Tutulo, Tutula, Titila

By Azclar

285K 5.3K 742

Watty Awards 2019 Winner in Poetry Isang daang tula tungkol sa sakit, hirap, takot, galit, pighati, pagsubok... More

Tutulo
Paano Hahabulin ang Hindi Akin?
Pangungulila
Ikatlong Palapag
Kabiguan
Hindi Sana
Ang Iyong Sundalo
Parang Kahapon Lang
Imahinasyon
Siya na May Dalawang Mukha
Ikalawang Palapag
Sa Lihim
Siya
Sa Taong Pinakawalan Ko
Ikaw at Ako
Ang Ibigin Ka
Unang Palapag
Isang Beses sa Asul na Buwan
Hahayaan na Lamang
Grotesque
Tatlong Taon
Ako ang Pinili
Paano?
Paghanga
Liham
Sawa Kana
Unang Pag-ibig
Kung Oras ay Maibabalik
Ang Pagtingin na Hindi Nakikita
Walang Sagot
Paulit-ulit
Paano na Ito?
Karagatan
Mahal, Pakiusap
Ang Limutin Ka
Hindi Pinili
Kaibigan Lang
Tayo Parin Ba?
Likha
Ikaw Parin
Umaasang Babalik Ka Pa
Buhay at Kamatayan
Napagod Ka
Isang Araw
Unang Pagsuko
Heto
Aasa Ako Sa'yo
Kung Hindi na Mahal
Alas Dose
Alak at Pag-ibig
Sa Isang Gilid
Ang Multo ng Kahapon
Ang Tingin sa Akin
Kahit Ano, Kahit Gaano
Panghihinayang
Ang Ating Pasya
Sa Sarili na Lamang
Balkonahe
Ambon
Isang Oras
Dahil Mahal Ka
Patawad
Hibang
Mahal Kita
Bahagi
Ang Pag-ibig Natin
Pagbawi
Siguro
Hindi Ako
Wala Naman
Wala Kang Alam
Wala
Ayaw Ko Na
Taloy
Hanggang Diyan Ka Nalang
Pinipili
N
Hindi Ko Na Alam
Sana
Hindi Kaya
Mundo
Hindi na Ikaw
Lamat
Hindi
Plaza
Dapitan
Hindi Ako
Ang Babae
Takot
Hindi Ka Akin
Pebrero Bente
Sakit
Ang Ika'y Pakawalan
Kapalit
Bakit
Palipas-Oras
Daungan
Anyaya
Titila

Manyika

157 10 2
By Azclar

Namulat ako sa mundong mapanghusga-
Mundong isang maling galaw ikakapahamak,
Lahat ng bigat, sa balikat kinakarga,
At dahil maraming nakaasa, ayaw na pumalpak.

Kung may isang bagay na nais makamit-
Para sa sarili, sa bahaging sakim-
Ito ay ang maunawaan-maintindihan,
Ito ay ang may mag-isip bago magsalita.

Dahil mas mapanganib ang lumalabas sa bibig,
Kumpara sa mga bagay na humahampas sa balat,
At mas makapangyarihan ang pag-ibig,
Sapagkat ito ang pangunahing panulak.

Nakita parin kita, sa kabila ng lahat-
Nakita kita at nagkaroon ako ng kakaibang lakas,
Umasa akong ikaw ang magiging simula-
Sa pag-iiba ng buhay kong nakalista.

At nag-umpisa akong lumihis-
Lumiko sa mga bagay na kanilang iginuhit,
Ang makaramdam ng araw-araw na pagbabago-
Sa programang paulit-ulit kong sinusunod.

Sa unang pagkakataon, hindi natakot;
Hindi ako nagdalawang-isip na magkamali-
Kung ikaw naman ang kapalit, hindi mapapagod;
Hindi ako magsasawang umulit muli.

Aaminin kong pabaya ang gano'ng pag-iisip,
Subalit ayaw ko nang mag-isip;
Kakaiba ka sa pinaniwalaan kong pag-ibig,
Pagkat hindi makasarili, mapilit, at ganid.

Ngunit hindi puro saya ang masusunod,
Dahil lahat ng bagay ay may katumbas;
Natanto ko ito nang ilayo ka nila sa akin,
At wala akong nagawa kun'di ang mapaluhod.

Ang makiusap na huwag kang sasaktan,
Ang magmakaawa na ikaw ay pakawalan,
Ang magdasal na sana'y maayos ang iyong kalagayan,
At higit sa lahat, ang muling umayon sa kanilang kagustuhan.

Sa ikalawang pagkakataon, ako'y namulat-
Namulat na walang pantay sa pag-ibig at digmaan,
Dahil kung mayroon, hindi ko papasanin pati na ang bigat ng iyong pagkawala,
Kung mayroon, hindi sana ako isang hamak na manyika.



063
Manyika
08/06/21
Azclar

Continue Reading

You'll Also Like

569 67 70
Ito ay mga tula na patungkol sa mga araw ng paunti-unting pagbitiw. Muli mong kikilalanin ang sarili sa hulíng sandali, gayundin ang inialay mong pag...
199K 6.9K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
1.4K 77 45
[COMPLETED] Unsent and Untold.
211K 751 45
❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie