Mahinang tumawa ito at pinisil ako sa cheek.

" May kilala ka bang Arienne din ang pangalan.?" Napatanong ako. Aba! Kailangan kong malaman yun noh. Wala akong kilalang Arienne na naging kaibigan niya..o baka naman? " Ex mo siguro yun noh?" Wala sa sariling tanong ko.

Humagalpak ito sa tawa..Sinamaan ko siya ng tingin. Ano naman kayang nakakatawa? Nakakainis.

" Your so cute when your jealous." Sabay tawa nito.

Umirap ako sa kanya. So ex nga niya talaga yun? Bat parang nainis naman ako dun?

" She's not my ex. She's Geo's ex." Sagot nito nang makita ang busangot ko.

Bigla akong napatingin sa kanya, hindi dahil sa sinabi niyang hindi niya ex ang Arienne na yun kundi sa sinabi niyang ex ito ni Geo. Di makapaniwalang tumingin ako kay Cray na ngayon ay natatawang nakatingin sa akin.

" Talaga?" Tanong ko

Tumango ito.." Kaya dont be jealous-"

" Talagang ex ni Geo yun? Talagang talaga?" Mangha pa ring tanong ko.

Nakita ko ang pagsimangot nito.

" I thought naging ganun ang reaksyon mo dahil nalaman mong hindi ko yun ex, di pala, ganun ang reaksyon mo dahil nalaman mong ex iyon ni Geo. Sa totoo lang, Gabbie? Parang mas gusto mo si Geo kesa sa akin ah." Nakapout na sabi nito.

Jusko. nagdrama na naman si Koya.. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

" Syempre mas mahal kita. Pakakasalan ba naman kita kung hindi, diba? Tsaka nagtaka lang ako na may ex din pala ang lokong iyon. Yun lang yun noh." Malambing na sabi ko at hinahaplos haplos ko pa ang braso nito.

Tinitigan niya ako at kapagkuwan ay ngumiti.

" Talaga?" Ngiting sabi nito.." Mahal mo ako? Talagang talaga?" Ginaya pa niya ang boses ko kanina.

Napatawa ako. Basta sabihin kong mahal ko siya, ngingiti yan ng wagas. Hanggang ngayon selos pa rin siya kay Geo eh.

" Sorry kung lagi akong busy this past few days." Sabi nito nang nasa hapag kami.." Di bale, next week, magbabakasyon tayo."

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon