Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 12

5.3K 243 34
By Azshura

Naglalakad ako sa hallway nung biglang may tumawag sakin mula sa likod. Agad akong napatigil at lumingon. Si ate Dan pala.


"Deeeems~" Bungad niya sakin na mukhang sayang-saya. 


"Oh bakit? San ka galing? para kang tumakbo ng ilang kilometro." Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Pawisan si madam. Nga pala this is Dannica Felipe isa ko pang klasmate. Maliban kay Riyn sa kanya lang ako comfortable. Ewan same vibes eh. Siya din yung pinagselosan ni Li last time sa NBS. Transferee si ate Dan mas matanda siya sakin ng tatlong taon. Kalog din to sarap kasama daming trip eh.


"Tara sa USG volunteer." 


"Hala dating gawi?" Napangiti ako sa sinabi niya. Sarap kaya mag volunteer. May pa free foods.


"Oo lika sulat natin pangalan mo." Hinila na niya ako papunta ng student government office. Since kilala na din namin yung ilang mga tao dito madali lang namin nasulat yung mga kailangan. Saktong andito din pala si Adam para magpalista.


"Uy Dems." Bati niya. Gwapo padin ng nilalang na 'to. 


"Hi Ads magvovolunteer ka?" 


"Oo since wala naman akong ibang sasalihan maliban sa basketball. Kayo ba?" Dinako niya ang tinging sa kasama ko. Oo nga pala andito pa si ate Dan.


"Yeah wala naman kaming sasalihan tsaka kailangan ng complete attendance kaya why not?" Sagot niya naman at nagkabit balikat. 


"Sabagay yun din naman habol ko." Natatawa niyang sagot. "Nga pala Dems salamat sa paguwi kay Lili last friday ah." Oh now that he mentioned that.


"No problem kahit mabigat gf mo at sakit sa ulo." Sabay buntong hininga ko. Naramdaman ko naman ang pagtatakang tingin mula kay ate. Narinig ko lang tumawa si Ads sa reaction ko.


"Let me guess ginawa kang unan no? Pagpasensyahan mo na ganun talaga yun malasing ang clingy pero cute niya diba." Ngiti-ngiti niyang sabi na parang kinikilig pa na inaalala si Li. Jusko.


"Cute na parang ewan." Walang gana kong sagot kaya maslalo siyang natawa.


"It's good to see na magkaibigan na kayo." 


"Hirap niya parin kausapin. Di lilipas oras ng hindi aandar kaartehan o kamalditahan niya." Pagbubuntong hininga ko. Naalala ko tuloy yung nangyari nung Monday. Gusto yata bilhin buong infinitea sa dami ng binili kesyo di niya alam anong gusto ko kasi sabi ko kahit ano. Ending sumakit tiyan ko sa pinaghalo-halong milktea na ininom ko. Para kaming nag milktea mukbang. Sayang din naman kasi. Binigay ko na nga lang din sa roommates ko yung ilan. 


"That's actually makes her different and it's really admiring na kahit ganun may good and soft side siya." The way ng pagkakasabi niya malalaman mo talagang in love na in love sa jowa niya. Edi wow sila na. 


"Tsk. Oo na sabi mo eh. Mauna na kami Ads." Pagpapaalam ko. Ayoko na makarinig ng kung ano man tungkol sa babaeng yun mas lalong nagiging complicated utak ko. Alam ko naman na may physical attraction ako sa kanya pero don't want to entertain it baka lumalim pa.


"Okay sige ingat kayo kitakits later." Pumasok na siya sa loob. Nung wala na siya nakaramdam ako ng pagakbay.


"Ehem may hindi ka sinasabi sakin ah." makahulugan niyang ngiti. Heto nanaman tayo sa story telling time. 


"Tara sa woods kukwento ko." 



...



"Ohh so are you saying na yung tinuturing mong mortal enemy ay friend mo na ngayon? Aba ay di ka ba naman marupok." Natatawa niyang usal matapos kong sabihin ang lahat ng nangyari. 


"Ewan narealize ko lang na di naman pala siya ganun kasama. Sadyang spoiled lang talaga." 


"Hmm yun ba yung nagkita tayo sa national book store? Yung time na feeling ko talaga may papatay sakin paghindi ako aalis." Sabay yakap niya sa sarili na parang kinikilabutan. Talim nga naman ng tingin ni Li nun.


"Oo akalain mo yun buhay ka pa." Pagbibiro ko at tumawa din siya. See same vibes.


"Akala ko talaga matutuluyan nako dun eh. Salamat sa pagdefend ah isa kang tunay na kaibigan." Pagdadrama niya. Tuluyan na akong natawa. 


"Libre mo na ko niyan?" Pagbabakasakali ko.


"Hindi wala ako pera next time libre kita ice cream kay manong." 


"Uutangin mo lang yan eh." 


"Parang gago to pwede ba yun dito?" 


"So uutangin mo nga kung pwede." Iba din to si ate. Tumawa lang siya at di sumagot. Nagkwentuhan na lang kami hanggang sa nagbell. Opo may klase pa ako panglast sub.


"Te mauna na ako kita nalang tayo sa office mamaya." Sinuot ko na ulit yung backpack ko. 


"Huwag mo na nga ako tawaging ate masyadong nakakatanda." Pagrereklamo niya. 


"Matanda ka na din naman talaga." 


"Hoy grabe ka sakin. Dan o Dani nalang kasi." Pagpupumilit niya. Natawa ako kasi mukha siyang bata nanghihingi ng candy. Maganda si ate Dan mala Mika Salamanca ang beauty. Naging crush ko din to dati kaso narealize ko mas maganda kung tropa nalang kami. She's straight too.


"Fine mauna na ako Dandan." 


"Yey ingat ka kitakits mamaya." 


...



Pumasok nako sa room. Kokonti palang ang andito wala pa din naman si sir. Umupo ako sa bandang unahan sa tabi ng bintana. Naalala kong magkakaroon ng oral recitation kaya nagsimula na akong magbasa ng notes. 



"Eveeee" Isang pamilyar na boses ang biglang bumulabog sakin. Wala namang ibang tumatawag sakin ng Eve dito. Tumabi siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.


"Anong ginagawa mo dito?" Takang tinignan ko siya. 


"Resched akalain mo yun magkaklase tayo." Ngiti-ngiti pa siya na parang sayang-saya sa nalaman. Jusko naman kalma heart. Same effect parin yung ngiti niya. Kailan ba ako masasanay dito.


"Bakit sa tabi ko? Doon ka sa squad mo tumabi." Pagsusungit ko. Magaaral ako eh.


"Ayoko di ako nakakapagaral ng maayos pagsila katabi ko." Pagrereklamo niya. Ako naman ang di makakapagaral ng maayos kung dito ka. Nako naman talaga Lilith.


"Nagaaral ka ba?" taas kilay kong pangiinis. 


"Tsk I told you I take my study to heart." 


"Baka I take my major subjects to heart ibig mo sabihin." Pagkokorek ko. Di nga kasi to nakikiniga sa ibang minor subs. 


"Panira ka talaga Eve." Hinampas niya ko sa braso. Di naman siya mapanakit niyan.


"Mas panira ka. Nagaral ka na ba? May oral recitation ngayon." Pagpapaalala ko. 


"Ay ibang oral alam ko eh." Sagot niya na parang wala lang. Kumunot naman noo ko sa sinabi niya. Anong oral?


"Anong oral ba alam mo?" 


"Alam mo yun yung oral na masarap." Ngumiti siya ng nakakaloko. Hayup! doon ko lang na realize ibig niyang sabihin.


"Ang bastos mo! Umalis ka na nga." Tinaboy ko siya palayo. Gagong babae to nakakalimotan ko na talagang may pagka bastos pala siya. Kay gandang tao pero malibog din utak eh kaya di ako makapaniwalang virgin kasi iba tabas ng dila. 


"Uy nagets niya." Sabay tusok-tusok sa tagiliran ko. Pinanlisikan ko siya ng tingin. 


"I'm just kidding Eve. Eto naman bilis mapikon. Papaturo ako sayo. You're good with explaining things mas may natututunan ako." Pangbobola niya. Kanina lang ginagago niya ako ngayon- hayst ewan ko talaga. 


"Sige sa isang kondisyon." Humarap ako sa kanya ng maayos. Ngumiti naman siya ng interisado.


"What? Anything." 


"Hindi ka tatabi sakin permanently." 


"ehhh ayaw gusto kita katabiiii." Pagrereklamo niya na parang bata.


"Edi no tutoring. Easy ako kausap madam Li." Kibit balikat kong sabi at binalik na ang tingin sa three pages na xerox copy dun sa iooral namin. 


"Iba nalang kasi. Ayaw mo nun you are helping a friend out. I won't cheat I can actually learn the lesson. Won't you like that?" Nakapout niyang tingin sakin. Puppy eyes pa. Mukha siyang rabbit talaga. Yung si snowball. Napaisip naman ako. Sabagay dagdag points ko na din siguro sa langit yun.


"Alam mo ginawa mo na talaga akong tutor slash alalay slash maid no. Matuto ka magpasweldo ha." Pagrereklamo ko. Imbis mainis ngumiti pa siya sa sinabi ko. Yung ngiting alam mong may pinaplano. Kung di lang talaga maganda ngiti nito eh.


"Actually I was thinking about that." 


"About what?" 


"Hiring you as my cook and tutor? No worries sa money." ngiti-ngiti niyang usal. Kung anime character pa to nagtwitwinkle na mga mata niya. She mentioned money hmm tempting.


"Magkano ba?" Natawa siya sa tanong ko. Yeah I am taking it. Sinong hihindi no?


"Hmm overall thirty?" Muntik na akong ma bilaukan sa laway ko. Putanginang mayaman to. Nageexpect ako ng ten below tapos thirty?! 


"Hoi di ka ba lugi niyan?" 


"Hmm nope that's an average wage ng mga katulong namin." Edi sila na mayaman. Malaki pa sahod nila kesa sa ilang government workers. 


"Wow naman sure ka diyan?" 


"Oo nga I talked to mom about it on the phone she don't have any problem naman. Ano? game? pwede ka din dun sa condo ko para may kasama naman ako. Ang boring ng ako lang magisa." Nakapout niyang sabi. Nagpacute pa.


"Di nga ang laki naman nun." 


"It's okay so ano na? Agree ka na." 


"Kakausapin ko muna sila mama." Ayokong magdesisyon na di nila alam. Bigla pa naman yun sumusulpot para bisitahin ako. 


"Good! So ano na turuan mo na ako." Excited niyang sabi.


Hay naku naman bakit ang weak ko talaga pagdating sa babaeng to.


...


Natapos ang klase at masaya akong tumayo bago isukbit yung bag ko. Tumingin ako sa katabi kong ngiting-ngit. Parang ewan lang. Nakasagot kasi siya kanina. History class nga pala ang klase namin ngayon. Akalain mo yun confident na confident siyang sumagot kay sir. Nakakaproud din naman pag ikaw yung nagturo.


"Huy di ka pa uuwi?" Kalabit ko sa kanya.


"uhm may praktis kami ng cheerdance eh." Bigla siyang sumimangot.


"Luh ay oo nga pala nakalimutan kong dancerist ka pero bakit ka nakabusangot diyan?" Tumayo na din siya at sinuot sa balikat niya.


"Tinatamad ako." 


"Prang tanga to sige mauna na ako. May gagawin pa ako." Akmang aalis na ako nung pinigilan niya ako habang naka pout. Panay pacute niya sakin ha.


"Saan? Sama ako." 


"May praktis ka diba? Tsaka mag vovolunteer lang ako." 


"Sa USG?" 


"Yes?" 


"Magkasama kayo ni Ads?" Kumunot noo ko sa tanong niya.


"Hwag kang magalala wala akong pagnanasa sa boyfriend mo." I deadpan. Naka pagisipan pa ako ng masama. Naalala ko tuloy yung naginuman kami. Kulang nalang patayin ako sa tingin.


"Eh di nga magkasama kayo?" 


"Oo nga kulit neto." 


"Sasama-" Di na niya natapos sasabihin niya dahil lumapit samin sina Max, Ash at Steph.


"Hey girl sabay na tayo. May praktis din kami." aya ni Max sa kanya. Napadako naman atensyon nila sakin nung mapansin nila ako.


"Hi Dems." Cool na bati sakin ni Ash.


"Hello. Maiwan ko na muna kayo may gagawin pa ako eh. Sige Li." Ngiti ko at tinapik siya bago umalis na ng room. Ayoko pa magtagal baka sumama pa yun. Di ko alam bakit panay buntot sakin ni Lilith o guni-guni ko lang ba yun? 


Ewan bahala na. Pinilit ko nalang kalimutan yung tao at nagtungo sa Office. Sakto namang andun si Dani may hawak na gunting.


"Uy Dems saktong-sakto tara gawa ng logo." Agad niya akong hinila sa loob. Binaba ko nalang yung bag so sa gilid kasama ng sa ilang volunteers. Gumagawa sila ng design para sa stage. Bumati ako sa ilang mga kakilala ko na din doon.


"Ano gagawin ba?" Tanong ko sa kanya. Pinakita niya sakin ang isang diametrong bilog na logo ng school. 


"Yan?" 


"Yup pero gagawin nating 3 diameter para mas makita sa stage." 


"Tayo lang gagawa?" 


"Oo bakit di keri?" Napatingin ako sa malalaking illustration board. 


"Kaya naman game ba?" Ngumiti ako na ikinangiti niya. Kumuna na kami ng mga gamit para magsimula. Anim na illustration board din nagamit namin na pinagdikit at sinukat ng meter stick bago namin pinutol. 


Nagsimula kami ng four. Ang dami naming ginawa at yung design di madali gawin. Ilang rolyo ng double sided tape din nagamit namin. Ginuhitan muna namin ng pattern ang mismong bilog ng logo ng school. Matapos ang isang oras na walang tigil na pagsusukat at pagpuputol. Napagdesisiyunan namin na magbreak muna. Saktong dumating din si Ads.


"wow naman kayo lang gagawa niyan? Nice!" Umiinom ako ng iced coffee habang nakikinig.


"Oo baka kasi magalit si Dani." 


"Luh bakit ako?" Maang niya.


"Umaandar kaya pagka perfectionist mo kanina. Kaya ayaw mong may ibang tumulong baka di maganda magiging resulta." Natatawa kong sabi sa kanya. Oo ganito talaga si Dan ma arts pero pihikan yan. Buti nga at okay siya sakin eh.


"Ayoko na pala tumulong baka pagalitan pa ako." Umupo si Ads sa tabi namin.


"Break time niyo rin?" Tanong ni Dan.


"Yup 6:30 daw kainan mamaya. Ano oras ba kayo uuwi?" 


"Pagnatapos to." Sagot ko sabay turo dun sa ginagawa namin.


"Seven?" Panghuhula niya. Tumingin naman ako sa kasama ko.


"Seven keri?" 


"Hmm dipende pero malapit na din naman." -Dan.


"Good. Sabihan niyo lang ako kung may kailangan kayo." Ngiti ni Ads samin. Bait din naman nito. Di ko lang alam pano na hulog to dun sa spoiled na yun.


"Cool." Sagot ko nalang. Akala ko aalis na siya pero bigla siyang nagsalita ulit.


"Nga pala Dems sama ka raw." Taka naman akong napatingin sa direksyon niya. Si ate nakikinig lang samin habang umiinom ng iced coffee niya.


"Saan?"


"Susunduin ko si Lili. Sabi niya isama kita. May gagawin raw kayong project?" Kumunot naman noo ko sa tanong na yun. Wala namang binilin na project ah. Anong pakulo nanaman kaya to.


"Ano oras ba?" 


"Hmm ten matatapos praktis nila. G?" Kahit di ko alam anong trip nung isa tumango nalang ako.


"nice babalik muna ako sa art center." Tinapik ako ni ay Ads at ngumiti. Umalis na nga siya at naiwan kaming dalawa ni Dan.


"Hmm iba kutob ko dun sa new friend mo ah. Mag best friend na ba tawag diyan?" Pangiinis niya. Di na din naman kasi iba sa kanya yung gender preference ko. Alam ko yang tingin niyang makahulugan.


"Alam mo issue ka din." Napailing nalang ako.


"Luh wala namang masama sa sinabi ko ah." Natatawa niyang sabi. 


"Sus kilala kita. Tara na nga para mas maaga tayong matapos." 


...

Continue Reading

You'll Also Like

127K 5K 44
She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, m...
24.3K 1.1K 37
Arabella, one of the most highest paid assasins in asia. A girl who's always been inivisible. A girl who was trained not to be visible, found herself...
63.1K 2.8K 54
Goddess Series #1: Athena Celestine Sinclaire What if you cross paths with the person who stole your first kiss? And what if you discover that the pe...