Mafia Series 1: Guarding The...

By snoophye123

1.1M 31.1K 2.9K

[ Published under IMMAC ] Cathalina Frances Valeria is a well-known superior agent in Italy. She was well tra... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
AUTHOR'S NOTE:
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT (2)
Announcement (3)
NOTE
SPECIAL ANNOUNCEMENT

Chapter 24

18.8K 482 45
By snoophye123

Tristan’s Point Of View:

Happiness, contented, and proud that Cathalina is now my future wife. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa araw na ‘to masyadong masaya at pakiramdam ko ay hindi sapat ang salitang masaya dahil sa nararamdaman ko. Ito ang pangarap ko, ang magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang babaeng mahal ko at magkasama kami sa iisang bahay, masaya at punong puno ng pagmamahal.

Niyakap ko ang balikat ni Cathalina habang ang kanyang ulo ay nasa aking balikat, all of her relatives is here at ganun nalang ang gulat ko nang malaman na galing sila pa sila ng Italy. Sinabi sa ‘kin ni Cathalina ang tungkol sa kanyang pamilya at hanggang ngayon ay gulat pa rin akong malaman na lahat sila ay kasapi ng royal family.

“Cathalina, can we talk?” Napatingin kaming dalawa ni Cathalina kay Rhys. “Don’t worry, mabilis lang ‘to at ibabalik ko rin s’ya sa’yo kaagad.”

“Take care of her, please.” Inalalayan ko si Cathalina at hinalikan ang noo niya.

Tinignan ko silang dalawa at ang sabi ko ay sa malapit lang para makita ko silang dalawa. Huminga ako nang malalim at kinuha ang isang beer, lahat kami ay nandito at ang iba ay masayang nag-uusap sa kanilang mga table.

“Akala ko ba hindi mo gusto si Cathalina?” nakangising tanong ni Adi. “Sabi ko na nga ba na maaga kang magkakaroon ng asawa.”

Napalunok ako dahil sinabi ko nga sa kanila na wala pa akong balak na maging girlfriend o asawa man lang si Cathalina, pakiramdam ko kasi ay hindi pa tama ang oras para sa ‘ming dalawa.

“Everybody fall for Cathalina kaya hindi na ako nagulat na pati ikaw ay magkaroon ng gusto sa kanya. Sinong hindi, right?” sambit ni Raquel kasama si Sydney.

“Sobrang bait ni Cathalina, she’s innocent and princess talaga ang kanyang galaw at salita,” sambit ni Lars. “Tinuruan ko lang ng ibang bagay kaya kahit papaano ay normal na s’yang kumilos hindi kagaya dati na para bang may limit ang galaw niya.”

“Hon, tinuruan mo na naman ng kung anu-ano si Cathalina.” Lars giggled kaya hinalikan s’ya ni Thorn sa labi. “Naughty wife.”

Napatingin ako kay Cathalina na masayang naglalakad. Para akong nawalan ng tinik sa aking lalamunan nang makitang maayos na silang dalawa, ngumiti si Rhys at inalalayan si Cathalina. Hinalikan ko si Cathalina sa pisngi at inalalayan s’ya sa upuan at napatingin ako sa kanyang mga mata dahil mukhang pagod na s’ya.

“You tired babe?” bulong ko sa kanyang tainga at hinawakan ang pisngi niya. “You look tired.”

“I’m okay...” mahinang sambit niya. “I just want to smell fresh air from the sea that way I can relax.”

Tumango ako at napatingin kay Ayesha na nakatingin sa ‘kin kaya napakunot ang noo ko, hangga’t maaari ay ayoko s’yang kausapin. Ayokong magalit sa ‘kin si Cathalina at ayokong gumawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan.

“Sir, may box po doon sa table kanina at ang sabi ibigay ko raw po sa inyong dalawa ni Ma’am Cathalina.” Napatingin kami sa waiter na may dalang malaking itim na box.

“Huh? I wasn’t expecting anything...” naguguluhang sambit ko. “Sino ang nagbigay?”

“Wala pong sinabi na pangalan at basta nalang po umalis.” Kinamot niya pa ang kanyang ulo at tinignan ako. 

Nagpasalamat nalang ako at agad na kinuha ang box, hindi ko alam kung kanino galing ito at lahat kami ay tahimik na nakatingin sa box na malaki. Huminga ako nang malalim at tinignan si Cathalina na tumayo at dahan-dahan na binuksan ang box na nasa aming harapan.

Ganun na lamang ang gulat naming lahat nang makita ang iba’t-ibang patay na hayop at napatalon ako sa biglaang sigaw nila Lars. Muntik nang mawalan ng malay si Cathalina kaya naman agad ko s’yang inalalayan at mabilis na kinuha ang panyo para ibigay sa kanya.

“Stay that away from us!” galit na sigaw ko at mabilis na tinignan si Cathalina. “You okay baby?”

Tumango s’ya at niyakap ako kaya mabilis kong hinawakan ang likod niya dahil pula ang kanyang mata. Nag-aalala akong tinignan ng mga kaibigan ko ngunit iniwas ko ang aking paningin at nagtagis ang aking panga. Sino na naman ang nagbigay ng ganitong bagay? Ano na naman ang gusto nila?

“It’s a death threat for Cathalina.” Napatingin kami kay Tito na hawak ang isang puting papel. “Frances, why you didn’t tell me about this? It is written in red lipstick.”

Napatingin kami kay Cathalina na seryosong nakatingin sa papel  at hindi ko talaga maintindihan kung bakit palaging si Cathalina ang gusto nila at kung bakit palaging si Cathalina ang gusto nilang mamatay? Hindi ko maiwasang mag-alala lalo pa’t hindi namin alam kung sino ang mga kalaban namin.  

Ngumisi si Cathalina at swear, nakakatakot ang ngisi niya. “Don’t worry Dad. It’s a piece of cake for me and if you don’t mind can you call Amara for me?”

Nagtataka ko s’yang tinignan ngunit masyado s’yang seryoso kaya agad naming tinawag si Amara na nasa malayo. Lumapit agad s’ya at hindi koo alam kung ano ang nasa isip niya at kung ano ba ang plano niya.

“Can you identify to me kung kanino bang lipstick ‘yan?” malamig na tanong ni Cathalina.

Tinignan ko si Amara at agad naman s’yang tumango at tinignan ang lipstick na nasa papel. Lahat kami ay tahimik na naghihintay sa kanyang sasabihin at lahat kami ay gustong malaman kung sino ang taong nasa likod ng box na ito. 

“Uhm... I’ve seen this kind of lipstick...” aniya sa mahinahong boses. “Mayroong shade si Mama na parehas ng lipstick na ‘to but I’m not sure.”

Napasinghap ako sa sinabi niya at mukhang hindi naman s’ya nagulat. Tinignan namin si Cathalina na kalmadong nakatingin sa kanya na nakakunot ang noo habang nakatingin sa papel.

“That means...” They look at each other na para bang nag-uusap sila sa mga mata nila. Maya-maya ay tumango si Cathalina kaya naman nagtagis ang panga ni Tito.

“Hindi pa ako sigurado ngunit malakas ang kutob ko na s’ya nga,” sambit ni Cathalina. “Hades, can you investigate what happened? I need it tomorrow morning.”

Nag-usap ang mga Valeria sa salitang Italian at wala akong nagawa kundi ang tignan sila at manahimik nalang, kailangan ko na atang matuto sa paggamit ng salitang Italian para hindi ako maging tanga sa isipin na ano ba ang kahulugan ng bawat salita na sinasabi nila.

“I want to rest,” sambit ni Cathalina at hinawakan ang hita ko. “May rooms ba para sa kanilang lahat?”

“Uh...mayroon naman at lahat sila ay puwedeng doon nalang muna,” nahihiyang sambit ko at tinignan sila na pormal akong tinignan maliban sa kapatid ng Mommy ni Cathalina na nakangiti at tumango.

Sabay-sabay kaming pumunta sa hotel at napansin kong malalim ang iniisip ni Cathalina habang nakasakay sa elevator. Hinawakan ko ang baywang niya at parang wala s’ya sa kanyang sarili hanggang sa nakarating na kami sa kwarto na para sa ‘ming dalawa.

“Babe, what’s wrong?” tanong ko at inalalayan s’ya sa paglalakad dahil nakahawak s’ya sa kanyang tiyan.

“Iniisip ko lang na baka nga talagang si Belinda ang nagdala ng box...” aniya at napasinghap naman ako.

Gulat akong tumingin sa kanya na bumuntong hininga at humiga sa kama. Hindi ko kailan man naisip ang bagay na ‘yan dahil masyado akong abala sa mga kalaban ko at sa mga taong gusto akong patayin.

“I know you’re worried kaya I will stop thinking about that,” aniya at ngumuso. “Can you please undress me, Mister? Hindi ko na kasi kayang gumalaw pa.”

Umupo ako sa gilid kasama ang isang bowl na may laman na panyo. Umupo s’ya sa kama at hinubad ko naman ang dress niya at narinig ko ang mahinang tawa niya habang kagat ang kanyang labi. Nagtaas ako ng kilay para hindi niya mapansin na gustong gusto kong halikan ang katawan niya.

“You look tensed...” aniya at tumawa. “Ako lang ‘to, Mister.”

Nakasimangot akong napatingin sa kanya na tumawa at hinawakan ang kanyang bra at nilagay sa mukha ko. Natawa ako at mabilis s’yang nilagay sa kama at tumawa s’yang malakas kaya napailing ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“You spoiled brat!” natatawang sambit ko at tinagilid ang ulo para halikan ang kanyang labi. “You naughty fiancee!”

I heard her giggle at natawa nalang rin bago sagutin ang halik ko. This is the best night and I couldn’t wait to call her Mrs. Martinez.

Cathalina’s Point Of View:

Nagising akong wala na si Tristan sa tabi ko kaya mabilis akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. I saw him on the balcony while talking someone on his phone, tinignan ko ang likod niya at tanging jeans lang ang suot niya. Mabilis s’yang napatingin sa ‘kin kaya tinaas ko ang dalawang braso dahil gusto ko ng yakap mula sa kanya, he smiled and walk towards me to give me a hug.

“Good morning, baby...” aniya at hinalikan ang labi ko ng tatlong beses. “How’s your sleep?”

Tumango lang ako dahil ayokong magsalita. Inayos ko ang buhok ko at tinignan ang cellphone niya kaya napatingin s’ya doon at bumuntong hininga.

“Tumawag si Ayesha para sabihin na may project daw ang kanyang Daddy sa Ilocos Norte at kasama s’ya. Don’t worry dahil nandoon naman sila Adi at ang iba ko pa–”

“You don’t have to explain every detail to me. I have my ring here to proof that you’re mine and I always trust you,” malambing na sambit ko.

“You sure babe?” tanong niya at tumango ako. “I love you.”

I giggled and kissed his lips kaya natatawa niyang sinagot ang halik ko. Hinawakan niya ang panga ko at tinignan ako kaya nakanguso ko s’yang tinignan dahil alam kong may sasabihin s’ya.

“Amara and I talked last night and we make things clear for the both of us...” aniya sa kalmadong boses at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Do you want me to talk to her, right? ‘Yun ba ang gusto mong sabihin huh?” kalmadong tanong ko.

“Yes.” Napalunok ako dahil sa mabilis niyang sagot. “I think this is the right time to make things clear for the both you, ito rin ang oras para bigyan mo ang sarili mo na magbigay pa ng isa pang pagkakataon para sa kanya dahil alam kong may dahilan ang lahat ng ‘to. Cathalina, you have to set your anger free towards her for your peace.”

Natahimik ako at alam kong may point ang sinasabi niya ngunit natatakot ako, natatakot akong magkaroon ng tiwala sa ibang tao lalo na sa kanya. I got his point ngunit anong magagawa ko kung ayaw talaga?

“Cathalina.” Alam kong wala na akong magagawa pa dahil tinawag niya na ako sa pangalan ko. “Do you think your Mommy will be happy kung malaman niya na ang anak niya ang may galit sa kanyang puso? Sa tingin mo ba ay magugustuhan ito ng Mommy mo na patuloy pa rin ang galit sa’yong puso? You need to set that anger burning on your soul, babe.”

Natahimik ako at mabilis na nangilid ang luha sa aking mga mata dahil hindi ko naisip ang bagay na ‘yun. Tinignan ko s’ya na mapupungay ang mga matang nakatingin sa ‘kin habang hawak ang mga kamay ko.

“Baby?” malambing niyang tawag at niyakap ako kaya niyakap ko rin s’ya pabalik. “Set your anger free. You deserved the peace and she deserves your forgiveness so please, talk to her for me?”

Habang nasa banyo ako ay hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tristan. Totoo bang magagalit sa ‘kin si Mommy kapag nalaman niya ‘to? Masyado na akong nahihirapan at naguguluhan sa kung ano ba dapat at hindi dapat gawin sa mga oras na ‘to. Should I gave her a chance?

I wore a yellow linen shirt dress, a yellow low spider heels, and yellow bandana headband. I smiled at nakitang maayos ang aking kalagayan, mabilis akong lumabas ng kwarto dahil wala na si Tristan. Huminga ako nang malalim at agad na lumabas ng elevator, naglakad ako sa labas at nakita sina Daddy at Tristan na nag-uusap sa hindi kalayuan kasama si Amara.

"Good morning, princess." si dad at hinalikan ang noo ko.

“Good morning," I smiled at Daddy at tumango kay Amara na nagulat ngunit ngumiti lang rin sa ‘kin.

“When is the wedding?” tanong ni Daddy at napasinghap ako sa biglang tanong niya.

“Daddy! Ayaw mo ba na sexy ako sa kasal ko?” iritadong sambit ko at natawa silang lahat. “After I gave birth, puwede na kaming magpakasal.”

Iniwan agad nila ako dahil naiinis ako sa kanila lalo na kay Daddy. Huminga ako nang malalim at natawa nang maramdaman ang paa ng mga anak ko sa tiyan, hinawakan ko ‘yun at napangiti.

“Cathalina, can we talk?” Napatingin ako sa gilid ko nang makita si Amara. “Minutes lang.”

Napatingin ako sa hindi kalayuan at nakita si Tristan na nakahalukipkip at nakatingin sa ‘kin. He smiled and nod his head at para kong nakita si Mama sa kanyang tabi na nakangiti rin habang nakatingin sa ‘kin.

“I want to fixed everything between us at gusto ko ring humingi ng pasensya dahil sa mga nagawa ko. Gusto kong maging maayos tayong dalawa at gusto ko rin na pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa,” aniya sa mahinahong boses.

Tumango ako habang hinahaplos ang tiyan ko. Hinayaan ko s’yang magsalita dahil ayokong buksan ang bibig ko

“Pasensya ka na sa mga nagawa kong hindi tama at hindi mo kailan man nagustuhan. Pasensya na rin dahil nagawa kong gawin ang mga bagay na hindi mo gusto, I betrayed you and all your family. Ginawa ko ang bagay na ‘yun dahil gusto ko ng isang pamilya, nabuhay ako na si Mama lang ang kasama ko ngunit para akong walang magulang...” nanginig ang boses niya kaya napalunok ako.

“Ginawa ko ang lahat ng ‘yun dahil mahal ko si Mama at ayokong iwan niya ako. Ginawa ko lahat ng sinasabi niya ngunit, Cathalina...nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko.” Kumunot ang noo ko dahil sa luha na mayroon sa gilid ng aking mga mata. “I want attention, I want to feel someone who can take care of me, I want to be loved, and I envy you so much for being a lucky woman now that Tristan is all yours! Hindi ko na alam ang gagawin ko...I felt so useless everytime you got a lot of achievements and praises to other people.”

Hindi ako nagsalita. Ayokong sabihin ang nararamdaman ko dahil kapag nagsalita ako, baka hindi na s’ya magkaroon ng oras para magsalita.

“Natatakot ako na baka paggising ko sa isang araw ay wala na akong pamilya. Ginawa ko lahat ng utos ni Mama kahit pa ang resulta ay hindi maganda...she always put me on the basement and gave me a lot of punishments at hirap na hirap na ako...gusto ko nang mamatay na lang ngunit mahal ko si Mama at kapag hindi ko s’ya sinunod ay mawawala ang lahat ng mayroon ako,” aniya sa lumuluhang boses.

Nagtagis ang panga ko. Alam ko ang tungkol sa bagay na ‘yun dahil si Hades mismo ang nagsabi sa ‘kin na palaging may tao sa basement. He thought na may ibang tao ngunit nang tignan niya sa CCTV si Amara lang pala.

“It...was all act! Ginawa namin ‘yun para makuha ang pera at kayamanan ninyo! Ginawa ko ang lahat para hindi magalit si Mama sa ‘kin kaya naman nagpanggap ako bilang anak ng Senior. My Mom married your Dad to have a share on your assets and company, gusto niyang patayin si Mr. Valeria para lang makuha ang gusto niya and I’m very sorry dahil ngayon ko lang sinabi...” aniya sa mahinang boses.

Napalunok ako dahil maganda pala kapag sa kanya mismo nagsimula ang mga bagay na dapat ay matagal ko nang alam, matagal ko nang alam ito ngunit maganda pa rin pala kung ang bibig niya mismo ang nagsasabi kaya naman natatakot ako na kapag binigay ko ang tiwala ay ma-sayang. Huminga ako nang malalim dahil alam ko na ngayon ang iba pa at mas lalo ko lamang s’yang gustong patayin sa lahat ng ginagawa niya sa ‘kin at sa pamilya ko! Magkikita tayo, Belinda. Magkikita tayong muli.

Tristan’s Point Of View:

“Tristan!” si Cathalina sa malakas na boses. “Lalabas na ang mga anak mo!”

Napadaing ako sa sakit dahil nahulog ako sa kama at ang unang tumama ay ang aking pangupo. Tinignan ko si Cathalina na masama na ang tingin sa ‘kin at napaawang ang labi ko nang makita ang tubig na nasa kanyang hita. Is she giving birth now? Napaawang pa lalo ang labi ko dahil sa isiping ngayon na lalabas ang mga anak ko.

“Don’t look at me asshole! Bring me to the hospital!” si Cathalina sa malakas na boses at narinig ko na naman ang malakas niyang sigaw.

“Wait...where’s the bag? Shit! Where’s the key? My slippers, oh fuck, here you are!” I walked back and forth at dala dala ang mga gamit at ilang bag na dadalhin sa hospital.

Napatingin ako sa kanya na nakapikit kaya mabilis kong nilagay sa braso ko ang mga bag at iba pa. Binuhat ko s’ya at agad na tumakbo papunta sa labas ng unit namin, sumakay ako sa elevator at kitang kita ko na ang pawis sa kanyang noo.

“Yes, babe! Malapit na tayo. Shit! Bakit ba ang tagal ng elevator na ‘to!” inis na sambit ko at napadaing nang suntukin ni Cathalina ang dibdib ko.

Sumigaw ako sa front desk at agad naman nila akong tinulungan sa mga dala kong gamit. Sumakay ako agad sa kotse habang si Cathalina ay nasa back seat at panay ang sigaw kaya napangiwi ako, mabilis kong pinaandar ang kotse ko at panay ang tingin sa kanya na nakapikit. Sinadya ko talagang huwag muna magtrabaho dahil malapit na ang buwan na manganganak si Cathalina kaya naman tama ang ginawa ko dahil sa nakikita ko ngayon.

“Nurse! Ang asawa ko!”

They check my fiancee at nakita ko pang tumango sila at agad na dinala si Cathalina sa emergency room. Kinakabahan ako sa totoo lang dahil alam ko kung gaano kasama ang itsura ni Cathalina at alam kong masakit. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa labas at titignan ang kwarto ni Cathalina, napatingin ako sa unahan nang makita si Leo na nakangisi sa ‘kin.

“Bro, relax.” Tinapik niya ang balikat ko. “You should call her Dad.”

Tumango ako at nanginginig na kinuha ang cellphone ko para ilagay ang number ni Tito. Ilang ring bago s’ya sumagot.

[This must be important, Martinez.]

“Tito, si Cathalina nasa hospital!” sigaw ko at narinig ko ang kalabog sa kabilang linya.

[What? Fuck...pupunta ako! Call your Dad!]

Tinawagan ko rin si Daddy at napangiwi nang parehas lang sila ng sinabi, talagang friends sila ni Tito. Huminga ako nang malalim at kinagat ang aking daliri habang nakahalukipkip, dumating na rin sila Thorn na natatawa sa ‘kin kaya masama ko silang tinignan.

“You should relax, bro. It’s normal and I know she’s strong at kaya niyang ilabas ang mga anak mo,” sambit ni Thorn na nakahalukipkip.

“Yan ang hirap sa ‘tin. Dapat kasal muna bago ang anak o asawa,” sambit ni Adi na nakasuot pa ng pajama at magulo ang buhok.

“Bitter!” sabay-sabay naming sambit kaya napanguso s’ya. “Kami ni Lars ay sa susunod na taon kaya invited kayo at handa na dapat ang isang libo niyo.”

Napatingin kami sa entrance nang makita sila Daddy at Tito na parehas nagmamadali. Mabilis ko silang binati at bakas rin kay Tito ang kaba at takot kaya kinagat ko ang labi ko dahil ganun rin ako.

“Bakit ang tagal? I’m freaking out!” I said worriedly. “Nag-aalala na talaga ako! Puwede ba akong pumasok?”

Natawa si Levi. “Ang mga babae ay ayaw nilang tinitignan natin sila habang nilalabas ang mga anak natin. That way, ayaw nilang makitang mahina sila dahil nasasaktan ang ego nila kapag ganun.”

Seconds turn to Minutes and Minutes turn to Hours.

Napatingin kami sa emergency room nang lumabas ang girlfriend ni Leo na si Shekinah na nakangisi. Huminga ako nang malalim at agad na nagtanong sa kanya kung kumusta ba si Cathalina at ang mga anak ko.

“I had to do a cesarian to her para ilabas ang mga bata and glad to say that she’s okay and your babies is healthy,” aniya sa mahinahong boses.

Nakahinga ako nang maluwag at nagpasalamat sa itaas at sa doctor. Plano namin ni Cathalina na magkaroon ng maraming anak para maging masaya at maingay ang bahay, gusto ko ring mag-alaga ng mga bata kaya naman sinabi ko kay Cathalina ang gusto ko. Luckily, parehas kami nang nararamdaman kaya okay lang sa kanya, ganito siguro kapag malakas ka kay Lord.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Cathalina at nakita s’yang mahimbing ang tulog, bakit ganun ang ganda niya pa rin? Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo habang hinahaplos ang kanyang kamay. She’s so strong at mas lalo ko lamang s’yang minahal sa bawat araw na magkasama kaming dalawa lalo pa ngayon na may mga anak na kaming dalawa.

Tinignan ko ang mga anak ko na natutulog kaya nangilid agad ang luha sa aking mga mata, nanginginig kong kinuha ang lalaki kong anak at pinagmasdan ang kanyang mukha. Namangha ako nang bumukas ang mga mata niya at agad na sumalubong sa ‘kin ang abo niyang mga mata. It’s sharp and it looks like Cathalina, para kong nakikita ang baby na Tristan sa lalaki kong anak.

“Ang ganda nila,” sambit ni Tito habang nasa kanyang bisig ang dalawang babae kong anak. “Ang pangalawa ay kamukha ni Cathalina habang ang isa ay halo.”

Napatingin ako kay Cathalina na gising na, agad akong lumapit habang nasa bisig ko ang lalaki naming anak. I smiled at her at nakita kong hinahanap niya ang mga anak namin, maingat kong nilagay sa kanyang dibdib ang lalaki at ganun na lamang ang saya ko nang makitang nangilid ang luha sa mga mata ni Cathalina. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili na umiyak sa harapan niya habang maingat na nilalagay ang mga bata sa gilid niya.

“They’re healthy...” bulong ko habang pinaglalaruan ang kamay ng pangalawa. “And they’re so cute!”

“I did my best to gave birth normally ngunit hindi kaya...kaya naman I decided to gave birth using C-section and I’m happy to gave birth to them lalo pa’t healthy sila,” aniya sa marahang boses.

Napanguso ako at hinalikan ang noo niya. She smiled ang giggled kaya napangiti ako nang matamis sa kanya, natawa kami nang makitang ayaw bitawan ni Tito ang mga anak ko. Napailing ako dahil parehas sila ni Daddy na halos mag-away na kung sino ba ang hahawak sa kambal and somehow, I felt so blessed and happy that Cathalina and I end up together. Kasal nalang ang kulang.

“Can I get their names?” Napatingin kami kay Mommy na kakapasok lang. “I want beautiful names ha? I will tell it to my mare’s kasi.”

Tinignan ko si Cathalina na nakangisi. “The first born will be Kent Thomas Martinez, the second one will be Natasha Veronica Martinez, and the third one is Stella Gabriel Martinez.”

“Wow! Ang expensive!” si Mommy sa malakas na boses habang nakangiti. “Kasal nalang ang kulang. Do I need to ring the bell na?”

Nagtawanan kaming lahat at napailing na lamang ako dahil kay Mommy. Bumisita sila Lars at pati sila ay tuwang tuwa na makasama si Cathalina lalo na ang triplets kaya napangiti ako dahil mahal na mahal nila ang mga anak ko. Si Noemie ay wala pa dito dahil kailangan niya pang maging magaling para kapag umuwi s’ya ay maayos na ang kalagayan niya. Cathalina and her Dad investigate what happened to her kaya naman hinihintay nalang namin ang result.

“Babe, do you want to eat something?” malambing na tanong ko habang nasa bisig ko si Stella. “You can’t eat steak because of it’s oil. You can eat soup, vegetables, and fruits but not the oily one.”

“Kahit gusto ko ang steak ay okay lang...” nakangiting sambit niya. “I want my babies to become healthy kaya naman I prefer vegetables.”

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. Sobrang saya ko ngayon dahil kumpleto at buo na ang aking pangarap, gusto kong magkaroon ng tahimik na buhay kasama silang apat ngunit alam kong hindi pa maaari dahil sa mga kalaban. I want to finished this and I want to live in a comfortable life together with my beautiful family.

Cathalina’s Point Of View:

Masaya akong malaman na healthy at walang problema ang mga anak ko. Kanina ay hindi ko na talaga kaya at ang mismong doctor na ang nagsabi na kailangan na ng cesarian dahil malaki ang triplets. Huminga ako nang malalim at gusto kong yakapin sa leeg si Tristan dahil ako ang nahihirapan at s’ya itong kalmado lang at walang sakit sa katawan.  

Pinagmasdan ko ang lalaki kong anak. He have a small face, a gray sharp eyes, a cute little pointed nose, a dimple on his right cheek, and thin lips. Tinignan ko naman si Natasha na nakatingin sa ‘kin at napangiti ako dahil nakikita ko sa kanya ang batang Cathalina lalo na ang mga mata niya. Si Stella ay kamukha ko at ni Tristan dahil sa magkahalong itim at abo ng kanyang mga mata.

I couldn’t ask for more and I really contented on what I have right now. I won’t let them ruined my family o hurt my triplets, sa ‘kin muna sila dadaan bago nila mahawakan ang mga anak ko. I will stay them away sa magulo na mundo at hindi ko hahayaan na masaktan sila ng kung sino man. 

Naiwan si Tristan dito habang nasa kanyang bisig si Stella na ayaw humiga sa kama. Umiiyak s’ya kapag hindi s’ya hawak ni Tristan at natutuwa akong malaman na masaya s’ya at kung ingatan niya ang mga anak namin ay para bang babasagin na baso ang mga ito.  

“She’s so cute...” aniya habang pinaglalaruan ang maliit na daliri ni Stella. “She’s also clingy like you.”

He never failed to gave me butterflies and he never failed to be a good boyfriend, fiancee, and a father to our kids. Mas lalo ko lamang s’yang minamahal at sa bawat araw na magkasama kami ay para akong nakalutang sa ere habang nakatingin sa kanya. HIndi pa rin nagbabago ang kalabog ng puso ko sa bawat tingin niya at nanginginig pa rin ang tuhod ko kapag seryoso niya akong tinitignan.  

“You understand why we can’t marry right now, right?” mahinahong sambit ko at kumunot naman ang noo niya. “You know what I mean, babe.”

Palagi kong sinasabi sa kanya na hindi pa puwede sa ngayon dahil marami pa akong dapat gawin sa mga kalaban namin. Hindi ko alam kung maayos lang ba kay Tristan o baka naman ako lang ang may gusto sa set up naming dalawa.

“I always understand you babe. Alam ko namang pagkatapos ng lahat ng ito ay akin ka pa rin at ako pa rin ang asawa mo,” nakangising sambit niya at hinawakan ang engagement ring ko. “There’s always a right time and right day for our wedding so don’t worry.”

I smiled. “Kiss nga diyan, Mister.”

“You sure?” nakangising tanong niya. “Parang gusto mo na agad magkaroon ulit tayo ng baby ‘no, Misis?”

“Ang seryoso mo naman! Joke lang. Alagaan mo nalang sila Stella,” kinakabahang sambit ko at tinulak s’ya.

Pinanood ko s’yang bitawan si Stella sa kama at nanlaki ang mata ko nang halikan niya ang labi ko. Ngumisi ako at hinawakan ang leeg niya para sagutin ang matamis niyang halik, he groan at maingat na hinawakan ang baywang ko kaya niyakap ko ang leeg niya at nilabas ang dila ko. 

