Might's POV
My alarm just beeped, and damnit! Sino ba nagpalit ng alarm ko?!
Hayys, as expected. It's Luna.
"Luna, why did you change my alarm?!" Tanong ko.
"You weren't waking up eh!" Sambit niya na nakangiti.
"Jeez! Next time don't change the alarm ha?" Pagpaalala ko na ikinatango niya lang.
"Okay! Sorry Kuya Might!" Sambit ni Luna bago ako yakapin.
Although Luna's alarm changing irritated me, I can't stay mad at her. Kasi if I told her a reminder, susunod naman siya.
"You can go down na Luna. Mom's waiting." Sambit ko bago siya sumunod.
I went down the stairs and mom gave me a smile and came near me.
"Good morning my lil' Might!" Bati ni Mom saakin bago ako yakapin ng mahigpit at halikan ako sa magkabilang pisnge.
"Good morning Mom."
"Good morning anak! Kain tayo!" Pagyaya ni Dad na ikinasunod ko.
"Mommy mo nagluto niyan! Ang sarap talaga magluto ng Mommy mo."
"Eh syempre naman. Ang galing galing mo pang magluto, natuto rin ako!" Sambit ni Mom bago siya umupo sa tabi ni Dad hanggang sa nagyakapan sila.
Well, everyday while growing up, Mom and Dad are very clingy with each other. Hugs, kisses, even in bed, they're very clingy.
"Oh, Might. Alam mo na yung nangyari sayo sa first school mo ha? Wag mo na sanang ulitin yang kalokohan mo. Nag chat si Denise saakin na tutulungan ka niya sa Thomas University, kaya sana naman wag mo siyang dagdagan ng stress ha? Parehas na parehas naman kayo ng Daddy mo na basag ulero." Pagpaalala ni Mom.
"Gelai naman, nagbago na ako diba?" Sambit ni Dad habang sinusuyo si Mom.
If only matitino yung mga students. Hindi naman ako magkakaganyan pag hindi ako trinato ng ganyan mga students eh.
A few minutes passed by, naglakad na ako papunta sa Thomas University para pumasok na sa gate.
Yeah, iba yung school ko and hindi pa ako nag aaral sa school kung saan nag aaral si Logan and the crew.
A girl suddenly approached me and greeted me.
"Hi Might!"
"What's all the fuzz about?" Tanong ko.
"Anong pinagsasabi mong fuzz?!" Tanong niya bago umirap.
"Anyways, welcome to Thomas University!"
"Whatever... so what's with this Thomas University?"
"Wag ka ngang mag english! Nasa Pilipinas tayo!" Singhal niya bago umirap.
"Siya nga pala, chinat ko si Tita Kylie na tutulungan daw kita, since you're the new student. Just to let you know, I'm the SSG Secretary in this school. Kaya respetuhin mo ako! May posisyon ako dito." Pagpaalala niya.
"By the way, I'm Denise Baltazar."
"Baltazar?!"
"Oo nga! Magpinsan tayo hoy!" Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.
"Okay then... Secretary Denise. Anyways, pwede mo ba ipakita kung anong meron sa Thomas University na to." Sambit ko na ikinatuwa niya.
"Ayun naman pala eh. Halika!" Pagyaya niya bago ako sumunod sakanya.
Just hoping for good students. Unlike some bastards who were the reason why I dropped out.
Tumungo na kami ni Denise sa office nila at nag check sa monitor.
"Anong full name mo?" Tanong niya.
"Miguel Hayden Triton Arellano Baltazar."
"Anong strand kinuha mo?"
"Arts and Design. Yan yung pinili ni Dad eh." Sagot ko.
"Ay parehas lang tayo! Wait! Check ko kung anong section mo?" Sambit niya bago mag check sa monitor.
"Magkaklase tayo Might!" Sambit niya na natutuwa.
"That's good to hear then."
"Buti na lang hindi ako mahihirapan na tulungan kita!"
"AHERM!!" Igham ng lalaki na ikinalingon namin.
What's with that guy? Why is he looking at me like that?
"Who are you?" Tanong ko.
"Ikaw?! Sino ka ba?!" Tanong ng lalaking yan na nagyayabang.
"Ako unang nagtatanong diba?!" Pagalit na sambit ko.
"Tsk. Pero sige. I'm the SSG President here. Fighter Madrigal Natividad."
President yan?! Pero kung makatrato ng new student akala mo kung sino!
"Uhmm... F. Wag ka naman magalit. Siya si Might. Transferee siya dito." Sambit ni Denise.
"Transferee?! Bakit di ko alam yan?!" Tanong ng Fighter na yan.
"F, wag kang magkakamali na gumawa ng gulo. You're the SSG President, dapat ikaw ang nag aayos ng lahat. Calm down!" Pagtahan ni Denise.
"President yan?! Sa ugali niya?! Heh! What a pity!" Pag real talk ko.
"Might, tama na sa mga sinasabi mo. Baka sumabog pa si Fighter eh." Pagtahan ni Denise saakin.
"Kung sasabog ako, edi sasabog din yung pagmumukha neto!" Pagbanta ni Fighter saakin na ikinainis ko.
"Ako ba'y hinahamon mo Fighter?! Mag iingat ka sa sinasabi mo!" Inis na sambit ko.
"Might! F! Tama na!" Pag awat ni Denise na ikinabuntong hininga ko lang.
"Sige, F. Papasok kami ni Might ha. May klase kami eh." Sambit ni Denise na ikinalaki ng mata ng Fighter na yan.
"Ha?! Magkaklase kayo?!" Tanong ni Fighter na di makapaniwala.
"May problema ka ba?!" Tanong ko na naiinis.
"Denise! Ihahatid na kita!" Sambit ni Fighter bago hawakan yung kamay ni Denise.
"Showoff!"
"Wala akong tiwala sayo! T*****a ka!" Sigaw ni Fighter na tinuturo ako.
"F! Please lang naman... walang gagawing masama saakin si Might. Kaya please, bitawan mo na yung kamay ko." Sambit ni Denise bago mag bell.
Hinila na ako ni Denise palabas ng office nila at lumayo na sa bwisit na Fighter na yan.
"What's with that guy?!" Tanong ko na naiinis.
"Pasensyahan mo na ha? Masyadong protective lang yung best friend ko kaya siya ganun." Pagpaliwanag ni Denise.
"Kung makahusga akala mo kung sino!"
"Wag mo na lang pansinin ha?"
"Okay then... sorry, na stress ka pa dahil saamin." Sambit ko.
"Don't worry, sanay naman ako eh. I'm just doing my responsibility as an officer." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.
And I thought may matitinong student dito sa Thomas University.
I met one bastard who looks at me like a threat!
Xia Vigor as Luna Arellano Baltazar
Loisa Andalio as Kylie Angela Arellano - Baltazar
Ronnie Alonte as Tyrus Jordan Baltazar