Natasha's POV
Tomorrow
As of now, nakaupo ako sa upuan ko, as usual.
And all of a sudden, dumating na si Denise na may kasamang new student.
"Denise!!" Paglapit ko sakanya.
"Tasha! Ikaw pala!"
"Ano nang balita?" Tanong ko
"Ano bang balita? Baka ikaw sasabihin ko na ano ng balita? Balita ko ikaw na daw yung bagong cheerdance captain ngayon!" Sambit ni Denise na ikina-ngiti ko.
"Umalis kasi si Kish eh. Pero I'm okay with it."
"She files absences since last week eh. Pero babalik naman siya soon." Sambit niya na ikinatango ko lang.
"Hi! I'm Natasha Erfe!" Pagpakilala ko sa cute na lalaking yan.
Pero tinignan niya lang ako at umiwas lang ng tingin.
"Uhmm... Tasha. Pasensya ka na sa kasama ko ah. Siya si Might, transferee din siya." Sambit ni Denise.
"Nice to meet you Might!"
"Whatever..." Walang emosyon na sambit niya bago pumasok at umupo sa upuan.
Umupo na rin ako sa tabi ni Denise at nag usap habang wala pang teacher.
"Pasensya ka na kay Might ha?" Bulong ni Denise.
"Okay lang. Baka nahihiya pa kaya siya ganun." Sambit ko.
"I don't think so..." Sambit ni Denise na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? Bakit?" Tanong ko na nagtataka.
"Hindi ko rin alam eh. Pero I can say na mas malala siya kay F." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Wait! Don't tell me na--"
"Troublemaker." Pagsabat ni Denise sa sinasabi ko.
"So parang isa sa mga Campus Kings?" Tanong ko.
"Parang ganun na nga." Sambit niya bago napatingin kay Might.
"Ano pala dahilan kung bakit ka linipat ng school Might?" Tanong ni Denise kay Might.
"I don't wanna talk about it..." Walang emosyon na sambit niya.
Mukhang may pinagdadaanan tong si Might. Maybe may reason kung bakit yan nagkakaganyan.
"Ang cute niya kahit ganun siya no?" Bulong ko kay Denise bago niya ako tignan ng masama.
"What?? Nacu cutan ako sakanya." Sagot ko.
"Cute ba yan? Nakakatakot nga minsan eh." Singhal ni Denise.
"Who the hell is this Spark?!" Tanong ni Might na nakatingin sa upuan.
"Wag mo na lang galawin. Upuan yan ni Kish!" Sambit ni Denise.
"Ganyan talaga si Might?" Tanong ko.
"Ewan ko lang to be honest. Di naman kami close eh. Ngayon lang dahil kailangan." Bulong ni Denise.
"Sayang no? Ang galing pa naman ni Kish as cheerleader captain." Sambit ko.
"Babalik naman siya eh. Need niya lang magpahinga. Kaya, respect na lang tayo sa desisyon niya."
"Yeah. Although hindi ako magtatagal as Cheerleader Captain."
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Mas gusto ko pang mag focus sa main talent ko which is dancing and singing eh. Pero for now, I will take this opportunity." Sagot ko.
"Ahh, okay. Pero magqui-quit ka pag bumalik si Kish?"
"Sorry to say this, pero oo. Like I said, mas gusto kong mag focus sa passion ko."
"Sayang naman kung ganun." Sambit ni Denise.
"Pero ang ganda naman ng performance niya sa latest battles diba? Lagi kayo yung champion sa nga competitions." Sambit ni Denise na ikina-ngiti ko.
"Si Kish yung nagdala eh."
"Proud ako dun. Syempre, sayo din! Pati sa buong team. I can say na proud talaga ang university sainyo."
"Thank you talaga Denise." Sambit ko na nakangiti.
Might's POV
Break time na namin as of now. And I'm just here in Thomas University, roaming around as usual.
But the girl I saw, which is Natasha? I can say that I kinda got starstrucked when I saw her.
The way she welcomed me was... I don't know what to say honestly.
Aside kay Denise actually. She could be handy at some point.
But Natasha's kinda different. It's like after years and years of finding people who would treat me right at some point.
But I still don't know if I could trust her. Looks could be really deceiving.
"Might!!" Sigaw ng pamilyar na boses na ikinalingon ko.
As expected, Fighter. That Campus Bastard who looks at me like a threat.
"Ano?!"
"Ano bang pinaplano mo kay Denise ha?! May plano ka bang ligawan yung best friend ko?!" Tanong ni Fighter.
What's with that guy?! Tsaka bakit ko ba liligawan yung pinsan ko?!
"Wala akong gagawing masama kay Denise!! Tsaka bakit ko naman liligawan yan?!" Tanong ko na naiinis.
"Don't jump into conclusions you don't even know!" Dagdag ko.
"Hoy! Alam ko yang tingin mo! Kita ko sa mga mata mo na gusto mo si Denise!" Inis na sambit ni Fighter.
"Alam mo, simula pa lang nagtitimpi na ako sayo!" Sabi ko na pagalit.
"Ako rin naman eh! Kabago bago mo pa lang, feeling close ka na kay Denise!"
"Would you stop interrupting me?! Nakakainit ka ng ulo!!" Inis na sambit ko.
"Ikaw Might, lumayo ka kay Denise! Baka makakatikim ka saakin! Makikita mo ang hinahanap mo!" Pagbanta ni Fighter.
"Kung magagawa mo! Mag iingat ka sa sinasabi mo! Hindi mo kilala yung binabangga mo!" Pagbanta ko rin.
"Hoy!!" Sulpot ng isang lalaki na mukhang kakilala ni Fighter.
So he bought backup. Ha! Cheap move!
"Bakit mo binabanta kaibigan ko ha?!Sino ka ba?! Paano ka nakapasok dito! Lumayas ka dito!" Inis na sambit ng lalaking yan.
"Spark, siya si Might. Pero kung umasta akala mo kung sino!" Inis na sambit ni Fighter.
"You know what, you're just a bunch of jacka** para maghanap ng gulo! Lumipat ako dito para tumahimik yung buhay ko! Then you a**holes came here for no reason to get me into trouble! Mga hangal!" Pagreal talk ko.
"Wag kang umastang original student dito ah!" Pagbanta ni Spark habang kwinekwelyuhan ako.
"Spark, tama na yan!" Pag awat ni Fighter.
You're already getting into my nerves! Let me show you who you're messing with!
"Wrong move man." Sambit ko bago ko suntukin si Spark sa mukha.
"T*****a ka!" Pagbawi ni Spark ng suntok saakin.
Agad agad ako tumayo para bumawi ng mga suntok ni Spark habang inaawat kami ni Fighter.
"Tama na nga!"
"MIGHT!!! SPARK!!! FIGHTER!!!" Sulpot bigla ni Denise bago ako hilain palayo kay Spark.
"TAMA NA!!!" Sigaw ni Denise.
"Denise! Pag sabihan mo nga yang Might na yan na wag magyabang!"
"Kayo naman nagsimula ng gulo diba?!" Tanong ko na pagalit.
"Denise, t*****a yang manligaw mo eh!"
"Anong manliligaw Fighter?! Magpinsan lang kami ni Might! Baltazar ang apilyedo niya!" Sigaw ni Denise na ikinalaki ng mata niya.
"Fighter naman, SSG President ka diba?! Bakit ka naman ganito?! Tapos sinama mo pa si Spark!" Mangiyak iyak na sambit ni Denise.
"Denise... sorry..."
"Paulit ulit na lang Fighter! Sorry, tapos uulitin!"
"Denise naman! Bakit si Fighter lang pinapagalitan mo?! Pagalitan mo rin yang pinsan mo!"
"Mag iingat kayo sa binabangga mo!"
"Ikaw ang mag ingat Might! U**l ka!" Singhal ni Spark.
"Tama na! Halika na Might!" Sambit ni Denise bago ako hilain palayo sakanila.
"Denise! Sorry!"
"Lumayo ka sa pinsan ko!" Pag awat ko sa Fighter na yan bago lumayo.
Just as expected. Bastards!