CHAPTER 20

42 10 42
                                        

JESS


“Mga batang ‘to ang iingay niyo, pumasok kayo sa room!” Hiyaw ng guro na hindi ko ikinasindak. Mas nakapangingilabot ang nilalang sa harapan ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na puno ng disgusto ang itsura. Poot at galit ang masisilayan sa kaniyang mga matang nag-aalab.

Binaba ko ang tingin sa mga sapatos ko para iwasan ang matalas niyang mata. Rinig ko ang mga ingay ng estudyante na pumapasok na sa silid aralan marahil natatakot sa guro habang kaming dalawa ay nanatili sa labas ng silid. Isang mayabong na tanim lang ang nakaharang sa amin kaya't hindi kami gaanong napapansin ng guro mula sa loob.

Nanginig ang kamay ko ng makitang nagtama ang sapatos niya sa makinang na black shoes ko. Nilapitan niya pa ako ng maigi. Kinurot-kurot ko ang mga sariling palad at itinikom ang bibig para kalmahin ang sarili.

Ayaw niya na ba sa'kin? Masyado bang malaki ang nagawa kong kasalanan? Wala na akong kakampi?

Ang ideyang kamuhian ako ng nag-iisang taong ipinagtatanggol ako sa paaralan ay nakapanlulumo. Kailangan ko siya.

“Y-you…l-lied,” her voice cracked.

I didn’t invest an energy to look at her. I don’t want to see her crying. I can't take it that I did this to her. Iyon nalang ang hiniling niya sa akin hindi ko pa nagawa. Napakaliit na pabor hindi ko man lang naibigay.

“I hate you so bad, Jess.  You're like a brother to me but you…you didn’t even trust me.” She almost whispered. We were kids but her words were like a stone that has been carved in decades.

Nanatili akong nakayuko dahil anumang oras ramdam kong raragasa ang luha sa mga mata ko.

I felt her two heavy hands gripping my shoulders. I kept my feet on the ground to maintain my balance. I can hear our intense breathing.

She then pushed me so hard that I smacked on the ground. I felt nothing physically, I was numb. The clenching of my heart is all I can sense.

She towered over me. I saw how furious she was. Just by glaring at me I know she wanted me to be cursed or even die. “You are nothing but a liar. A fucking homo and a user. You're a liar, you'll go to hell faggot!”

“Get in the classroom!” The teacher shouted again. Hindi ko pinansin kung kami ba ang sinigawan niya.

I met her eyes once more and it hasn’t changed since the moment she figured out what I did.

I wanted to explain myself and regain what we have…her trust, and our friendship.

Isang matinik na titig muli ang ibinigay niya bago siya nawala sa paningin ko. Pumasok siya sa silid at naiwan akong nakasalampak sa lupa.

Ang mga buong likido sa mata ko ay tuluyang napisa na kumawala at nag-unahan sa pagdausdos sa nanginginig kong pisngi.

Tumingala ako at doon ko napansin ang madilim na kaitaasan. Ang asul na langit ay nababalot ng madilim na ulap. Para bang sinasabayan ang poot sa dibdib ko. Kagaya ng langit na hinayaang takpan siya, ni isang salita wala akong naibigkas para sana isalba ang sarili. May bumibikig sa lalamunan ko at puro tahimik na hikbi lang ang nagawa.

There were vessels of light snapping up in the dark sky. Alongside the thunder was a rumbling noise that matched the excruciating pain in my chest. Then I felt droplets of rain all over my exhausted being just like the grimy bored clouds that let the rain pour as they could not hold them anymore.

Right at that moment I knew that….I lost her.

Malalalim na paghinga ang kumawala matapos kong umupo mula sa pagkakahiga. Kahit pa nakabukas ang AC sa kwarto ni Grey ay namumuo ang pawis ko sa noo.

The Parallel Red StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang