Evander's POV
I'm so pissed off right now. Really planning to hurt my sister. I'm not gonna let that happen to anyone I care about.
"Whyndam, as much as possible, sumama ka kay Keith. I can rely on him when it comes to protecting you kay Osborne." Sambit ko na ikina-ngiti niya.
"Thank you so much Kuya." Pagyakap ni Whyndam saakin.
"You're the best talaga Kuya Evander. I love you Kuya!"
"I love you too Whyndam." Pagyakap ko sakanya pabalik.
"Kuya, pwede ko po samahan si Calla at Josiah na mag hangout?" Pagpaalam niya.
"Hehe. Sige, basta mag iingat ka ha?"
"Yes Kuya! I love you!"
"I love you too Whyndam." Sambit ko bago umalis si Whyndam.
I love my sister so much, kahit di kami ganung ka close.
Naglalakad na ako papunta sa Ricaforte's Pizzeria para lumapit sa isa sa mga nagtatrabaho doon.
"Evander. Napadaan ka?" Tanong ni Tita Esther.
"Tita... can I talk to you po?"
"Sure. Why?"
"Kasama na din po si Tito Luthor." Sambit ko.
"Sige sige. Tutal, break time pa naman namin eh." Sambit ni Tita Esther bago ako pinaupo sa isang vacant seat.
"Wait lang ah. Tawagin ko lang si Bubby." Sambit ni Tita Esther bago tumungo sa kitchen.
I just want them to look out kay Gold, since there will be a possibility that she will be involved sa mga gulo na mangyayari in the future.
"Evander... Napadaan ka?" Tanong ni Tito Luthor.
"Tito, I just wanna remind you na there will be possibilities na magkakaroon ng gulo sa friendship namin ng squad." Sambit ko na ikinakunot ng noo nila.
"Yes, I know, it might be very confusing, pero I want you to have an eye on Gold and Frost. Whatever problems they may be facing, I know you will be there for them." Pagpaalala ko.
"Don't worry, we'll be sure na bantayan namin ang mga anak namin ng maayos." Sambit ni Tita Esther.
"Thanks for the reminder Evander." Sabi ni Tito Luthor.
"Gusto mo ba kumain Evander? Baka nagugutom ka na." Tanong ni Tita Esther.
"Bottomless iced tea na lang po." Pag order ko at binigay yung bayad sakanila.
"Sure ka Evander? Baka gutumin ka niyan."
"Okay lang po ako doon." Sagot ko na ikina-ngiti nila.
"Sige, enjoy ka lang diyan ha?" Sambit ni Tito Luthor bago tumungo ng kitchen.
"Evander..."
"Bakit po Tita?"
"Mabait ka talagang anak. Mana ka sa Daddy mo." Sambit niya na ikina-ngiti ko.
After kong uminom ng bottomless iced tea, doon na ako naglakad pauwi nang sumulpot na lang si Osborne na tinitignan ako ng masama.
"Musta tol? At kumusta na rin yang kapatid mong papansin?" Maangas na tanong niya saakin.
"Well, try to look at the root of your problem Osborne. You planned this mess, so tigilan mo na kami bago pa lumala ang sitwasyon." Pagpaalala ko bago umiwas sakanya.
"Sandali! Sandali!" Pagharang niya.
"Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa mga taong tulad niyo?" Tanong niya at hinayaan ko siya sumagot.
"Kaya kong gawin miserable ang mga buhay nila."
"The more you try to hurt people, the worse the karma you'll get."
"Wow!! Big word sa mga hinayupak na tulad mo!" Sambit ni Osborne na natatawa.
"Looks like nakita mo na si Evander ah!" Sulpot ng pamilyar na boses na ikinalaki ng mata ko.
"Setzer?"
"Yes! Ako nga!"
"Not only him." Paglapit ni Wester na kaibigan niya saakin.
I'm surrounded now.
"Ano na gagawin mo kung kaming tatlo ang magkasama Evander?" Tanong ni Osborne na nag aangas.
Keep your cool Evander.
"At subukan mo talaga akong hamunin! Magsisisi ka!" Pagkwelyo niya sa damit ko kaya ko siya naitulak palayo.
"Aba!! Matapang!!" Natatawang sambit ni Wester.
"Suntukin ko na ba?"
"With pleasure, Osborne." Sagot ni Setzer bago ako tignan ni Osborne.
Sasapakin na sana ako ni Osborne nang biglang may humawak sa kamay niya at sinapak niya din si Osborne na ikinatumba niya.
"Talagang pag iisahan niyo kaibigan ko ano?!"
Oo, si Might yung tumulong saakin. Kaya lang, baka lalong lumala yung sitwasyon.
"Might!!! Kumusta na pare?" Tanong ni Setzer na nagpapa victim nanaman.
"Wag mo akong susubukan Setzer! Matagal na akong nagtitimpi sainyong dalawa!" Inis na sambit ni Might.
"Boys!" Sigaw ni Wester nang may sumulpot na tatlo pang lalaki
"Foster Rodriguez, Silver Ibarra, at Kelso Valencia. Gusto mo ba na bugbugin natin yung dalawang to?" Tanong ni Wester.
"Sure! Kami pa!" Sagot ng pinaka bata sa grupo nila.
"Not unless kung idamay niyo kami." Sambit ng pamilyar na boses na ikinalingon naming lahat.
Logan? Lexeaus? Falco? Rhett?
Third Person's POV
Naglalakad na si Logan, Lexeaus, Falco at Rhett palapit kina Might at Evander at hinarap nila ang isa't isa.
"Looks like complete squad to ah!" Natatawang sambit ni Setzer.
"You know what Setzer. Sobra sobra na nga yung pinagdadaanan ni Sakura sa pamilya niya noon? Nakikisawsaw ka pa? I won't let her suffer again. Not while I'm here." Seryosong sambit ni Logan.
"Foster! Ano na tol?" Tanong ni Lexeaus.
"Balita ko kayo na ni Flair ano? Heh. Baka mas lumala pa yung relasyon niyo since manyak ang naging girlfriend niya." Sambit ni Foster.
"Manyak na nga kung manyak, pero di ako babaero tulad mo." Pag real talk ni Lexeaus.
"Talaga Kelso? Sumama ka pa sakanila? Paano ka ba naman mapapatawad ni Arianna kung sila kasama mo?" Tanong ni Falco.
"Pakialamero ka ano?! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!" Sigaw ni Kelso.
"But that will never win her heart."
"Hey! Uhmm? What's your name?" Tanong ni Rhett.
"Silver Ibarra."
"Silver... hmmm... I don't know why, but the hedgehog is cooler than you." Pagbiro ni Rhett.
"Ulitin mo nga sinabi mo?!" Sigaw ni Silver na naiinis.
"Hayaan mo muna Silver. Makakaganti ka rin sakanila mamaya." Sambit ni Wester at tinignan ng maigi si Might.
"Do you wanna settle the score Might? Squad vs squad?" Tanong ni Setzer.
"Gulo talaga yung gusto niyo diba? I know, I'm a leader, but dare hurt one of my friends, you will never like it." Pagbanta ni Logan.
"Wolverine ang galawan nun kaya wag si Logan." Sambit ni Lexeaus.
"Edi ikaw na lang uunahin!" Sigaw ni Wester.
Sasapakin na dapat ni Wester si Logan, pero inunahan ito ni Might bago sumapak si Setzer sakanya hanggang sa nakipag suntukan na ang lahat.
"GANG FIGHT!!!" Sigaw ni Rhett bago nakatanggap ng sapak kay Silver.
Nakikipag suntukan na ang bawat isa sakanila releasing their anger towards each other.
Umiwas ng ilang suntok si Logan sa mga suntok ni Setzer, pero agad agad hinawakan ni Logan yung braso ni Setzer at tinuhod niya yung braso niya bago niya sapakin si Setzer.
Gumawa ng combo si Lexeaus sa mga suntok niya kay Foster, pero umilag agad ito at tinuhod niya si Lexeaus. Sa di inaasahang pangyayari, sinuntok ni Lexeaus yung ibaba ni Foster na naging sanhi ng pagluhod niya at sinapak niya ito sa mukha.
Nakatanggap na ng ilang suntok si Falco kay Kelso, pero di ito nagpaawat at hinawakan niya yung kamay ni Kelso at siniko niya yung tiyan niya.
Ilang malakas na suntok ang binibigay ni Might kay Wester sa braso niya who is defending himself. Pero gumawa ng 360 kick si Might na naging sanhi ng pagkatumba ni Wester. Tumayo agad si Wester at pumalag agad.
Umiiwas lang si Rhett sa mga suntok ni Silver na kanina pa naiinis, but with Rhett's unpredictability, gumawa si Rhett ng sliding kick kay Silver na ikinatumba niya.
Osborne who is giving punches to Evander, is giving his all to hurt Evander, pero si Evander, agad niya kwinelyuhan si Osborne at inuntog niya yung ulo niya sa ulo ni Osborne.
They kept fighting until nakarating na ang isang barangay tanod na aawat sakanila.
"Hoy! Hoy! Hoy! Tama na!" Pag awat ng tanod habang hinahawakan si Wester.
Nang umawat na ang lahat, nainis si Wester sa tanod at agad niya sinuntok ito na ikinalaki ng mata nilang lahat.
They were in awe sa ginawa ni Wester.
"Okay... we're dead." Sambit ni Rhett.
"Inaawat ko na kayo diba?!" Sigaw ng tanod bago niya hampasin ng arnis sa tiyan ni Wester.
"Talagang sinapak mo pa talaga ako ah! Lahat kayo! Sumama kayo saakin!" Utos ng tanod habang hinihila si Wester.
They have no choice but to follow his orders.
"Guys, as much as possible, tell the truth." Pagpaalala ni Falco na ikinatango nila.