“Babe...you’re still sore,” hinihingal na sambit niya at tinignan ako. “Once our kids grow we can make another triplets.”

I pouted my lips. “Honestly, I want to have more kids with you at gusto kong magkasama tayo sa  isang bahay kasama ang mga anak natin. Gusto kong maging mabuting ina sa kanila dahil alam ko ang pakiramdam ng walang Mama na nandiyan para sa ‘kin.”

“I am too.” Tinignan niya ako at hinaplos ang pisngi ko. “Pangarap kong magkaroon ng isang pamilya at ikaw ang magiging ina ng mga anak ko.”

Niyakap niya ako at napangiti ako dahil ‘yun rin ang pangarap ko. Nasa ganoong posisyon kami nang marinig namin ang pintuan at mukhang may bisita, nagtataka kong tinignan ang pintuan at agad na tumayo si Tristan at nanatili akong tahimik habang inaasikaso sila Natasha.

“Who are you?” Narinig ko ang seryosong boses ni Tristan. 

“I’m Titus.” Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita s’ya. “I’m here to visit Cathalina.”

He’s Prince Titus from Revanov Clan. Sa Italy ay kasama namin sila at isa sila sa mga gustong makuha ang palace namin ngunit wala silang magagawa dahil nandito ako at sila Tito. He likes me at gusto niya na magkaroon kami ng relasyon at hindi ako pumayag dahil kapag pumayag ako ay magagawa niya ang plano niyang patayin ang mga Valeria lalo na ako.  

“Let him in,” malamig na sambit ko. “I know him.”

Nakasimangot niya akong tinignan ang padabog na binuksan ang pintuan at agad kong nakita s Titus. Yumukod s’ya bilang pagbati at nilagay ang roses  sa aking mga hita, walang emosyon ko s’yang tinignan kaya ngumisi s’ya.

“It’s nice to see you again, Princess Cathalina.” Umupo s’ya sa upuan. “You gave birth to the future prince and princess of Valeria.”

“What are you doing here? I thought you’re in Italy?” nagtatakang tanong ko.

“I want to chase my own Princess here,” nakangising sambit niya. “I won’t let my own Princess live in a stupid person. I will bet what’s mine and I will surely get her.”

Aaminin ko na kinabahan ako dahil alam ko kung sino ang gusto niyang kunin. Huminga ako nang malalim at ngumisi rin sa kanya kaya napawi ang kanyang malaking ngisi. He came here to give me a warning that he is dangerous.

“Why would the Princess let you ruined her family? Do you think you will get her that possible? I bet no,” nakangiting sambit ko.

“I will get her anytime I want or else...” Tinignan niya ang mag-ama ko kaya nagtagis ang panga ko. “She’ll regret listening to me.”

Nagtagis ang panga ko lalo nang makitang ang tingin niya ay na kay Tristan na abala sa ma anak namin. He looked at me and smirked na para bang dapat akong matakot sa kanya at sa mga sinasabi niya.

“The Princess that you’re talking about is going to kill whoever wants to ruined her or her family,” mariin at galit kong sagot.

He smirked. “You didn’t changed huh? You became intimidating and powerful. I’m so scared.”

Isang mainit na kamay ang humawak sa aking baywang kaya natigilan ako. “Is there a problem, babe? You two are so serious.”

Nakita ko ang galit na dumaan sa mga mata ni Titus nang makita si Tristan ngunit agad na bumaba ang tingin niya sa kamay ni Tristan na nasa baywang ko kaya naging malamig ang tingin niya. Mariin kong tinignan ang mukha niya at kulang nalang ay patayin ko na s’ya sa sobrang galit na nararamdaman ko.

“Guard your Princess, stupid.” Tumayo s’ya at tinignan ako habang nakangisi. “You wouldn’t like it when someone steal your Princess away from you.”

Ramdam kong natigilan si Tristan at rinig ko ang pagtagis ng kanyang panga. Hinawakan ko ang kamay niya dahil ramdam ko ang galit sa kanyang katawan at kailangan kong maging maingat sa mga kilos ko, nandito na sila sa Pilipinas.

Continue Reading

You'll Also Like

394 91 32
Do you believe in love? Do you believe that when your heart beats for someone, you can do nothing without following it? Meet Lovely, a woman who doe...
671K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
78.3K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...