Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 24

5.9K 291 49
By Azshura

Special part:

A/N: Someone asked for the visuals pero ang kaya ko lang muna ibigay ay kay Lilith at Eve.

Heto na yung convo nila.

And that's them~ Next time na yung iba pag nakahanap talaga ako ng suitable character.

Crdts to the real owner.


_______________




Nasabi ko na ba kung gaano ka kalog yung squad ni Lilith? Di ko alam ganito pala talaga sila. Pag merong ibang tao napaka bitchy feels yung pa cool effect. Ngayon? Ewan mukha silang mga bata nakawala sa may dagat. Gets ko na kung bakit barkada nila si Li. Kasalukuyan silang naglalaro sa buhangin nililibing si Steph. 


"Anong ginagawa nila?" Bungad na tanong ko. Umiinom ako ng kape maaga pa. Seven pa ng umaga lakas ng trip.


"Nagpustahan sila kahapon ang huling magising ililibing." Pageexplain ni Keish habang nageexercise. Imaginin niyo nalang pinaggagawa nila. Parang mga tanga. Kaya pala paggising ko wala na si Li. 


"Hoy gurl ang lalim di ako makagalaw." Reklamo ni Steph. 


"Hindi walang tutulong." Sagot ni Max na tinatawanan lang si Steph na nagmukhang Egyptian mummy. 


"Teka lagyan natin nito." Nilagyan pa ng mga drawings ni Ash. 


"Picture tayo bilis." Nilabas ni Lilith yung phone niya at nagsimula na silang magpose. Napalingo nalang ako. Mas mabuti narin siguro to kesa mag mukmok siya sa kwarto niya at umiyak. Sinulatan din nila ng in Memory of Stephanie Lizel Crausus. Mga may topak talaga.


"Pikit Steph walang mummy na nakadilat." Reklamo ni Max.


"May mummy bang hindi nakabalot yung ulo?" Tanong ni Ash. 


"Ewan caption nalang natin bulok na yung ulo di na kailangan i preserve." Sagot ni Li. Mga LT HAHAHA.


"Pakyo ka gurl pag ako naka ahon dito bubudburan kita ng dandruff." Inis na sabi nung nilibing nila. 


"Yuck Stephanie Lizel may dandruff ka?" Nandidiri na tanong ni Max.


"Hindi sakin kay Ashley meron." 


"Walang bukingan hayop nayan." Reklamo ni Ash. Tumawa lang silang apat tapos nagpicture ulit. May mga taga mental pala dito. Di ko talaga ma imagine na sila yung kinakatakutan sa school. I mean parang ang sarap nila kasama. Dati di ko makita sarili kong kasama sila ngayon natutuwa pa ako. Galing talaga ni tadhana. 


"Huwag ka na magtaka ganyan talaga sila pagwalang ibang tao." Biglang nagsalita etong nasa tabi ko. Kaya nga nakakatuwa din makakita ng ibang sides ng mga to.


"Keish may pagkain na ba?" Tanong ko sa isa pang parang ewan.


"Wala pinauwi ni Max si manang kahapon dahil gusto niya solohin natin yung bahay." Sagot niya habang naka pikit at nag iinhale exhale. 


"Kaya naman pala baka nalipasan lang to ng gutom. Magluluto ako." Babalik na sana ako sa loob nung nagsalita ulit siya.


"Pakiramihan." Bilin niya.


"Ha? Kagagaling mo lang mag exercise." 


"Ay di to excercise nireready ko lang yung sarili ko." kalmado niyang sagot. 


"Para saan?" 


"Para mamayang walwal." She grinned. 


"Sino sabe?" 


"Maxine. Plakado na pagbroken hearted isa." Ay may ganun.


"Mukhang alam na alam mo gawain nila ah." 


"Of course kahit hindi ako palaging sumasama sa kagagohan nila ako yung taga hatid kina Lili pag wala yung mga boylet." Aw bait talaga neto kahit sabog minsan. 


"Naging yaya ka pala noon?" Natatawa kong tanong.


"Heh! Shoo luto ka na baby sarapan mo ah." Pangiinis niya. Loka talaga. Ngumiti nalang ako at bumalik na sa loob para nga magluto. Nagugutom narin ako di ako sanay walang breakfast. Dahil mukhang feeling ko mga patay gutom yung tatlo sa kanila dinamihan ko na. Si Ash tahimik lang pero ang lakas din kumain parang si Li. 



...


"Demi thank you sa pagkain." Masiglang sabi ni Steph matapos maubos yung pagkain niya. Kakatapos lang namin mag agahan and believe it or not naubos nila yung isang malaking rice cooker. Tanong niyo nalang kay Ash kung paano niya naubos.


"No problem. Ano na gagawin natin?" 


"Beach tayo." Suggest ni Keish.


"Di ko dala swimsuit ko." Reklamo ni Max.


"Napasobra din naman kain ko ayoko mag swimsuit nagmukha akong buntis." Usal ni Ash habang naka sandal sa upuan at hinimias yung tiyan. Nilingon ko si Li na busy sa phone niya. Ayoko sanang basahin pero nakita ko na. Si Adam panay yung message sa kanya. May maraming missed calls din.


"Okay lang yan basta maliligo tayo." Excited na sagot ni Steph. 


"Ikaw lang naman yung hindi." Pangbabara sa kanya ni Maxine. Nagusap lang sila sabay ng konting asaran. Pero yung katabi ko ang tahimik lang. 


"You should turn it off." Bulong ko sa kanya. Medyo nagulat siya dahil sa bigla kong paglapit. 


"Okay lang ba yun?" Tanong niya na parang nagaalangan.


"Gurl we are here to enjoy at para marelieve yang heartache mo hindi para dagdagan." Sabat naman ni Keish na nasa kabila niya. Narinig niya pala kami.


"Oo nga dedma mo muna yang ex mo." Dagdag pa ni Ash.


"No phones as long as we stay here para walang istorbo." Nagcross arms lang si Max at mataray na tinignan kaming lahat. 


"Eh paano boylet mo?" Taas kilay na tanong si Steph. Biglang nasamid si Keisha dun sa iniinom na tubig. Pati ako natatawa. Boyfriend pala huh. 


"Ehem* Wala akong boyfriend." Sagot niya. 


"Ohhh first!" Amazed na ngiti ni Ash. Gagi meron yan babae lang. Umirap lang si Max. Tinignan ko reaction ni Keish nakatungo lang sa baso ng tubig. Parang ang interesado nito sa kanya. 


"Pero di nga tama si Max no phone muna." Pagbabalik ko sa topic.


"Wala naman akong problema diyan." Kibit balikat na sagot ni Ash at cool lang na nilapag yung phone niya sa mesa at nilagay sa gitna. 


"Same." Gaya ni Setph. In the end limang selpon ang nasa mesa at tanging kay Lilith nalang ang wala. Lahat kami nakatingin sa kanya.


"Okay this is for you guys." She smiled at nilapag din yung phone kasama nung samin. 


"Great! Now shall we change? Maliligo tayo. I'll call someone to ready the speed boat sa gusto sumakay. Meron bang hindi marunong lumangoy dito?" Tinignan kaming lahat ni Max nagiintay kung mayroong magtataas ng kamay. Uhm...


"Ako." Nahihiya kong sabi. Sorry naman mabilis ako mawalan ng hangin at mapagod. Parang hindi makapaniwala si Li sa narinig niya.


"Di nga? Akala ko almost perfect ka na." Tinawanan lang ako. 


"May mga bagay na di ko kayang gawin." 



...



Nasabi ko na ba kung gaano ka sexy yung mga kasama ko? Si Max mala model ang katawan na naka swimsuit. Kita ko nga yung proud na ngiti ni Keisha. Bumulong pa kanina na girlfriend niya raw yun. Edi wow sila na. Si Ash naman gaya nga ng sabi niya di na siya nag swimsuit kay nag rashguard nalang siya pero ang cool niya tignan pramis. Steph looks good on her one piece too. Meanwhile, Keisha and I only wears the top at nagskinny shorts na kami. Good to think na pareha kaming medyo conservative sa katawan. 


About Lilith? Wala naman she's on her usual beautiful self. God hindi ko aakalain na may masikakaganda pa pala siya sa mata ko. Ang bakla pero puta para siyang naglalakad ng may filter.


"Huy Dems tulo laway." Umakto naman si Keish na nasa tabi ko na ay sinasalo nga. Siniko ko siya pero mahina lang para tumigil.


"Nahiya ako sayo nung na dapa ka." Papunta na kasi kami sa may dagat dahil nauna silang lumabas. Pagdating namin naliligo na sila tapos itong isa manghang-mangha sa jowa niya di tumitingin sa dinadaanan may ugat pala ng kahoy dun ayun natapisod. Buti nasalo ko mukha niya bago magdive sa buhangin. Nag mukbang na siguro sa alat ng white sand. 


"Nafall kasi ako." Tatawa-tawa niyang sagot. 


"Ewan ko sayo." Ngisi ko. Kasalukuyan naming iniihaw yung kakainin para mamayang tanghalian. May cottage naman para paglagyan ng mga gamit. Unfortunaely, kami lang ni Keish marunong magluto. Mga palamunin namin yung apat. Infairness sa beach house nina Maxine super ganda. Mala resort na nga kung tatawagin. To think na private property lang to.


"Hoy mga babaita! Di kayo maliligo?!" Tawag ni Steph na nagtatampisaw sa dagat. Nageenjoy sila mag beach volleyball sa tubig. 


"Susunod kami mamaya!" Sagot ko.


"Pwede ka namang sumunod ako na dito." Kalabit ng kasama ko. 


"Sure ka?" 


"Para kang tanga iintayin lang naman to maluto tapos okay na. Punta ka na don. Paturo ka magswimming kay Lili." Ngisi niya habang tinataas baba yung kilay. May dalawang side din talaga to si Keish. Yung super serious tapos yung super kulit. Magbestfriend nga sila ni Li.


"Tigilan mo ko diyan ah. Pero sige magtatampisaw muna ako." 


"Go enjoy baby!" Ginaganahan na talaga siya sa pagtawag sakin niyan. Pagito narinig ni Max baka lunurin ako nun. Hinubad ko na yung cardigan at yung sandals bago lumapit sa kanila. Ang lamig nung tubig pero sobrang linaw. Kitang kita ko yung paa ko sa ilalim.


"Demi switch! Ang daya ni Lilith." Reklamo ni Max. Magkalaban kasi sila. Si Li at Ash yung magkasama tapos Mas at Steph naman.


"Kasalanan ko bang hindi ka marunong sumalo ng spike eh ang tangkad mo pa nga sakin." Pagrarason ni Li. 


"For your info ang pinagusapan pasahan lang hindi naman sinabing may championship pala." Sabay roll eyes ni madam Max. Yeah she's that queen bee parin. 


"It's fine samahan mo nalang si Keish dun." turo ko sa direksyon ni Keisha. 


"Okay paghigante mo 'ko" Tinap niya yung balikat ko kaya natawa nalang ako. Umalis na nga siya. Ako yung may hawak ng bola. 


"Nice teaming up with you Dems." Ngiti ni Steph. 


"Same ano gagawin natin sa kanila?" Paghahamon ko. Nakatingin lang ako kay Lilith na may parang binabalak na masama. Actually meron. 


"Baogin natin." Ang competitive din pala si Steph. 


"Walang kaibigan-kaibigan ngayon."Pati si Ash parang ginaganahan. Si Lilith nakasmirk lang na ani bay sinasabi niyang hindi siya natatakot. Laro lang naman to diba. Sinerve ko na yung bola gamit overhand. Nilakasan ko talaga. Nasalo ito ni Ash at si Lilith ang humampas pabalik sa direksyon ko pa talaga. Buti nalang nasalo ko. Sinet ni Steph yung bola kaya nagspike ako. Di ko na control yung lakas kaya muntik nang tumama sa mukha ni Lilith buti nalang hindi. 


"One point!" Maangas na diklara ni Steph at nag chest pound pa para siyang tanga. Tumawa ako pero nung makita ko mukha ng kalaban namin biglang nawala ngiti ko. Ang sama ng tingin niya. 


"Ash magset ka pag may pagkakataon." Seryoso niyang sabi. Jusko ang competitive. So ayun nag serve ulit ako. Hindi nila nasalo kaya amin nanaman yung point. Nagthumbs down si Steph sa kanila para mas lalong manginis. Effective naman dahil sumeryoso talaga sila. Kaya ayun nagserve ulit ako this time nasalo ni Ash at nag set nga. Nice yung angle for spike kaya ginawa nga ni Li. Kay liit na tao pero halimaw humampas. Kaya pala nagkakapasa ako sa mga hampas niya.


This time si steph pinuntirya niya. Patayan yata gusto nila. 


"Steph yuko!" Sigaw ko na ginawa niya naman agad. Nasave ko yung bola ang sakit sa braso tangina. 


"Mine!" Nagset ulit si Steph. Kaya spike ulit. Di ko naman inaakala na matatamaan si noo si Ash. Boom sapul. Sa lakas nung impact napaatras siya at napatingala yung ulo. 


"Hala Ashley sorry." Agad kaming lumapit sa kanya pero instead na namimilipit sa sakit yung makita namin bigla nalang siyang tumawa. Ugh.


"Ash oh my God nabaliw ka na?" Napatakip ng bibig si Steph. Ang pula ng noo niya. Si Lilith lumapit sa kasama niya akala ko kakamustahin kaso bigla niyang hinawakan yung namumulang noo. 


"Tangina Veron masakit!" Reklamo ni Ash na kakatapos lang sa tawa niya. 


"Di ka pa pala baliw naninigurado lang." Kibit balikat niyang sagot. Baliw din to eh.


"Bitch I'm not na alog lang ng konti pero di naman ganun." Sagot niya. Hindi naman kasi yung matigas na bola ang gamit yung pang beach lang talaga pero namula parin. 


"Sorry Ashley." konsensya kong sabi. Nadala ako dun sa laro.


"Wala yun ano ka ba natawa lang ako kasi ang seryoso talaga natin." Tatawa-tawa niyang sabi. 


"Break na muna tayo gusto ko uminom ng tubig." Reklamo ni Steph. Oo nga naman kanina pa sila dito. 


"Sige tara. Ikaw Lili?" Baling ni Ash sa kasama niya. 


"Mamaya nako magswiswimming muna ako." 


"Okay speed boat tayo mamaya." Ani ni Ash bago sila umalis at bumalik sa cottage. Naiwan kaming dalawa ni Lilith. Ngayon lang ulit kami nagkasama na kami lang mula kagabi.


"Ang galing mo kanina ah bakit di ka sumali sa team ng department natin?" Naglakad kami dun sa medyo mamalim na part. Hanggang balikat ko yung tubig. Mas matangkad nga kasi ako sa kanya kaya hanggang leeg na sa kanya. Hindi ako marunong lumangoy pero kaya ko naman hanggang may naapakan pa ako. Ang sarap ng tubig infairness.


"Ayoko nakakapagod din. Di ko talaga hilig." Masgugustuhin ko pa magamit yung time ko sa ibang bagay. 


"Ahh." Tumango lang siya. 


"Musta naman?" Bati ko.


"Okay naman nakakalimutan ko yung sakit dahil sa inyo." Ngiti niya. Ang cute naman talaga. Magkaharap lang kami. 


"Mabuti naman. Medyo di ko parin na absorb na ganun pala ka kalog yung sqad mo. Akala ko talaga ma o-out of place ako." 


"Hindi no. Facade lang nila yung sa school. Kahit minsan yung mga nagagawa nila ay hindi na tama. Alam ko naman na nakokonsensya din yang mga yan." 


"Kaya nga. Mabait naman silang kaibigan pero masamang kaaway." 


"That's true. Anyways nageenjoy ka naman?" malambing niyang tanong.


"Yup why are you smiling like that?" Napakunot yung noo ko. Alam ko pag ganito yung itsura niya.


"Hindi mo nabigay morning kiss ko." Sumimangot siya. 


"Kasalanan ko bang wala ka na nung nagising ako?" 


"Eh sa may pustahan kami." Nagpout lang siya. Alam niyo yung mata niya budol-budol din. 


"Kaya nga magtatanghali na expired na morning kiss mo." Not now baka ano pa magawa ko. Makiss ko pa to sa lips. Self control Demi. Pero ayaw yata ng kasama ko na mabuhay ako ng matagal dahil lumapit siya sakin. Automatic na napaatras ako.


"Sige na." Pagpapacute niya. 


"Okay pero not in front of them." Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Tumingin naman siya sa direksyon ng friends namin. 


"Hindi sila nakatingin. Sige naaaa." Parang bata niyang sabi. Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko dalawang balikat niya.


"Pikit." Sabi ko ng seryoso kahit deep inside nagpapalpitate nanaman ako. Excited naman siyang pumikit. Pinagmasdan ko yung bare face niya. Bumaba sa lips niya yug tingin ko. Demonyo lumayo ka. After finally encouraging myself. Nagbend ako dahilan para malubog ako sa tubig at hinila ko siya pababa. Wala akong tiwala sa sinabi niya di sila nakatingin. Mala agila pa naman mata nung bestfriend niya.


Nagulat siya sa ginawa ko at napadilat bigla. Nagtama ang mga mata namin sa ilalim ng dagat. Hinawakan ko siya leeg bago hinila papalapit sakin at hinalikan ang noo niya. Medyo nagtagal din ng three seconds yung ginawa ko bago naunang umahon. 


Kahit malamig yung tubig feeling ko ang init ng katawan at mukha ko. Sumunod naman siya agad na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.


"Eve that was..." She trailed. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Hindi siya nakangiti actually gulat lang talaga ang nakikita ko. Nakahawak lang siya sa noo niya.


"A-ano?" 


"So romantic parang kinikilig ako." Bumaba yung hawak niya sa noo sa dibdib niya. Pinapakiramdaman ang sarili. She blinked na parang naguguluhan.


Ha? Ano daw?


...






Continue Reading

You'll Also Like

61.6K 2.9K 39
WARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.
678K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
Trapped By Unavailable

Mystery / Thriller

65.6K 3.7K 37
"If being in hell is the only way to be with her, then I am pleasure to suffer hell every single day." -Police Officer Allison Harwell Allison Harwel...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...