CHAPTER 3

169 38 32
                                        


Warning: Topics will be tackled in this chapter may be sensitive especially to the members of the rainbow flag so please read at your own risk.

HALIE'S POV

Dumaan ako kanina sa Arpettas Village-sa bahay ni Jess. Hindi iyon kalayuan mula sa bahay, halos katabing Village lang namin iyon. Dinaanan ko ang excuse letter na ipinapasuyo niya kagabi. Si tita Christina ang nag-abot sakin 'nun, tulog pa 'raw ang kaibigan ko. Medyo sakitin talaga ang isang 'yun.

Niyakap ko ang librong hawak, kung saan naka-ipit ang excuse letter na ibibigay ko sa adviser ni Jess.

Paliko na ako papunta sa HUMSS Building nang awtomatikong huminto ang mga paa ko dahil sa nahagip ng aking tainga.

Narinig ko ang pangalan ni Jess. Galing ang usapan sa bench. Tatlong lalaki, hindi kalayuan sa'king kinatatayuan.

Dala ng kuryosidad, umupo ako sa bench kung saan malapit sa tatlong binatilyo. Pagkaupo ko, binuklat ko ang libro at nagkunwaring nagbabasa.

"It seems like.. you and the faggot Jess were close," sabi ng lalaking may hikaw sa kaliwang tainga. Inakbayan niya ang kaniyang kinakausap, habang ang isa naman na may subo na lollipop ay nakikinig lang.

Wala akong narinig na sumagot. Maya-maya nagsalita na ang may subo na lollipop.

"Alam mo Gabriel, dapat hindi ka nakikipag-kaibigan kay Jess, baka mamaya maging bakla ka rin." Kinagat niya ang lollipop at itinapon ang stick sa kung saan.

Gabriel? Ohh! I remember him. Classmate siya ni Jess, so magkakaklase sila?

Mas pinag-igihan ko ang pakikinig.

"That's never gonna happen and besides there's nothing wrong with it. We're just friends," mahinahong saad ni Gabriel.

Umusog ako palapit para mas marinig ang pinag-uusapan ng tatlong binata.

"Wala nga Gab, pero lahat ng bakla, lahat sila ang tanging habol sa lalaki ay katawan! And in fact their reputations are awful, I'm not homophobic or somethin' just to be clear," sabi ng nakahikaw na akala mo'y may ipinaglalaban. "That is just the truth," he added.

Umigting ang panga ko sa narinig, nagkikis-kisan narin ang aking mga bagang. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili, pinagkrus ko rin ang mga paa ko.

"Hindi naman siguro lahat Ken." Natatawang sabi ng isa pang bastos na hindi marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan.

Ken pala ang pangalan nang nakahikaw na mapang-akusa.

"Remember what happened at the bar last time, Peter. I almost got molested by those dirty faggots!" Disgust was evident on Ken's face as he tried to recall his experience at the bar.

I saw him trying to regain his silly aura to say something again.

"Naku Peter, pustahan pa tayo. 'Pag naging sobrang matalik na magkaibigan na 'yan sina Gabriel at Jess, yayayain nalang ni Jess si Gab ng...you know," tumawa nang malakas ang dalawa habang si Gabriel ay parang napapaisip.

"That's a grave accusation, Ken. Not all ga–·" Gabriel calmly said, but he was cut off by Ken.

"Oh wait... parang maganda yun ah!" Parang may bumbilyang tumubo sa ulo ni Ken nang may naisip siya.

Napaka isip bata niya!

Umayos ako ng upo at umusog pa hanggang sa narating ko na ang edge ng bench.

"Ang alin?" Tanong ni Peter.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now