Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 38

4.8K 211 28
By Azshura

Pinark ko na yung sasakyan sa isang simbahan. Ewan ko kay Eve at dito niya napiling makipagkita. Isang oras din byahe mula samin at dito sa kanila. Bumaba na ako ng sasakyan at ginala ang paningin sa paligid. Malinis at maganda naman yung simbahan pero mahahalata mo talaga na may kalumaan na. Wala rin akong nakikitang ibang tao kaya pumasok nako. Sa pagpasok ko nakita ko ang isang pamilyar na pegura na nakaupo at nakaangat lang ang tingin sa altar. Kahit siguro kahit saan makikilala ko siya mula sa likod niya lang.


"Bakit tayo andito sa simbahan?" Bungad kong tanong sa kanya.


"This is my secret place or at least dito ako pumupunta pag may problema ako." Sagot niya ng hindi parin lumilingon sakin. Alam kong mabait si Eve kaya di na nakakagulat na madasalin din siya. I don't often pray kaya medyo nakakakonsenysa din. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya.


"May problema ba?" Pansin ko kasing malungkot yung tono ng pananalita niya.


"Nothing nadala lang ako sa pagdadasal." Ngiti niya kahit halata sa mga mata niyang umiyak talaga siya. Ganun ba yun?


"Sure?" I don't know parang iba kasi yung pakiramdam ko.


"Yeah kamusta si tita?" Pagiiba niya ng topic. Mukhang ayaw niya rin naman pagusapan kaya hinayaan ko nalang.


"She's good. Tumaas lang dugo niya pero stable na naman." Ngumiti lang ulit siya sa sagot ko.


"That's great." Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.


"I'm sorry."


"Para saan?"


"Sa pagalis ng walang paalam. Nagpromise ako sayo na sabay tayong uuwi sa inyo." Napayuko ako kasi nahihiya talaga ako. Feeling ko ang sama kong tao. I hate breaking promises. Hindi siya sumagot kaya napaangat ulit yung tingin ko sa kanya. Nakangiti lang siya sakin pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dito kasi parang ang lungkot ng ngiti niya.


"It's fine. Para kang tanga. Medyo hindi rin kami okay ni mama ngayon kaya blessing in disguise narin siguro." She patted my head at patuloy nga ngumiti.


"Why? What happened?" Kaya pala ang lungkot niya tignan.


"Just family problems but enough about me. Come on cheer up. Mukha kang tuta na pinagalitan ng amo." Natatawa niyang sabi kaya napanguso ako. Nagawa pa akong asarin. Pero habang nakatitig ako sa kanya di ko maiwasang maalala nanaman yung sinabi ni mommy. Should I tell her? I only have a week to decide kaya mas mabuti siguro kung sabihin ko ng mas maaga.


"Eve what do you think about long distance relationship?" Medyo nabigla naman siya sa tanong ko.


"Hmm bakit?"


"Sagutin mo nalang."


"Ewan hindi ko pa natatry kasi ayoko din." Aray naman.


"Aalis ka ba?" Pahabol niyang tanong.


"Paano kung sasabihin kong oo?" Malungkot kong tanong. Hindi siya sumagot at patuloy na nakatitig lang sakin. Until after some more seconds kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinisil ito.


"Sabihin mo sakin anong bumabagabag sayo." Sa mga tingin niya doon ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin yung totoo. Inhale, exhale.


"Eve I have to go a week from now sa States. My dad needs me kaya hinimatay si mommy kahapon dahil sa balitang inatake daw sa puso si daddy at mukhang na stroke din siya. May heart disease yung father ko and he was asking me to come see him."


"Babalik ka naman agad diba?" She's awfully calm about it.


"I will pero mom said na baka doon ko na ipagpapatuloy yung pagaaral ko habang nagpapagaling si daddy. Pero sabi niya rin nasa sa akin kung magstay ako dito." Ayokong malayo sa kanya kung kailan nasanay nako. Hindi pa nga kami tapos aalis na ako parang ang labo naman. Ngumiti lang ulit siya at hinila ako papalapit sa kanya para yakapin.


"It's okay. You can go." Bulong niya. Di ko mapigilan maging emosyonal sa yakap niya. Naiimagine ko palang na maiiwan siya dito parang ang sakit naman. I'm worried for my dad pero nagaalala din ako para sa future namin.


"I will but can you come with me?"


"Nope." Humiwalay siya sa yakap. Sabi na eh.


"Why?" I know it's childish pero ayoko siyang maiwan dito. Ngumiti lang siya at pinunasan ang mga nangingilid kong luha.


"I can't andito yung buhay ko Li." Napanguso ako bakit ganun ang kalmado niya talaga. Hindi ko mabasa yung iniisip niya. Akala ko pa naman malulungkot siya sa balita.


"Di mo ba ako mamimiss?"


"Siyempre mamimiss. Baka nga sa sobra kong pagkamiss sayo gagawa akong standee mo tas itatabi ko parati." Natatawa niyanag sagot.


"Talaga?"


"Hmm so cheer up. Saka mo na sayangin ang luha mo okay?" Kinurot niya lang ilong ko. Halatang nanggigigil eh. Okay, siguro ienjoy na muna namin yung time na magkasama. I still have yet to decide kung magstastay ba ako doon o dito but one thing for sure di ko matitiis na di to makita ng matagal.


"Fine. Nga pala why did you call me here?" Alam ko nasagot na niya ito pero hindi talaga tumbok yung sagot niya eh. Lumapad lang yung ngiti niya at inakbayan ako habang excited na humarap sa altar.


"Papa God I want you to meet Lilith. Siya po yung lagi kong kinukwento sa inyo." She's smiling habang nakatingala dun sa malaking krus. Bakit ka ganyan Eve kinikilig ako. Instant na nawala yung lungkot ko. Sorry po God kung maharot hehe pero di nga iba yung impact pag pinapakilala ka sa diyos. Ang sweet promise It's like she's praying for me without me knowing.


"Hello po thank you po sa pagbigay niyo po ng isang taong katulad ni Eve. Iingatan ko po siya." Sincere kong usal sa harap ng altar. Kung nakikinig ka man po, I'm sorry for being a bad child. Kahit ganito ako you still gave me this blessing na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit ano man. I never prayed for this pero binigay niyo po kung ano yung kailangan ko.


"Dati pagmayproblema ako pumupunta ako dito ng magisa at umiiyak. This became my comfort zone at after kong mailabas lahat ng hinanakit ko gumagaan agad yung pakiramdam ko. But now I just want his blessing sa relasyon natin. I would like the heaven to permit us kahit in a sense bawal sa mata ng simbahan. Pero hindi naman tayo ipaglalapit at iibig sa isa't-isa kung hindi yun kahilingan niya diba. I believe in him at alam kong hindi niya tayo pababayaan. Let's pray for your father's health." She smiled at feeling ko something deep inside me got stirred. Na touch ako sa sinabi niya. I really really want this girl to stay in my life. Maybe it's too early para sabihin to pero nakikita ko yung sarili kong kasama siyang tumanda na kahit kay Adam hindi ko naimagine. Napabuntong hininga ako at tumingin ulit sa harap.


"God I love her." Malinaw kong sabi. Parang dinedeklara ko sa maykapal yung feelings ko. Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.


"Narinig niyo po yun? Nabaliw na po siya sakin." Tugon niya habang lokong nakangiti at nakatingin lang din sa altar.


"Ako lang?" Taas kilay kong lingon sa kanya.


"Syempre ako rin." Tumawa lang siya and somehow I felt light nung nagconfess kami. We shared a smile. Bawal man sa mata ng ibang tao alam naming wala kaming inaapakan. If there is faith sino ba ang iba para husgahan kami. Tanging ang nakakasaksi lang sa mga oras na ito mula sa itaas ang may karapatan na hatulan kami.


I'll be a better daughter so please let me keep her.


...



So ayun na nga we went back to our home. Mga isang oras ulit ang byahe dagdag pa sa pier mga isa't kalahati din. Pagbukas na pagbukas pa lang namin ng pinto bumungad samin si Keish habang may kung anong hawak na butiki sa kamay. Si Levi naman nakatingala lang sa kanya.


"Levi bad dog. Kawawa naman yung lizard." Pangangaral niya sa aso namin.


