Arianna's POV
"Uhmm... mauuna muna ako." Sambit ni Sakura bago tumayo at umalis.
"Ay! Iniwan!" Pag asar ni Rhett.
"Iniwan siya dahil baliw na baliw sa asawa niya. May kabit nga lang." Pag asar ni Falco.
"O sige! Isa isahin mo yung mga asawa ko!" Singhal ko.
"Bakit ko ba iisa isahin kung lolokohin mo lang din yung asawa mo?"
"Kaysa naman magkaroon ako ng asawang malakas manlait!"
"Rhett. Hayaan muna natin sila ha?" Sambit ni Ate Aarah.
"Asaan si Sakura?" Sulpot bigla ni Logan.
"Dumaan doon Logan. Samahan na kita." Sambit ni Lexeaus bago sila umalis.
"Gotta get going! See yah!" Sambit ni Rhett bago umalis.
"Arianna, mauuna na ako ha? Kayo na mina bahala magbanyagan." Pag asar ni Aarah bago umalis.
"At least tayong dalawa lang magbabanyagan." Sambit ng mokong na yan.
"Bakit may tayo ba?!"
"May sinabi ba akong tayo na?"
"Ano naman sasabihin mo?! Baka maging tayo?! Hindi yan mangyayari no!"
"Asumera ka talaga no? Kaya ka kasi nakikipag landian sa mga Oppa na yan dahil masyado kang asumera!" Pag asar neto.
"At least may imagination ako."
"Hanggang imagination na lang ba yung gusto mo? Hanggang fantasy na lang? Alam mo, maganda na lang na gumising ka. Baka nananaginip ka lang eh."
"Kanina pa ako gising no!"
"Pero nagbubulag bulagan ka na lang dahil may nagkakagusto sayo ng palihim." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Wait! Wait! Wait! May nagkakagusto saakin?"
"Hindi ko na uulitin!" Singhal neto bago tumalikod at naglakad palayo saakin.
"Hoy! Falco! Sino ba siya?!"
"Bakit ko naman sasabihin? Diba nagbubulag bulagan ka sa mga Oppa na yan?" Singhal niya ulit bago umalis.
Anong pinagsasabi netong mokong na to?!
Falco's POV
Umupo na ako sa upuan ko at nag focus muna ako sa pag aaral ng lessons.
Ano ba naman yan?! Masyadong madali yung lesson! Kahit free time naming lahat, bakit ko pa pag aaralan niyan kung gets ko naman yung lesson?
I kept looking at Arianna who is just enjoying watching K Drama series.
Which is kinda odd for me. Dahil she daydreams about those Korean guys who is older than her.
Kung tatanungin niyo ako, oo. Naiingit ako pag nanonood siya ng K Drama, and it's only one thing.
I have feelings for Arianna.
If you didn't know, matagal na kwinento saakin ni Dad yung love story nila ni Mom saakin, and I couldn't stop imagining how happy they were.
I can see Arianna as the younger version of Mom. Which gave me a thought na magpapapansin ako sakanya.
"Levi." Paglapit ng isang student na lalaki saakin.
"Pwede paturo?" Tanong niya na ikina-ngiti ko.
"Halika." Utos ko bago ito umupo sa tabi ko.
Ilang oras na ang nakalipas at uwian na namin.
Agad agad ako dumiretso sa bahay at pumasok na lang.
"Anak! Buti nakauwi ka na!"
"Dad."
"Buti naman nakauwi ka na!" Sulpot bigla ni Annie.
"Kaysa namang gabihin ang uwi." Sagot ko sakanya.
Well, alam mo naman si Annie, masyadong malakas mambara.
"At least may reason ako kung bakit ako gabi umuuwi!"
"Kaya ka pinapagalitan ni Mama eh."
"Kaya andaming mga estudyanteng lumalapit sayo dahil sa kayabangan mo eh!"
"Oh! Tama na yan! Nag iinit nanaman kayo." Pag awat ni Dad saamin ni Annie.
"Si Mom nga pala?" Tanong ko.
"Nasa earth!" Pagpilosopo ni Annie.
"Alangan naman sa Mars! Mas malala nga pag nasa pluto eh!" Pagpilosopo ko rin.
"Well, alam mo naman yang Mommy mo. Masyadong sleepyhead.
"Sleepyhead ka diyan!" Sulpot bigla ni Mom na ikina-ngiti ni Dad.
"Honey! Sarap nanaman ng tulog mo!" Sambit ni Dad habang yinayakap si Mom.
"Ang aga aga ha! Nagiging cheesy ka nanaman!" Singhal ni Mom.
"Maaga? Eh kauuwi lang ni Falco galing school ah."
"Gusto kong sabihin na maaga eh! Bakit ba?!"
"Kahit anong oras kasi, ang ganda mo."
"BOLERO!!"
"Ang cheesy ha Dad!" Singhal ni Annie.
"At least totoo yung sinasabi ko." Pagsabat ni Dad.
"Pati ba naman kay Annie, tuturuan mo siya ng ganyan?!"
"Uhmm... Dad. Diyan lang muna ako sa room ha?" Sambit ko bago umakyat papunta sa kwarto ko.
Well, kahit anong oras talaga ganyan si Mom at Dad eh. Si Dad na mahilig mang asar, at si Mom na mahilig mamilosopo.
Hayys buhay!
I checked around my phone and suddenly I saw Arianna's Facebook account.
Pinindot ko ito at chineck ko ang mga pictures na meron siya.
Heh. I can definitely say na ang sarap niyang pagtritripan.
Every time na aagawin ko yung phone niya para magpapansin, napapa ngiti na lang ako ng wala sa oras.
Kaso mas focus siya sa mga Oppa na yan eh. Ewan ko ba kung anong meron dun sa mga mokong na yan.
Ayoko muna siyang i-add sa ngayon. Pero I can say na I really do like her.
Paano kaya ako gagawa ng move aside dun sa pagbabara namin sa isa't isa?
Niana Guerrero as Annie Sanchez Sy
Janella Salvador as Brooklyn Sanchez - Sy
Markus Paterson as Levi Zacharias Sy