Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 14

5.2K 258 46
By Azshura

Kita niyo nga naman. Ako na nga ang nagluto at naghanda ako pa naghugas. Kinacareer ko na talaga pagiging alalay nung spoiled brat na yun. Pero sayang din naman yung sweldo pang tuition ko narin. Matapos ko na ligpitin yung pinagkainan namin, nagtungo ako sa banyo para magbihis. Dalawa kasi banyo niya dito. Isa sa loob ng kwarto tapos isa sa labas. 


Kung hinahanap niyo si Li ayun sa kwarto niya sabi magliligo daw. Pawis kasi galing praktis need niya din palamigin ulo niya. Matapos kong makapag half bath, kinalikot ko na yung phone ko. Makapaglaro nga muna ng mobile legends. Hindi ko na napansin na bumukas pala yung pinto ng kwarto niya dahil focus ako sa rank game. 


"Eveeee~" Tawag niya sakin. Di ko siya nilingon. 


"Yeah?" 


"Manood tayo ng movie." Tumabi siya sakin at sumandal sa balikat ko. Ang comfy na nga niya sakin. 


"Anong movie?" Wala sa utak kong tanong. Nagcaclash na kasi. Lintik na stun pa. 


"Hmm horror?" Napataas naman kilay ko sa suggestion niya. Di ko alam mahilig pala to sa horror.


"Sure ka?" 


"Hmm gusto ko manoon ng horror kaso di ko magawa magisa." Nanonood lang siya sa pinaggagawa ko. 


"Okay." 


"Anong okay?" 


"Manonood tayo." Di parin ako lumilingon sa kanya. Umalis siya sa balikat ko. Naramdaman kong may masamang mga mata na nakatingin sakin.


"Tigilan mo na nga yan." Pagrereklamo niya.


"Wait tapusin ko lang to." Yun oh maniac na.


"Ugh you know I hate it when I'm talking to someone and they're not paying attention to me." Maypagbabanta sa tono ng boses niya. Pero di yan oobra sakin. 


"Then don't talk to me." Pagsusuplada ko. Naman guluhin na ako wag lang sa laro. 


"Ugh Eveeee" Niyugyug niya ako. Hasyt. Tumayo ako at lumipat. Patuloy parin ang paglalaro. Malapit na din naman kasi matapos. 


"Di ka ba napagod sa praktis niyo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot kaya napagdisisyunan kong iangat ang tingin ko sa kanya. shet ang sama ng tingin. Mananalo na din naman kaya pinatay ko nalang yung phone at nilapag sa tabi ko.


"Oh ayan na tapos na. Tara manood." Aya ko. Hindi siya ulit sumagot at tinitigan lang ako ng masama. Mukha talagang bata eh.


"Li tara." Lumapit ako ulit sa kanya pero bago pa ako makalapit talaga nakatanggap ako ng hampas.


"Aray! Abusado ka na talaga sakin. Kakasuhan na kita ng violence." Hinimas-himas ko yung hinmpas niyang braso ko. 


"Ikaw naman kasi eh. Nakakainis ka!" Tumayo siya at nagtungo ulit sa kwarto. Kumunot naman noo ko. Sumunod ako pero kumatok muna bago pumasok. Nakita ko siyang nakabusangot nakaupo sa may kama niya.


"Hoy parang bata to tara manood." Gusto pa magpasuyo. 


"Ayoko na." Humiga na siya sa kama at nagkumot.


"Matutulog ka na niyan?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.


"Saan ako matutulog?" Tanong ko ulit.


"Sa labas." Inis niyang sagot. Aba'y papatulugin lang pala ako sa labas. 


"Kung sa labas mo ako papatulugin uuwi nalang ako." Nung isasarado ko na yung pinto bigla siyang nagsalita ulit. 


"Gago ka kasi eh." Pikon siyang umupo at tumayo. Di ko din maintindihan mood swings ng babaeng to. Babae din naman ako pero siya parang alien na. Nasa harap ko lang siya bago niya ako hilahin sa loob at pinaupo sa kama niya. Nakasimangot parin siya. Tapos umikot siya sa side niya ng bed. May malaking tv sa harap namin. Naka-on din yung aircon niya at ang lamig ah.


"Ano papanoorin?" Nakangiti kong tanong. Kahit maypagkabipolar to cute parin. 


"Papadeliver muna ako pizza." Sabi niya sabay kuha nung phone sa side table at may dinial. Tumayo muna ako at lumabas kinuha ko phone ko at sinuot yung hoodie. Nakashorts lang ako eh. Tsaka ang lamig ng kwarto niya parang bampira yung natutulog. Bumalik na ako at naupo sa kama niya sabay sandal sa headboard pero nilgyan ko ng unan para hindi matigas. 


"Dadating yung pizza in twenty minutes." Tumingin ako sa oras. Eleven na din pala.


"Sure ka na di ka pagod?" Kung ako to bagsak nako.


"Hmm kahit gustuhin ko hindi ako makakatulog." 


"Dahil kay Adam?" 


"I know gwapo yung boyfriend ko. Si Adam lang ang nakatagal at nagmahal sakin ng ganito kaya di ko maimagine na mapunta siya sa iba." 


"Di naman makukuha kung hindi magpapakuha." 


"I know. It's just he's so kind. Ang bilis niyang bumigay lalo na't naaawa siya sa tao." 


"So you are aware kaya ba ganun ka nalang bumakod sa kanya?" Those fights and pang aaway niya sa iba.


"Yeah ayoko lang mawala siya. Ang nakakainis lang di siya marunong magback off. Nakakinis lang na hinahayaan niya na ganun. I hate sharing what is mine Eve." So may kasalanan nga din si Adam. I know he's just concern at takot na magalit si Lilith sa kanya but honesty is one of the foundation in a relationship. Mahirap magstay sa isang relasyong may tinatago. I just hope na marealize niyang reassurance lang ang gusto ni Li. 


Observing that man, he's indeed kind pero yung kabaitan niya is so close to naivety. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Li. I do know he loves her dearly. Halata naman sa mga mata niya sa tuwing naguusap kami tungkol kay Lilith. Mabuti at palaban din tong isa hindi basta-bastang sumusuko.


"What will you do now?" 


"I want to take a break. Rest or what because honestly, It's tiring to defend a person who's oblivious of the world around him. He thinks everyone is just a friend when the other person don't think so. I'm not stupid not to realize na he's just helping out but people is taking advantage of it. As I've said this is not the first." She looks so tired and frustrated. Makikita mo talagang seryoso siya. This is the side of Lilith Veron that everyone don't know of. 


"Ayoko na pagusapan sumasakit dibdib ko." Pagbubuntong hininga niya. Ganun niya ka mahal si Adam. To think she can do that much. Ewan pero parang may kumirot sa loob ko. 


"It's fine to rest." Pagbubuntong hininga ko sabay tumingin sa harap. 


"Hmm anyways enough about me. Tell me about your past." 


"Past? Anong past?" 


"Exes?" Mungkahi niya.


"Hmm well we ended last year." 


"Naka move on na?" 


"Yeah I think." 


"Ilang buwan kayo?" 


"Fourteen and 26 days. Teka nga fast talk ba to?" Natatawa kong tanong. 


"Oo kaya sagutin mo nalang. Why did you break up?" On that last question parang nag flash back ako sa past ko. Di ko namalayang napangiti na pala ako. Good old days.


"She fell out of love." Simple kong sagot. 


"Really? Yun yung reason? No third party?" Parang invested siya sa past ko at tutok na tutok yung atensyon sakin. 


"There is someone pero she used that as a way para mag break kami. Sabi niya iniintay niya nalang na ako yung bumitaw." 


"Abay gago." 


"Hindi gaga mismo." Pagkokorek ko. 


"Ay babae ba?" 


"Yeah why? nandidiri ka?" Pagbibiro ko. 


"Hindi no pero base sa nakikita ko mabait ka naman. Girlfriend material din." 


"Boring siguro para sa kanya. I did everything and in the end wala parin kaya pinalaya ko na. Kahit taliwas sa pangako ko. I break my own promise just to make her happy." No hard feelings. Nakamove on na nga ako. May iba na din yung si ex kaya mas mabuti nang hindi ko ungkatin ang nakaraan. Tumingin ako sa katabi ko at nadatnan kong nakatitig lang siya sakin.


"I don't get it. Di ka naman boring ah. I find you interesting pa nga." Napangiti ako sa sinabi niya.


"Li you will never be enough on the wrong person and not everyone has the same eyes as yours." Sa sinabi ko tumango lang siya. Di ko alam kung nagets niya ba. For a person who chose to fight than to give up. She has a different view of love. But still whatever form it is love is still love.


"Nakamove on ka na din naman kaya kalimutan mo na yun. She don't deserve you." 


"Aw bait mo namang kaibigan." Pangiinis ko sabay kurot sa cheeks niya.


"Tsk. So wala kang crush ngayon?" Tanong niya. Curious talaga siya sa love life ko. Chismosa din pala tung midget nato.


"Crush? hmm" Napaisip ako. Meron ba? Hmm may isang taong lumalabas sa isipan ko nung tinanong ko ang sarili kung may crush nga ba ako.


"I think meron." 


"Is it Jeremy?" Kumunot noo niya. Automatic na natawa ako sa hula niya.


"Bakit si Jeremy agad pumasok sa utak mo?" Tatawa-tawa kong tanong. Seriously si Jeremy pa talaga.


"Ang landi niyo kaya nung naginuman tayo." ahh that.


"Hmm he's cute. Has a nice smile." Pagaamin ko gwapo naman talaga si Jem. Male version ni Lilith charming din. Mabait at gentleman pa.


"So siya nga?" She gasped. Loko to pero mapaglaruan nga. Dahil di ko naman pwedeng sabihin kung sino talaga crush ko.


"Secret." Demonyo kong ngiti. Sumimangot siya at pinaghahampas ako ng unan. 


"Ang daya!" 


"Luh wala akong sinabing sasagutin ko lahat." Tumawa lang ako habang umiilag sa unan. Kinuha ko yung unan sa likod ko at binalik sa kanya yung hampas niya. Di ako papatalo. Natigil lang yung hampasan portion namin nung may nag door bell.


"Tsk baka yan na yung pizza. Kukunin ko lang di pa tayo tapos." Pinandilatan niya muna ako bago kinuha ang wallet niya at lumabas. Ibang klase din. 


"Cute." Bulong ko sa sarili ko. 


...


Kakasimula palang ng movie pero kulang nalang magtago siya sa ilalim ng comforter. 


"Akala ko ba manonood bakit ka nagtatago?" komento ko. 


"I hate jumpscare." 


"Luh horror pa pinanuod natin eh yun nga maganda dun. Wala pa naman masyadong ganap kaya umayos ka." Pagbubuntong hininga ko. Kumapit siya sa braso ko at ginawa nga yung sinabi ko. Natatawa ako sa itsura niya.


Twenty minutes on the movie panay na sigaw niya. Jusko mababasag pa eardrums ko sa lakas niya sumigaw. Nagtatago siya dun sa thriller scene kung saan lalabas ang nakakatakot na mukha nung multo. Napanood ko na kasi to kasama ng mga ka dormmates ko kaya alam ko na magyayari. 


"Li look at the tv may sira ata." Sabi ko kaya inangat niya yung tingin niya. Saktong lumabas yung mukha at jumpscare na part pa talaga. 


"AAAAAAA MOMMY! TANGINA MO EVE!" Sigaw niya at agad nagtalukbong. Naka full volume pa naman yung tv. Rinig yung mumu HAHAHAHA tawa lang ako ng tawa sa itsura niya gulat na gulat eh. Ang gulo niya sa tabi ko. 


"AYOKO NA!" Kinapa niya yung remote sa side table at inioff. Ang putla niya tapos teary eyes na ung mga mata. Mugto na nga yun dahil sa pagiyak niya kanina. 


"Hayop ka talaga!" hinampas niya ako sa braso. Feel ko talaga bugbog na siya.


"Di ka naman kasi nanunuod yun yung magandang part eh." Tatawa-tawa kong sagot. 


"Wahhh di mawala sa isipan ko yung mukha shit. I hate you!" humiga siya at nagtalukbong ng kumot. 


"HAHAHA share share lang." 


"Gago ka!" 


Humiga nalang din ako. Since nakapatay na din naman yung ilaw at tanging yung ilaw ng lampshade lang ang nagpapa liwanag ng kwarto. 


"Tulog na tayo 1 AM na din." Sabi ko at inayos yung kumot. Di siya sumagot kaya akala ko nakatulog na. Tumalikod ako sa kanya at pumikit. Ilang segundo lang nakaramdam ako ng may sumisiksik sa likod ko. 


"Li just sleep." 


"Kasalanan mo to eh." Narinig kong humihikbi siya. Hala umiiiyak. No choice ako kundi harapin siya kaso nakatago parin sa kumot. Naman kasi naghahamon ng horror di naman kaya. Sinundan ko siya sa ilalim ng kumot. Nakita kong nakapikit lang siya at may luha sa gilid ng mga mata. Ang cute parin. Hays di ko na talaga alam nangyayari sakin.


"Hey it's okay sorry na." I called out. Di siya sumagot at sumiksik lang sakin. Feeling guilty kaya iadjusted her position para mas comfortable. Hinayaan ko siyang umunan sa braso ko kahit alam kong mangangalay nanaman ako bukas. I spoon her na parang bata. Sinusuklay ko yung buhok niya gamit ng mga daliri ko ng malumanay. Naramdaman kong nagstable na yung breathing niya. Natakot yata ng sobra. 


"Okay ka na?" Tanong ko. Naramdaman kong tumango siya. "Then you can let go-" 


"Ayoko natatakot ako." 


"Di naman yun totoo eh." Pagrarason ko. 


"Kahit na." 


Napabuntong hininga nalang ako. Binaba ko yung kumot samin hanggang leeg niya. 


"Fine." Kahit parang nagdudrums na yung puso ko sa lapit namin. 


"Eve." 


"What? Matulog ka na." 


"Are you nervous?" Taka niyang tanong. Shet nakikinig pala siya.


"No." Pagdadahilan ko.


"Hmm then-" 


"Matutulog ka o lalagyan ko ng unan pagitan natin?" 


"Psh sungit." 


"Just sleep Li." 


"Fine." I continued to ran my hand on her hair. Di kalaunan ay naramdaman kong relax na siya. Sinilip ko at mukang tulog na nga. Somehow habang nakatitig ako sa natutulog na mukha niya mayiba akong nararamdaman. This is bad. I know hindi to maganda. The more na nagkakalapit kami mas nahuhukay pa yung nararamdaman ko. 


I admit I have a crush on her pero ang mas lumalim pa diyan ay isang malaking dud na alam kong ako lang ang masasaktan. Is it okay to stay? Knowing na mahuhulog ako? Knowing na wala namang sasalo? Di ko alam. Basta deep inside ngayon ay masaya ako. Disgusting to think na parang tinetake advantage ko siya. Kahit maypagkamaldita siya, Lilith is a genuine person. 


I hope I'll find a way para mawala yung attraction ko sayo. Dahil sa totoo lang, I want a Lilith Veron to stay in my life.


...


Author's Note:

I am updating as much as I can habang active pa utak ko para sa story na to. Dahil hell week nanaman next week.



Continue Reading

You'll Also Like

410K 16.3K 36
Student x Student Siguro nga pinagtagpo lang kami ngunit hindi itinadhana para sa isa't-isa. Pinagtagpo kami para lang hindi magkatuluyan sa huli. O...
24.3K 1.1K 37
Arabella, one of the most highest paid assasins in asia. A girl who's always been inivisible. A girl who was trained not to be visible, found herself...
77.4K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
63.1K 2.8K 54
Goddess Series #1: Athena Celestine Sinclaire What if you cross paths with the person who stole your first kiss? And what if you discover that the pe...