"Uhm what happened?" Taka kong tanong sa best friend ko.


"Naputol yung buntot niya dahil nilaro ni Levi." Reklamo niya at pinakita samin ng malapitan yung butiki. Bigla namang nagtago sa likod ko si Eve. Pff takot yata.


"Ilayo mo yan Keish kung ayaw mong gawin kong tinuhog yan." Pagbabanta niya. HAHAHA ang cute.


"Tch. ang cute kaya." Nakanguso niyng sabi at nagtungo sa pinto.


"Hoy saan ka pupunta?" Tawag ko sa kanya.


"Uuwi samin."


"Kasama yan?" Turo ko dun sa bitbit niya.


"Yeah I'm taking her away from ruthless women." Sinamaan niya ng tingin si Eve bago tuluyang lumabas ng pinto. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Kala mo siya di babae eh. I asked her to look after Levi kaya siya andito.


"Ang weird talaga ng best friend mo." komento ng katabi ko.


"Di na kami magiging mag best friend kung hindi siya weird." Sagot ko naman. Tumango lang siya.


"Well said."


...



Everything went back to normal. Though I find it weird na ang extra sweet ni Eve ngayon. For instance, hindi ko na kailangan pa hilingin yung moring kiss ko kasi bago pa ko totally magising ginagawa na niya. Another thing is bigla nalang siyang nangaakap mula sa likod at nanglalambing. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nakakapanibago talaga kasi nga diba ako yung hapit sa skinship saming dalawa. Feeling ko nga kakabogin nako sa sweetness to think na di pa kami ah. Kailan ba kasi ako plano sagutin nito.


"Love." Tawag ko sa atensyon niya na busy sa pagtatype.


"Hmm?"


"Kailan mo ako sasagutin?" Nakahalumbaba kong tanong. Almost three na din. September pa yun tapos December na ngayon. Napatigil lang siya habang seryoso na nakatingin sa monitor. Ilang segundo din nagpatuloy ulit siya sa ginagawa niya.


"Bakit naiinip ka na ba?" Ngumiti lang siya ng pangasar. Sus. Napanguso lang ako at sumandal sa balikat niya. Nasa couch kami habang siya busy sa school works ako naman wala binubwisit lang siya hehe.


"Hindi naman excited lang akong ipaalam sa lahat na jowa kita." Masaya kong sabi. Hindi siya sumagot at patuloy ko lang naririnig yung keyboard kaya pinagpatuloy ko nalang yung sinasabi ko. Nakatingin lang ako sa harap kung saan nakalagay yung framed picture naming tatlo ni Levi, yung picture ko with mom at yung maliit pa ako na kasama ko si dad. Di ko mapigilan mapangiti.


"Eve what if I decided to stay here?" Doon lang natigil ang kamay niya sa paggalaw.


"Why?"


"I'll still go there this sunday pero babalik ako dito agad."


"How about your dad?"


"I'll check on him from time to time. Kapag may time ako babalik ako doon to be with him." Simple kong sagot.


"Hindi ba mas mahirap yun? bakit hindi ka nalang doon tumira?" Napasimangot ako sa tanong niya.


"I think hindi ko kakayanin na di ka makita ng ilang buwan." Ewan ko lang talaga kung kaya ko. I mean yeah okay lang kung days pero months? No.


"Hmmmm Li I have a question." Sinara niya yung laptop at nilapag sa mesa bago ako hinarap ng maayos. Ang seryoso ng mukha niya.


"What?"


"I need your opinion about my new story." Oh so she's writing again. Alam ko nagsusulat siya ng story online. Hindi ako bookworm kaya di ako mahilig magbasa ng ganun though I like it how she shares her stories to me. Mas gusto ko yung story telling niya. Ang talented naman kasi netong soon to be jowa ko. I heard from Keish na marunong siya sumayaw. Sa dati niyang school may dance club nga sila isa siya sa founder. Maganda rin boses niya, matalino, at marunong magdrawing. Ang cute nga nung mga doodles niya sa notebook ko.


"Okay di ko alam kung makakatulong ako pero sure." I smiled na binalik niya rin.


"Kung papipiliin ka pamilya o yung jowa mo?" Natameme ako.


"Di mo naman sinabi na pang million dollar question yung itatanong mo." Reklamo ko kaya natawa lang siya.


"Seryoso kasi. Ano na?"


"Do I really have to choose?" Kunot noo kong sagot. Eh kasi naman.


"Yeah bilis na." Atat naman neto. Napaisip nalang ako. Kung papipiliin ako kung siya o ang family ko.


"Hmm wala akong pipiliin." simple kong sagot.


"Ha? Bakit?"


"Wala akong pipiliin nga. Kasi for me lang Eve, mahal ko kayo pareho and kung pipili ako ng isa sa inyo may tendency na masasaktan yung isa. Ayoko nun." Napatitig lang siya sakin matapos kong sabihin yung explanation ko. Isa pa to sa napansin ko. Napapadalas talaga yung pagtitig niya sakin.


"Don't you think pagwala kang pinili pwedeng dalawa yung masasaktan?" Ang seryoso ng mukha niya kaya di ko maiwasang maging seryoso na din.


"Siguro ganun nga pero at least they both know na mahal ko sila pareho. I mean ang hirap kaya." Napasimangot ako. Iniisip ko yung tanong niya sumasakit ulo ko. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Aish.


"Ikaw ba ano pipiliin mo miss author?" tanong ko pabalik sa kanya.


"Secret." Kinuha niya ulit yung laptop at binuksan. Luh.


"Ang daya mo talaga."


"Mas madaya ka. In reality you still have to choose Li and you can never have both. Greedy people don't usually have a happy ending." Makahulugan niyang sagot. Umaandar nanaman po pagka irmitanyo ng nililigawan ko.


"Ang seryoso mo naman."


"Seryosong tanong kasi yun." Irap niya kaya ako naman yung natawa. Nahahawaan na siya ng kamalditahan ko pero bakit ganun parang ang hot pag siya gumawa. Ang unfair. Napagdisiyunan kong humilig ulit sa balikat niya.


"Eve what would you do pagalis ko?" curious kong tanong sa kanya.


"I'll study hard." Tipid niyang sagot.


"Ha? Why?"


"Para when time comes I can get a good job then I can go to you." Umayos ako ng upo sa sagot niya. Nakangiti lang siyang nagtatype sa laptop.


"You don't have to. Uuwi naman ako dito and I can take care of you." Natawa naman siya sagot ko. Anong nakakatwa dun?


"Really? You will?" Binalingan niya lang ako ng nakakalokong ngiti. Asar talaga.


"Oo nga. tapos gagraduate tayo together tapos someday we will build our own house. Ang cute kaya ng tandem natin. Civil eng tapos archi. Match made in heaven." Naisip ko na to dati. Sabi nila usually hindi nagkakaintindihan sa mga projects ang mga arch. at engr. pero I think sa aming dalawa ni Eve okay naman.


"You are right. Dapat sa design mo may garden ah."


"Oo naman. Kahit zoo pa ipalagay mo." Pagbibiro ko kaya tumawa ulit siya.


"Parang gusto ko yang zoo pero gusto ko rin aquarium. Dapat meron tayo nun sa ground floor." Pff ako naman natawa. Di yata bahay gagawin namin.


"Dagdagan ko na ba ng amusement park para sa babies natin?"


"Sige alisin mo lang yung mga extreme rides baka mamatay tayo sa kaba pag pinasakay natin sila dun."


"Ay sige anong gusto mong pool yung 6 ft?"


"Gusto ko magdive kaya mas maganda 6 meters." Natawa ako sa sagot niya. Nagpatuloy lang kami sa pagplano ng future house namin na kala mo talaga isang syudad na. Okay lang naman kahit simple lang basta siya kasama ko why not diba. Naputol lang ang aming masayang paguusap ng biglang tumunog yung phone niya. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Mama niya pala. Biglang nawala yung ngiti niya nung makita ito pero bumalik din agad nung tumingin siya sakin.


"Sagutin ko lang ah."



...



Demi's PoV



Lumabas ako ng condo at nagtungo sa may balcony. Lumanghap muna ako ng sariwang hangin bago ito sinagot.


"Yes ma?"


"Natapos mo na ba yung kailangan mo sa pagtransfer?" Ang lamig ng boses niya. Alam kong mangyayari to. Yung dating samahan naming magina hindi na ganun kadaling mababalik sa dati.


"Hindi pa."


"I already asked your tita. Pumayag na yung school ang kailangan nalang ay yung papeles."


"Do I really have to do this ma?"


"Nagusap na tayo Eve." Napakagat labi nalang ako. Hindi naman ako pumayag eh pinilit lang ako. "Sige na. Anak para din naman sayo to. Please isipin mo yung future mo." Napangiti ako ng mapakla sa sinabi ni mama.


"Hmm" Binaba ko na yung tawag. Napatingin ako labas. Ang lamig ng simoy ng hangin. Yung ulap nagbabadya na umulan. Napasinghap ako ng malalim. Ang bigat sa pakiramdam. Ayaw kong iwan si Li. God knows I want her to stay pero bakit ganun parang ayaw ni universe. Ayoko rin naman na magstay siya dito dahil sakin at iwan niya yung tatay niya dun. Nakwento na ni Lilith kung gaano niya kamiss yung daddy niya na halos kalahati ng buhay niya di niya nakasama and to think na may sakit pa ito ngayon. Parang hindi tama na kunin ko yung time na yun instead na sa daddy niya ifocus. Maikli lang ang natitirang oras ng mga parents natin. I don't want her to regret. Also, ang laking advantage kung doon rin siya magaaral.


Napatingala nalang ako sa langit. Unti-unting bumubuhos ang ulan mula sa madilim na ulap. Kasabay nito ang pagagos ng luha ko. Tangina naman kasi. Kung kailan mahal nako ng babaeng mahal ko saka pa to mangyayari. Kinausap ako ni papa. He threatened me na patitigilin niya ako sa pagaaral kung hindi ako lilipat ng skwelahan at magbabago. Kahit na gustohin ko na umalis mahal ko parin mga magulang ko. May utang na loob ako sa kanila. Pipilitin ko sanang lumaban kaso nalaman ko yung tungkol sa daddy ni Li. Para akong sinampal ng katotohanan na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Ayokong mamili sa kanila. Gaya ng sinabi ni Li gusto kong gawin din yun kaso iba ang realidad.


In reality, I am still powerless. Studyante pa lang ako at may mga pangarap din ako sa buhay. May mga pangako ako sa mga magulang ko. Susuklian ko yung pagpapalaki nila sakin. Kailangan kong mamili. Mahal ko si Lilith pero mahal ko rin pamilya ko. Masakit man aminin pero mas makakabuti sa kanya ang tumira doon. Kahit na kapalit nito ay ang pagwasak ko sa mga ngiti niya. Kung alam kong makakabuti sa kanya ibibigay ko. Willing kong tanggapin yung posisyon ng taong nangiwan. Handa akong tanggapin yung guilt at regret. Handa akong magpaubaya sa tadhana para sa ikakabuti niya at ng pamilya niya. Dahil gaya ko kailangan niya ring pumili. Hindi naman kasi pepwedeng dalawa yung pipiliin niya. Ayokong umikot ang mundo niya sakin. I want her to explore the world.


Pinunasan ko yung mga luha ko. Lord, are you listening? Alam ko may plano kayo sakin. I won't doubt your decisions po. But please bantayan niyo si Lilith para sakin. Mahal na mahal ko po yun kahit wag na po ako. I pray she will be okay after this. God I am not giving up my love for her but I am giving up my chance to be with her on this time para sa ikakabuti ng lahat.


Napatingin ako sa phone ko. Maybe I should call tita. Kakapalan ko na mukha ko. Ilang ring lang din sumagot siya agad. Isang malambing na boses ang sumalubong sakin.


"Yes Demi? Napatawag ka?" Buti pa si tita ang welcoming.


"Tita pwede ba tayo magkita? kung pwede sana tayo lang po."



...

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 1.1K 37
Arabella, one of the most highest paid assasins in asia. A girl who's always been inivisible. A girl who was trained not to be visible, found herself...
1.4M 8.9K 14
Matured content Under the Mondragon Billionaire's Boys Club This is MBBC #5 Is your wedding day supposed to be the happiest day of your life? Well, n...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
127K 5K 44
She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, m...