Lilith's Smile (GxG)

Od Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... Více

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 22

5.5K 293 98
Od Azshura


"Uhm akala ko ba di ka sasama?" Taas kilay ko lang siyang tinignan nung nasa school parking lot na kami. Kagabi kasi sabi niya ayaw niya tapos kanina tinanong ko ulit ayaw parin pero nung aalis nako nagulat ako naka bihis na pala ang loko. 


"Nagbago isip ko." Chill niyang sagot. 


"Sure kang okay lang sayo? Medyo mainit pa yung balita tungkol sa inyo." Naka shades lang siya kaya di ko makita yung mga mata niya. Yung get up niya ay ganun parin naman. Lilith Veron yung dating.


"Oo nga tara na para matapos na to." Hinawakan niya yung kamay ko kaya ayun nanaman yung kuryenteng tagos hanggang puso ko. Ang korni na pero ganun talaga. Ang lambot ng kamay niya- teka erase erase.


"Ha? Bakit saan ba tayo pupunta?" Nagpahila nalang ako. Medyo magkasing tangkad lang kami ngayon kasi naka heels siya.


"Outing with friends." Sagot niya lang. 


"Friends? bakit wala kang sinabi kanina?" Gagi din to magplano agad-agad.


"Max texted me. We can have a little trip habang wala pang klase." Si Maxine? Ayoko kung ano-ano pa naman trip nun. 


"Sino ba kasama?"


"Max, Ash, Steph and Keish." Wee?


"Sila lang?" Wala yung mga baby boys nila?


"Hmm bakit ba? May gusto ka isama?" Kunot noo niyang tanong.


"Si Jeremy." Suggest ko. Biro ko lang naman sana dahil alam kong triggered to sa pinsan niya pero di ko aakalain titigil siya sa paglalakad at humarap sakin.


"Umamin ka nga sakin. May gusto ka ba sa pinsan ko?" Seryoso na siya diyan guys nakakatakot. Buti nalang wala masyadong tao.


"Hindi no. Natutuwa lang ako pagkasama siya? Parang same vibes lang." Feeling ko kasi mao-out of place ako pagandun sina Max. Si Jem lang naman nakakausap ko nung mga inuman days namin.


"Promise?" Para talagang bata.


"Yeah swear." Sabay taas ko ng right hand ko para manumpa. Loko parang tanga.


"Good." Ngumiti lang siya at hinila lang ako ulit. Di ko talaga magets utak neto. Minsan she act like a jealous girlfriend minsan naman pinapamukha niya sakin na straight siya. Ang gulo ng sinasabi sa ginagawa. Pero kahit ganun ang sarap sa feeling na inaangkin niya ko. Yung pinagdadamot ako. Delusional man pero bigay niyo na to sakin dito na nga lang ako kumakapit. 


"Kailangan ba talagang kasama ako?" Tanong ko sa babaeng patuloy lang akong hinihila. Aangal pa ba ako? Siya na nga tong humawak sa kamay ko.


"Of course. Paghindi ka pupunta malilintikan ka sakin." 


"Baka ma out of place ako dun." 


"Kasama mo naman ako." May sagot talaga siya. 


"Ano bang gagawin?" 


"Max said well be going to their private beach. Unwind daw from my heartache." Hmm sabagay nice idea din. Nabubulok din to sa condo niya.


"Ilang araw?" 


"Babyahe tayo mamaya pero iisang van lang gagamitin natin. Sabi niya three days so hanggang sunday tayo doon." Nakarating narin kami sa field kaya binitawan na niya kamay ko. Aw miss ko na agad. Medyo maraming tao sa bench dahil nga finals na. 


"Demi!" Rinig kong tawag ni Jem. Tumakbo siya papunta samin. Di pa pala nagsisimula yung match. 


"Hey magsisimula na ba?" Tanong ko sa kanya.


"Yup doon kayo manood sa bench namin para mas kita niyo." Tinuro niya yung direksyon. Nauna siyang maglakad kaya sumunod nalang kami. Ang kasama ko naman sobrang tahimik. Napansin ko rin na nagbubulungan yung mga tao sa paligid nung nakikita siya. Sabi na eh. Naupo na kami sa bench na pinagdalhan samin ni Jem.


"Dito lang kayo ah. Demi panoorin mo ko." Masaya niyang sabi sakin. Tumango naman ako. Wala akong alam sa soccer pero for a friend why not support.


"Okay galingan mo ah. Goodluck." Ang lapad ng ngiti niya. Umoo lang siya at nagpaalam na babalik sa team dahil magsisimula na nga sila. Naiwan kami ni Lilith na sobrang tahimik. 


"Hey diba si Lilith yan?" 


"Oo nga girl akala ko hindi na magpapakita matapos chineat ni Adam." rinig ko mga chismosa sa taas namin. Mangchichismis na nga rinig pa.


"Karma na niya siguro. Ang possessive naman kasi kaya siguro nasakal si Adam." Sagot pa nung isa. Parang gusto ko manabunot ng madaldal ngayon. Kakausapin ko na sana yung mga nagpaparinig nung pinigilan ako ni Li. Tinanggal niya yung glasses niya at tumingin sa direksyon nung tatlong babae. Natawa ako sa mukha nila parang natatae na ewan.


"If you are going to gossip about me. Siguraduhin niyo munang mas maganda kayo sakin. Napaghahalatang insecure and please you don't know a damn shit what really happened so fuck off kung ayaw niyong pati mundo niyo guluhin ko." Pagbabanta niya. Natakot yung tatlong babae kaya agad na tumayo at umalis. Ay alaws pala sila tapang magparinig di naman pala kaya istand yung ka daldalan nila. Nagroll eyes lang si Li at naupo ulit. Oo nga naman she's Lilith palaban to. 


"Chill Li sure ka kaya mo? Eh parang bubugwak ka na ng apoy." 


"It'll take more than that para magalit talaga ako." Naghuff lang siya sabay cross arms. Ang cute parang bata. Magpinsan nga sila ni Jem. Nilabas niya lang yung phone niya at nagsimulang mag scroll sa social media. Nagsisimula nadin sina Jem.


"Akala ko ba manonood. Support mo naman pinsan mo." Bakit ba to sumama dito.


"Kaya na niya yan." 


"Galing mo rin." Natawa nalang ako at nagfocus doon sa laro. Magaling si Jem sa pagkakaintindi ko sikat din siya sa dito. Gwapo din naman kasi ang charming ngumiti. Nung nakascore sila dahil sa kanya nakakaproud. Tumingin siya sa direksyon ko at parang sinasabi na 'ayos ba' kaya napangiti ako at nagthumbs up.


Nagpatuloy lang yung laro. Hindi ko na napapansin masyado yung katabi ko kasi nga nakafocus ako dun sa laro. 


"Eve." Tawag ng katabi ko.


"Ano?" Sagot ko ng hindi lumilingon.


"Inaantok ako." 


"Ha?" Medyo di ko narinig dahil ang ingay.


"Sabi ko inaantok ako." Lumingon ako sa kanya. Nakasimangot lang siya at halatang inaantok nga. 


"Matulog ka muna gusto mong mauna nang umuwi?" Lumingo lang siya bilang pagtanggi kaya tumaas kilay ko. Umaandar nanaman yung pagiging childish niya. Bakit nga ba sakin parang ang childish niya? Sa iba naman kulang nang kumain ng tao sa pagiging suplada.


"Pahiram." Turo niya sa balikat ko. Luh ginawa na talagang unan. 


"Ayoko uwi ka nalang mas masarap pa kama mo dito." Andaming tao nahihiya ako. 


"Tch. Sige na." Pangungulit niya. Ang tamlay ng mga mata. Para siyang iiyak. Wait inaantok ba talaga to. Tinitigan ko siya sa mata. 


"Ano nangyari?" Natanong ko nalang kaya napabuntong hininga siya. Binigay niya yung phone niya sakin at pinakita yung pic. Shit magkasama nanaman sina Adam at Dani. Mukhang hindi nila alam na pinicturan sila dahil hindi naman sila nakatingin sa camera. Akala ko ba ititigil na?! Gagong Adam yun ah. Tinignan ko sino nagsend, si Keish. 


"Uwi nalang tayo?" Tumingin siya sakin tapos sa game. 


"Tapusin na muna natin baka matalo pa sila kung aalis tayo." Pagbubuntong hininga niya. 


"Bakit naman?" 


"Mawawalan ng fighting spirit yung pinsan ko." Tinignan ko si Jeremy na naglalaro. Kung sa bagay parang ang puno niya ng energy nung makita kami kanina. 


"Kaya mo ba?" 


"Hmm yeah pero pahiram." Tinuro niya ulit sa balikat ko. Ugh...


"Nakakahiya maraming tao." Sagot ko.


"Pake ko sa kanila." 


"Sure ka?" 


"Oo nga." Pinulupot niya yung kamay niya sa braso ko at sumandal nga. Pinilit ko nalang mag poker face dahil feeling ko talaga sasabog nako. Ang pula ko siguro ngayon. Hindi ako makapag concentrate sa pinapanood ko. For sure pinag titinginan kami ng mga tao. Dami ko pa namang kakilala dito dahil department namin yung naglalaro. 


...



"Li gising" Tinapik ko yung balikat niya. Nakatulog nga siya hanep tapos ako nananakit balikat at nagpapalpitate. Kakatapos lang ng laro nila at nanalo sina Jem. Nagising din naman siya at kinusot yung mata. 


"Hey cous wag mo namang lawayan balikat ni Demi." Pangaasar ng isa. Hindi siya pinansin. 


"Tapos na? uwi na tayo." Tumayo na siya kaya tumayo na din ako. 


"Hala di ka na nga nanood di mo pa ako babatiin." Reklamo ni Jem. Ewan natutuwa ako sa kanila.


"Congrats happy?" Antok na balik ni Li. 


"Hatid ko na kayo." Mabait niyang suhestyon. 


"Wag na dala ko sasakyan ko." Sagot naman ng pinsan niya. Ang maldita talaga.


"Demi di ka ba talaga sasama?" Sumimango siya. Aw cute. Ngumiti lang ako. 


"Nope may plano kami ni Li ngayon. Next time? congratulations ulit. Ang galing mo maglaro." Totoo naman halos lahat ng points siya may gawa.


"Thank you uhm pwede ba makuha number mo?" Nahihiya niyang tanong. Di ko ba nabigay dati? 


"Oh sure phone mo." Binigay niya naman agad. Tinype ko yung number ko tapos binalik sa kanya. 


"Magpakilala ah hindi kasi ako nagrereply pag di ko kilala." 


"Of course. Uhm how ab-" Di na niya natapos sasabihin niya dahil tinawag na siya ng teammates niya. 


"Jem tara na!" 


"Alis na." Pagtataboy sa kanya ni Li. Ang harsh talaga. 


"Fine text ko nalang. See you on monday!" Nagpaalam na siya at tumakbo pabalik sa team niya. Nung binalikan ko ng tingin katabi ko sinalubong ako ng masamang tingin. 


"Bakit?" 


"Landi niyo." Irap niya at nauna maglakad. Luh.


"Bawal na ba? Single nga ako." Di ko din alam bakit ang against niya talaga. Para siyang ako noon. Bitter sa PDA.


"Tch gusto mo nga siya sinungaling." Nagcross arms siya at mas mabilis na naglakad. 


"Alam mo ang weird mo din. Dapat support ka sakin kasi kaibigan mo ko." Pagdadrama ko. Hindi siya sumagot at naglakad lang talaga papuntang sasakyan niya. Galit na siya? Bakit? Hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya hindi parin siya kumikibo. 


"Teka nga galit ka ba?" Kunot noo kong tanong kasi kung oo di ko gets. 


"I'm not." Tipid niyang sagot. Labo talaga.


"Bakit nga? Dahil kay Jem? Magkaibigan naman kami Li." Pagbubuntong hininga ko. 


"Pero may gusto siya sayo." Ano naman sa kanya yun?


"Di naman ibig sabihing gusto niya ako gusto ko narin siya." Tumahimik siya sa sagot ko. Nakayuko lang siya. Naiinis ako bakit ganito siya umasta I mean cute na parang protective siya pero yung bigla nalang siyang magagalit na di ko naman alam dahilan parang ewan lang. Ang harsh niya nga sa pinsan niya.


"Sorry." Mahina niyang sabi na nasundan ng paghikbi hala bakit siya umiiyak?


"u-uy bakit ka umiiyak?" Hinarap ko siya. Hinanap ko agad yung tissue. 


"Di ko alam parang natatakot ako. Nawala na sakin si Adam tapos ikaw waaaa." Parang bata niyang iyak. Di ko alam na ganun pala ka importante tingin niya sakin.


"Para kang tanga di naman ako aagawin ng iba ano ka ba." Natatawa tuloy ako. 


"Basta parang ayoko ishare ka sa kanya." Spoiled niyang sabi sabay nagpout habang may luha sa mga mata. Kailan ba siya titigil na maging cute at maganda sa mga mata ko?


"Oo na madam tahan na di naman ako magkaka jowa agad-agad. Kawawa naman baby ko lika nga." Niyakap ko siya. Nagiging hobby ko na talagang babyhin siya. Yun yung unique sa relasyon namin. Sweet pero at the same time ang hilig namin magtalo. Marami naman kasi kaming pinagkaiba di ko lang talaga magets pano kami nagkakasundo kahit ganun. 


Iintindihin ko nalang siya. Maybe gusto niya ng kaibigan ngayon pero soon kung magbabalikan sila o magkakajowa siya ng iba, for sure na mawawala rin tong pagiging possessive niya sakin. Siya na nga mismo nagsabing malabo. Kahit na hindi naman ibig sabihin na impossible pero ayoko muna irisk. Comfortable na kami ngayon sa company ng bawat isa ayoko gumawa ng move na makakasira dun. 


"Gago ka talaga." Sabi niya habang nakasubsub yung mukha sa leeg ko. 


"Gago too. Tara na nga magiimpake pa tayo." Humiwalay na ako. Kaso imbis na magdrive nakatingin lang siya sakin ng masama. 


"Ano?" Tinaas niya yung kamay niya at ginalaw na parang sinabing lumapit ako. Uhm parang kinakabahan ako sa gagawin niya. 


"Ano nga?" hindi siya sumagot kumunot lang noo niya. Ayoko naman magalit pa baka umiyak nanaman kaya lumapit nako. Doon ko lang napagtanto yung gusto niyang gawin. She kissed me on my cheek. Pota. Di ako makagalaw. Yung puso feeling ko nagwawala na sa loob. Gago ka Lilith.


"Peace offering." Ngumiti na siya at pinaandar na yung sasakyan. Ang hirap mag self control pagganito ka clingy sayo yung gusto mo. Lord bless me with more patience huhuhu



...



Well okay na naman. Nakarecover nako sa kiss portion niya. Tangina talaga nadali ako dun. Kasalukuyan kaming nagiintay dun sa van na sasakyan daw namin. Kumain narin kami dahil for sure matagal yung byahe. Sabi niya five hours din daw tapos seven na. Hating gabi din kami dadating.


"Andyan na sila." Anunsyo niya. Kaya dinala na namin yung mga gamit namin pababa at tama nga nagiintay na sina Max. Andito narin yung bff niyang si Keish. 


"Hi bess!" Bati niya at nagbeso beso silang dalawa. Okay normal lang siguro sa kanya yung kiss. 


"Hello and ikaw si Demi diba?" She smiled towards me. Ang ganda din ng bestfriend niya ah. 


"Yup Hi I'm Demi Eve Sandoval." Binigay ko yung kamay ko para makipagshake hands na kinuha niya din naman.


"Keisha Villanueva bestfriend ng spoiled brat nato." Infainress sa best friend niya mabait. Natawa ako sa introduction niya na spoiled brat si Li. Totoo naman kasi. Buti nalang hindi narinig ni Lilith ayun kasi nakikipagusap kina Max.


"How was she?" Mahinhin na tanong sakin ni Keish. 


"Si Li? Pretty much broken. Naloko ba naman." 


"Kaya nga. Di ko ineexpect na magagawa yun ni Adam." 


"Neither I am." 


"Thank you for staying by her side." Sincere niyang sabi at ngumiti. 


"No problem. Magkaibigan naman kami." 


"Sabi ko na nga ba good influence ka sa kanya." 


"May sinabi siya tungkol sakin?" 


"Yup plano pa nga sanang guluhin buhay mo pero I don't know what happened. Naging mabait at comfortable siya sayo." Malumanay magsalita si Keish opposite na opposite kay Li. Di na rin ako na supresa sa sinabi niya. Knowing the Lilith before kayang-kaya niya yun gawin.


"Ginulo niya parin naman buhay pero not on the bad way." Except sa part na nahulog ako sa kanya. Bad move yun.


"Yup spoiled lang yan pero mabait si Lili. Di nako masusupresa kung mahuhulog ka sa kanya." Sabay kindat niya sakin. Luh.


"H-hindi no. Pero teka alam mo?" Tumawa lang siya sa reaksyon ko. Pucha kamatis nanaman lagay ko neto.


"Yup ako nagsabi sa kanya. Don't worry safe young secret mo sakin. I mean no judgement." Bigla siyang lumapit sa tenga ko. 


"I have a girlfriend pero shh lang." Bulong niya. For real?!


"Seryoso? Alam ba ni Li?" 


"Nope not yet. Di ko pa alam anong magiging reaksyon niya." Biglang siyang napasimangot.


"She'll be fine sabihin mo nalang." Pagpupush ko. Base naman sa pagkakakilala ko kay Li okay lang naman sa kanya. I mean chill lang naman yung babaeng yun. 


"Yup but the problem is my partner. Kilala niya kasi." Ngisi niya. Nakatitig siya sa isa sa apat na babaeng nasa harap namin. Oh my God. 


"Si M-?!" Tinakpan niya agad bibig ko shuta. Bakit ganun first meeting namin ngayon pero parang ang close na.


"Shh lang." Paalala niya.


"Pero di nga seryoso?" Shoket parin ako sa nalaman ko. Nung nakaraan lang may kasamang lalake si Max nirate pa nga ng ten.


"Yup naging kami nung naghiwalay si Li at Adam." So bago pa pala sila. Di ko parin masyadong ma digest na si Maxine ay pumapatol pala sa babae. Damn.


"Sorry medyo na lutang ako dun sa revealation mo." Tumawa lang siya sa sinabi ko.


"Understandable naman. Naging ganun si Max dahil din naman sakin. Confused siya and she thought na pag nagboyfriend siya mawawala yun pero nung Monday she called me. Tapos bigla nalang ako hinalikan." Ang lapad ng ngiti niya habang sinasabi yun. Ang dami naman pala nilang pinagdaanan.


"Ang cute niyo pero bakit mo to sinasabi sakin? Diba dapat kay Li?" 


"Because I know mas makakaintindi ka." Well oo nga naiinlove din ako sa babae. "Besides Demi..." Siniko niya ako. 


"A-ano?" 


"You obviously like her. Halata masyado nakita ko kayo kanina sa field." 


Okay too much for meeting the best friend.


...


Author's Note: 

Thank you for the upvote! Much appreciated po ^^




Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

43K 1.9K 42
A fine line between love and insanity
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
410K 16.3K 36
Student x Student Siguro nga pinagtagpo lang kami ngunit hindi itinadhana para sa isa't-isa. Pinagtagpo kami para lang hindi magkatuluyan sa huli. O...