Hello, Beginning • Oneus fanf...

נכתב על ידי clover_ann

1.3K 56 20

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Lalung-lalo na... hindi ito ang gusto nya. Sa akin sya ikinasal. Alam ko k... עוד

[ i ]
[ ii ]
[ iii ]
[ trailer ]
[ author's ]
01
02
03
04
05
[ soundtrack I ]
06
07
08
09
10
[ soundtrack II ]
11
12
13
14
15
[ soundtrack III ]
16
17
18
19
20
[ soundtrack IV ]
21
22
23
24
25
[ soundtrack V ]
26
27
28
29
30
[ soundtrack VI ]
31
32
33
34
35
[ soundtrack VII ]
[ author's ]
36
37
39
40
[ soundtrack VIII ]
41
42
43
44
45
[ soundtrack IX ]
46
47
48
49
50
[ soundtrack X ]
[ author's ]
51
52
53
54
55
[ soundtrack XI ]
56
57
58
59
60
[ official soundtrack ]
[ author's ]
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
[ plug 📢 ]
Epilogue
End
[ author's ]

38

13 0 0
נכתב על ידי clover_ann

"Salamat nga pala...dito sa pagkain."

Nilunok muna nya ang nginuyang tinapay, kalahati na ito at ang hawak ring bote ng softdrinks bago nagpasalamat sa akin. Hindi ganto ang pagkakakilala ko sa kanya.

Maganda, maarte, hindi palaimik at mukhang mayaman.

Dahil ganyan sya inalagaan ni Ravn.

Hindi katulad ngayon na para syang pinagutuman. Alam kaya ni Ravn na nagkakaganto ang babaeng to?

"Ano ba kasing...ginagawa mo sa pawnshop na iyon?" -Tinanong ko kahit medyo pribado. Ang pagkain nama'y halos mamukol sa gilid ng pisngi habang ninanamnam ito.

Tsaka ngumiti sa akin na parang tanga.

"Ano pa bang gagawin ko 'ron?"

"Tsaka, bakit gusto mong malaman?"

"..."

"Sasabihin mo kay Youngjo na para na akong patay gutom kapag wala sya, no?"

Loka-loka.

Dinuro pa nya ako ng kamay ring may hawak na bote ng inumin.

"Ibinigay ko sayo ang meryenda ko kaya sagutin mo nalang ang tanong ko." -Ako at ngiti lamang ang isinagot nya kasabay ang subo ng huling piraso. Tsaka nya ipinagpag ang mga palad at inilapag sa mesa ang hawak na inumin.

"Mayroon kasi sana akong isasangla."

"..."

"..."

"Kaso...nung nakita kita..."

"...nagbago isip ko."

Ano bang meron sa mukha ko at kung hindi nakakatawa ay nakakapagbago ng isip? Mga may sira yata ang ulo ng mga nakakaharap ko e.

"Mukha ka kasing manlilibre kaya hindi na ako tumuloy."

Hindi sya palangiti noon pa man, pero hindi ko alam na may gantong side itong si Chijoo. Palaging pabirong mga salita pero seryoso ang tono. Kung minsan ay may kahawig ang tawa at punto ng pananalita nya.

"Saan ka na pupunta pagkatapos nito? Sa Hanyang na ba?"

Ang alam ko'y sa Hanyang nga sya pumapasok dahil madalas iyong mabanggit noon ni Ravn.

"Ikaw, saan ka pupunta?"

Tinatanong ko sya pero tanong rin ang isinasagot nya sa akin. Alas dyes pa lamang ng umaga. Sa totoo lamang ay hindi sa foodcourt na ito ko balak gamitin ang paghalf day ko sa trabaho.

"Babalik ka pa ba sa Gangnam?"

Nasabi rin ba ni Ravn na sa Gangnam ako nagtuturo?

Bakit ba kasi ako nag-leave para lang dumaan sa RBW station at dalhan ng pagkain ang anghel na nagtatrabaho doon?

At ang cake na kinain ng babaeng ito ngayon...para sana yun kay Dj. Hinintay ko pa namang mai-bake iyon para lang madala sa kanya. Wala na akong madadaanang pastry shop na nagbebenta ng matcha roll!

Kung pwede ko lamang singilin kay Ravn, hehe. Joke lang, kasalanan ko naman dahil binigay ko yung cake.

"Pwede ba akong... sumama?"

"..."

"Isama mo ako sa klase."

"Introduction to Engineering ang itinuturo mo, diba?"

"Magaling akong magbasa ng Ingles, baka kailangan mo ang tulong ko sa mga foreign na libro."

H-ha?

Inaalok nya ba ako ng tulong o mukha lang talaga akong hindi marunong mag-Ingles? Tsaka bakit ba ganito ang babaeng to?

"Hindi ka pwedeng sumama."

"Practice teacher lang ako, at kung teacher man, hindi ako magsasama ng babae sa trabaho."

Ano ba namang klaseng sagot yan Lee Gunmin? Erase-erase!

"A-a-ang ibig kong sabihin..."

"...hehe, nakaenroll ka kasi sa ibang university."

Ang ibig kong sabihin, ayaw kong pag-isipan ako ng kunsino para magsama ng magandang babae at maki-seat in sa klase ko.

Pwede sana kung medyo pangit---hay sige na nga...pwede ring maganda wag lang ex-girlfriend ng kaibigan ko!

Bwisit na utak to. Ang gulo.

"P-pano? Dito ka lang ba? Paalis na rin kasi ako pabalik ng university. Pumasok ka na rin."

"Hindi matutuwa si Ravn pag nakita ka nyang pagala-gala."

Ang ekspresyon nya naman ngayon ay kabaliktaran ng kanina.

"Sige na, mauna ka na. Mahirap kumilos pag busog."

"Salamat pala ulit dito ha? Paborito ko to e."

Paborito rin yan ni Dj pero kinain mo, hehe. Wala na tuloy akong madadala sa station. Sa fastfood ang bagsak ko nito.

"M-mauna na ako."

Kinuha ko sa inupuang silya ang messenger bag at isinukbit iyon sa aking katawan. Bago tumayo ay sumimsim pa akong huli sa salted caramel.

Hindi ko na sya tiningnan sa mata pero alam kong sa akin parin sya nakatingin. Dahil ganito syang makisama sa akin ay nagiging conscious tuloy ako sa mga ikinikilos ko. Na hindi naman dapat.

"Seoho-ya."

"H-ha?"

Mabilis rin akong nakatugon nang pangalan ko naman ang tawagin nya ilang hakbang bago sana ako lumakad palayo.

"Eto. Kunin mo."

Mahina nyang pinitik ang isang maliit na royal blue glittered na string bag. Mabuti na lamang ay hindi iyon nahulog sa mesa.

"..."

Ano naman kaya yon?

"Kunin mo."

Ngayon nama'y inuutusan nya ako. Sa dami ng maihahawa sa kanya ni Ravn, iyon pa yatang pagiging palautos ang nakuha nya.

"Hiram lang iyan, ha?"

Ano ba to?

Pera?

Ayaw na ayaw ko pa namang magkakautang. Lalo na sa babae. Depende sa halaga ha. Depende rin sa usap. Depende sa pangangailangan.

Hehe.

"Bayad ko iyan sa matcha cake."

"At sa americano na rin."

Bayad pero babawiin nya? E kung ipasuka ko rin kaya sa kanya yung kinain nya? Kutusan ko na 'to e.

"Ibalik mo sa akin yan kapag yayayain mo na ako ulit kumain ha?"

Aba't---

"Wag ka mag-alala..."

"...lahat ng pagkaing ibinibigay mo, kinakain ko."

Kim Youngjo---aba't---umaasa pa pala syang may kasunod pa ang pagkaing to? Naku naku Lee Seoho, ha? Modus to. Modus.

"A-ayoko. Hindi ko ito kukunin---"

"---Kapag hindi mo yan kinuha, iiwanan ko yan dito. Hindi ka ba makukonsensya? Galing pa naman yan sa pinakamamahal kong tao."

Makulit ka talaga ha.

Sige, Seoho.

Kunin mo nang matapos na.

Kunin mo at itago kunsaan man at lumayas layas ka na, nasasayang ang oras mo.

"Kukunin ko ito. Pero hindi kita aayain kumain kelan man---hindi---ang ibig kong sabihin...pwedeng alukin kita ng pagkain---o-o...bigyan. Pero hindi aayain."

"Kunin mo nalang 'to sa akin kung kailan mo gusto. Alis na ako."

Hakbang hakbang ng malalaki ang lalakeng bulol. Para kang tanga, bakit ka ba ganyan? Di ka naman tongue-tied pero bat ganyan ka makipag-usap, Seoho? Utak mo ang tongue-tied.

Hay.

Malala na tong ka-torpehan ko.

Teka---bakit ka matotorpe? E wala lang naman yung kausap mo?! Tsaka... asan ko ba ipinarada yung motor na yun?

Hindi na ako lumingon pa pabalik sa pinagkainan namin. Kung lumabas sya kasunod ko, hindi ko na nakita pa. Wala naman kami halos pinag-usapan pero natataranta nanaman ako.

Bakit ba kasi...

Ganito ako kapag babae ang kaharap?

Ganito ako noon pa.

Lumuwag ang string ng bag na galing kay Chijoo nang bara-bara ko iyong inilagay sa Ubox. Sumilip naman mula sa loob noon ang isa pang maliit na kahon.

Isang pamilyar na pulang kahon na may kulay gintong laso.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Pamilyar dahil ako mismo ang bumili at nagbuhol ng tatlong pretzel knots na iyon.

Mabilis ko iyong binuklat. At hindi ako nagkakamali dahil naroon ang bracelet na ibinigay ko kay Dj Kao.

Bakit nasa kanya ito?!

Hindi na ako nag-abalang isara ang Ubox at nagmadaling tumakbo pabalik sa food court kung saan ko sya iniwan.

Pagkatawid sa kalsada ay tanaw ko kaagad ang bangkong inukupa namin.

Luminga pa ako sa paligid pero talagang wala na sya roon.

At kung naroon man sya ay hindi ko rin alam ang sasabihin at dapat ikilos sa harap nya. Ni hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang utak ko.

Pumasok na ito noon sa isip ko noon.

Pero hindi ko inisip na posible.

Ayaw ko na rin sanang isipin pero...

...si DJ Kao ang taong kaboses ni Chijoo.

At mahal na mahal sya ni Ravn.

Ayaw ko ring isipin pero nasa Ubox ang mga cards at susi ng locker at apartment ko!

Bilis!

Napakabobo mo talaga, Lee Seoho!

🍀

המשך קריאה

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
925K 31.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!