Sakanya siguro ako nagmana sa pagiging bipolar.

"Pasok ka," pag-uulit ni Mommy.

Narinig ko na ang yabag na paparating sa kusina. Napakagat labi ako at huminga ng malalim.

"Jess yung phone mo." Tumayo ako at hinarap ang nagsalita.

He's wearing a plain T-shirt and khaki short. Kahit pambahay ang suot niya napaka presentable parin ng postura niya.

'Paka pogi ng nilalang na'to.

"Thank you," nag aalangan kong sabi. Kinuha ko sa kamay niya ang cell phone ko. I felt his smooth hand that gives me the chills. Nilagpasan ni Mommy kaming dalawa at bumalik sa puwesto niya.

Maarte siyang umupo saka inilagay ang dalawang siko sa lamesa at ipinagsiklop ang mga kamay na animo'y nanalangin.

"Sige po mauna—·" Nilamon ni Mommy ang sinasabi ni Grey na sa tingin ko ay magpapaalam na sanang umuwi.

"Why don't you join us?” makahulugan niyang tanong sa bisita. Nagmumukha parin siyang Donya sa posisyon niya.

Tiningnan ako ni Grey na parang humihingi ng saklolo. Umiwas ako ng tingin dahil wala akong magagawa. Sigurado ako na kapag makita ni Mommy na na pe-pressure kaming dalawa ay baka pag-isipan kami ng kung anu-ano.

"Hin—·” Muling nagsalita si Mommy kaya hindi naituloy ni Grey ang sasabihin.

Napaupo nalang ako sa ginagawa ng aking ina.

"K-A-I-N  K-A," she said very slowly parang ipinapaintindi niya ang ibig sabihin ng bawat letra.

"Uhmm..." Grey mutters as he hesitantly sits beside me uncomfortably. Sa puwesto siya ni Dad umupo. I missed my Dad.

"Kukuha lang ako ng plato mo," paalam ni Mommy sa’min.

Pagkatalikod ni Mommy sabay kaming nagkatinginan ni Grey.

Muli akong nakaramdam ng kakaiba dulot ng kanyang mga titig. Nag-iinit narin ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Dapat kasi ipinagpabukas mo na lang," sobrang hina kong sabi sakanya para hindi marinig ni Mommy.

"Naisip ko na 'yun... kaso, maybe kailanganin mo kasi," mahina 'ring sabi niya.

So he cares?

"Hmm... masakit pa ba yung mga pasa mo?" Sinuri ko ang kanyang mukha.

Gwapo parin naman.

"Hindi na... yung left arm ko lang ang medyo masakit ," umarte pa siya na nasasaktan.

Wow paawa effect lang?

"Pahilot naman oh..." Nag papaawa niyang sabi. Inilahad na niya ang kanang braso niya sa'kin.

" ‘nak nang... sira kaba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Parehas kaming natahimik nang bumalik na si Mommy na may hawak na plato at kubyertos.

Inilapag niya ang mga iyon sa harap ni Grey. Grey thanked my mom.

"So... ikaw ang naghatid sa kaniya" Nilingon ako ni Mommy

"Kaya niya naiwan yung phone niya sa kotse mo?" Bumalik muli ang tingin niya sa tinatanong.

"Opo," nakangiting sagot ni Grey.

Sumandok na rin siya ng kanin at kumuha ng ulam na parang komportable na siya.

Ilang minuto palang feel at home na agad.

"Okay...," makahulugang sabi ni Mommy. Tumangu-tango siya at sumubo.

"Kain ka lang 'wag kang mahiya," pahabol pa ng aking ina.

Binalingan ko ng tingin ang aking katabi. Napatunganga ako ng sumubo na siya sa pinakaunang beses.

Ala - commercial ang dating ng magsimula siyang ngumuya, dahan-dahan siya kung kumagat. So gentle.

Napalunok ako ng laway ng bumukol ang adams apple niya sa leeg at nilunok niya ang nginuya. So hot!

"Kumain ka na Jess," utos ni Mommy sa nakakalokong tinig.

Hiyang-hiya akong ibinalik ang tuon sa pagkain.

Pagkatapos kumain kaagad kong pinalayas si Grey sa pamamahay ko. Agad din akong nagkulong sa kwarto upang makatakas sa mga katanungang maaring ihampas ni Mommy sa'kin.

I locked the door when I got inside of my room. Kabubukas ko lang ng phone ko at nag vibrate ito.

Napapangiti ako habang paulit-ulit na binabasa ang mensaheng kapapadala lamang.

Grey:

Thanks for the dinner. Good night, see you tomorrow.

A soft smile lifted on the side of my lip and hugged my phone unconsciously.

Good night!

***

Follow/Vote

May everyone have the courage to embrace Goddess Clementia. I know it is situational, some things may be hard to forget and may cause severe damage to us but forgiving someone doesn't always need to be voiced out. You can forgive them in silence for the sake of your sanity and have a fresh start.

If you need someone to talk to, you can reach out to me,okay? I'll do my best to respond asap and tackle whatever rants you have.🤗
                           

The Parallel Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora