche ang ginamit niya, pareho pa kami ng gagamitin ngayon, kaya agad akong sumakay. I look at my kids before i went out of our house, tahimik lang ako nag drive papunta doon. Mamaya ay isasabay ko nalang ang asawa ko sa lunch, minsan kasi ay pinagluluto ko s'ya dahil madalas nalilipasan ng gutom.

I parked my car and took my car key, bumaba agad ako ngumiti at tumango ako sa gwardya. Kaagad nila akong binati ang iba ay nag congrats pa dahil kasal na ako at may asawa na, natawa nalang ako at kaagad na sumakay sa elevator. Inayos ko ang buhok ko at tahimik na naghintay dahil sa fourth floor pa ang opisina ko dito sa kumpanya. I went out to the elevator, bumungad sakin ang mga kaibigan ko na talagang hinintay pa akong makalabas ng elevator.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw agad ni Adonis.

"May pa-congrats ang buong team dahil kasal ka na!" saad ni Leo na napailing. "At, magpapa inom ka mamaya!" saad niya pa at naghiyawan sila.

"Tss. Sure." payag agad ako at nginisian sila. "Sa bar nalang pagkatapos kong sunduin ang asawa ko.." saad ko sa kanila.

"Naks! Asawa ko!" asar ni Thunder na nakangisi, natawa pa s'ya.

"Back to Work!" sigaw ko may ngiti sa labi.

Pumunta na ako sa opisina at agad na inasikaso ang Project na pinapagawa ni Ayesha, hindi pa rin s'ya tumitigil. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako o ayaw niya akong intindihin hindi ko alam ang takbo ng utak niya, maga-architect pa naman! Tapos hindi makaintindi! Napailing ako at nag-type sa laptop ko na pwede kong gawin sa mansyon ng dad niya. I wore my radiant eyeglasses para hindi masira ang mata ko, tutok ako sa trabaho at may ilan pa akong meeting ayon sa sinabi ng sekretarya ko.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na kami ng meeting, sunod-sunod halos ang meeting ko. Tungkol sa inuumpisahang building near in Taguig, doon kasi ang factories ng mga sardinas. Ang gusto nila ay magawa kaagad 'yun malaki rin ang budget kaya hindi hassle para sa'min. Pumayag na rin ako dahil maganda ang benifits na makukuha namin ng team ko at ng kumpanya ko, hindi kasi ako basta pumapayag na hindi kami makakuha ng benipisyo since kami ang kinuha bilang engineer nila.

"Very much welcome, Mr. Tan.." pormal na saad ko sa kanya at nakipagkamay.

"I'm looking forward about your next project with us." he smiled at me kaya tumango ako.

Pagkatapos nun ay naging sunod na meeting ay tungkol sa pagtayo ng isang malaking resort malapit sa Baguio. Gusto nila na maging maayos at maganda, since sa malapit na dagat ang lupang gagamitin sa pagpapatayo. Doon rin kasi madalas ang mga turista na namamasyal, maganda ang proposal nila. Libre halos lahat pero sa'min ang materyales na gagamitin, hindi na rin lugi dahil malaking business tycoon na ang nagoffer sa'min. Kaya ilang mga projects na ang nakapending sa schedule ko, magiging busy ata ako sa susunod na mga araw at kailangan kong tapusin ito.

"It's a deal.." malamig na tugon ko sa kanila. "The proposal are good, magagawa namin 'to within a months or so." saad ko pa sa kanila.

"Thank you Mr. Martinez, i won't disappoint you." saad niya kaya tumango lang ako.

Natapos ang ilang meeting ko at napagod ako, hinilot ko ang sentindo ko at akmang papasok sa opisina ko ng makita ko si Ayesha. Looking formal while she's walking, huminto ako at kunot noo siyang tinignan na may hawak pang box. She smiled and hugged me and kissed my cheeks, napasinghap naman ako at maski ang sekretarya ko, nag karoon ng bulungan sa paligid at ang iba ay kunot ang noo habang nakatingin sa'kin.

"Hi! Finally! Nakauwi ka na din galing Italy, namiss talaga kita!" she sweetly said.

"What are you doing here?" saad ko at pumasok sa opisina ko, hinubad ang coat ko.

"Duh! Of course namiss kita! And you know, nandito ako kasi gusto kong ibigay sa'yo ito. Ako pa mismo ang nagbake niyan!" she excitedly said.

"Look," saad ko at huminga ng malalim. "I don't have time to have a conversation with you. Im at my work, madami pa akong ginagawa.." saad ko sa kanya.

"You're so workaholic, you need to rest baka makasama 'yan sa'yo Tristan.." nagaalalang saad niya at nilapitan ako para masahiin ang braso ko.

"Ayesha." mariin na saad ko sa kanya. "Stop doing that!" singhal ko sa kanya.

Tumayo ako nagulat siya sa'kin at nagsisimula na naman akong magalit, inis na sinuklay ko ang buhok ko. Tinignan ko siya ng seryoso at nagsalita.

"I fucking have a wife, which part of that didn't you understand?" i hissed at her nagulat siya sa'kin at nakaawang ang labi.

"Tristan! What are you saying? So what if you have your wife? Mahal kita! Bakit hindi mo ako maintindihan!" saad niya.

"Ayesha, please stop this nonsense. Ayokong mag-away kami ng asawa ko, tigilan mo na ako." mahinahon na saad ko sa kanya.

"But ayoko!" nagsimulang mangilid ang luha niya. "Matagal na kitang gusto! Bakit ba napaka manhid mo!" saad niya.

"Pero hindi kita gusto.." mariin na saad ko sa kanya. "Wala akong ni katiting na pagmamahal para sa'yo. Puro at totoo ang pag mamahal ko sa asawa ko, hindi ko kayang makita siyang umiiyak na naman ng dahil sa'yo." saad ko pa sa kanya.

Her tears rolled down on her cheek as she stared at me, ayoko na may babaeng umiiyak sa harapan ko. Huminga ako nang malalim at hinayaan siyang mag iiyak sa harapan ko. Gusto ko ng matapos ang kahibangan na ito at ayoko ng may manggulo pa sa buhay ko.

"I decided to decline your proposal to me, find another engineer." matigas na saad ko sa kanya. "Ayoko ng makita ka at ayokong makitang ginugulo mo ang pamilya ko.. lalo na ang asawa ko.." saad ko sa kanya.

"But, why?" she cried. "I have more than her, i can give you a kids if you want! Lahat kaya kong gawin para lang mag-stay ka sa'kin tristan!" she's desperately said.

"But i can't give you the satisfaction you want." saad ko sa kanya.

She hugged me and cried in my chest hindi ko siya niyakap nanatili akong nakatayo, hindi ko s'ya tinahan wala akong ginawa sa kanya. Until i heard the door open, kahit anong pilit kong ihiwalay si Ayesha ayaw niyang bumitaw. As the cue, narinig ko ang sekretarya ko.

"Sir, your wife is here she's looking for you.." imporma niya at kasabay nun ay ang tunog ng heels ni Cathalina.

Nanlaki ang mata ko ng halikan ako ni Ayesha, parehas kaming natumba sa sofa, sa ibabaw ko s'ya. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya hindi agad ako nakagalaw sa gulat at agad na dumapo ang tingin ko sa asawa ko na blangko ang mukha, nakatingin sa'kin. Malakas kong tinulak si Ayesha, napatayo agad ako at napalunok. Isang malakas at nakakabinging sampal ang narinig ko galing sa asawa ko at magkaharap na sila ni Ayesha na nagulat.

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo.. ngayon lang ako sumabog sa galit.." malamig na saad ng asawa ko. "Pag nakita mo ako, ngayon palang lumayo ka na dahil sa mga oras na'to masarap pumatay ng tao." malamig pa na saad niya.

Napalunok ako, kinakabahan sa pwede niyang gawin. Maski si Ayesha ay namutla kumurap ako at nilapitan si Cathalina ganun pa rin ang mga mata. Kasing lamig pa ng yelo ang abong mga mata na tila may bagyo sa loob nun.

繼續閱讀

You'll Also Like

819 173 36
BBS #2 "And from this slumber, you shall wake, when true love's kiss, the spell shall break." Once upon a time, the prince of beasts and a blind prin...
83.7K 4.4K 43
Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love even to her own flesh and blood. And then...
4.8K 340 13
The God's Mission Series #2: Apollo She played lyre as a hobby, but she lost the will to play when her grandmother died. Then out of nowhere, this gu...
669K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...