JESS
I was able to adjust easily when I entered my class as a second-year college here in the United States.
It was easy for me as I have become stronger after all the storms I have been through.
Wala akong pakialam sa mga opinyon ng iba. I continue to give all my best in everything.
Matapang ako sa labas at sa harap ng maraming madla dahil hindi naman nila nakikita na may mga gabi parin na binabalot ako ng hinagpis.
Walang alam ang madla na sa likod ng matapang kong awra ay ang binatang parang bata kung umiyak.
Iniiyakan ang mga taong dumaplis na sa aking mga kamay. Ang mahalaga ay kaya kong umiyak sa sarili kong kwarto na walang sinuman ang makakakita.
Inilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang medyo may kalakihang karton kung saan nakalagay ang iilang importanteng gamit ni Mommy. Kagaya ng wallet, laptop at cellphone.
Ilang buwan ko na binalak na buksan ito pero hindi ko magawa.
Kinuha ko ang cellphone ni Mommy at tinakpan muli ang karton dahil ito lang naman talaga ang pakay ko. Nais ko lang kumuha ng mga kopya ng mga litrato niya at litrato namin dito.
Mabilis kong inipit sa ilalim ng unan ang cellphone ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“It's open,” tamad kong sagot.
Niluwa ng pinto ang maliit na nilalang. Naawa ako sa itsura niya na basang-basa ang mukha.
“Kuya…” pag-iyak niya saka hinawakan ang hita ko na parang gustong magpalambing.
“Get off me,” pinalis ko ang kamay niya sa hita ko pero binalik niya iyon agad. “You’re not a baby anymore, you're seven, Victoria!”
Ganito ang mga tagpo namin kadalasan sa dalawang bata na kasama ko dito sa malaking property ni uncle Roger. Sa pagkakaalam ko ay inilipat narin sa pangalan ni Dad ang property na ito dahil halos silang dalawa din naman ni uncle ang nagpapatakbo ng kompanya kaya sakanilang dalawa ang mga pananalapi.
“My Filipino classmates were bullying me,” sumbong niya na parang nagpapakampi. “I was kicked out of their group friends because I didn’t know how to speak Tagalog.”
Tinarayan ko lang siya pero hindi iyon para sakanya. Para iyon sa mga kapwa Pilipino niyang kaklase na ang pagiging talangkang utak ay dinala rito sa Amerika. At para kay Dad ang pagtataray ko ng maisip na hindi man lang niya tinuruan na magsalita ng Filipino itong mga nakakabanas niyang anak!
“What do you want?”
“Can you teach me Tagalog?”
Tumayo ako at kinaladkad siya ng marahan palabas pero bubuksan ko palang ang naka-usling pinto ay agad na pumasok si Ferdinand.
“Please, Kuya,” pinagdikit ni Ferdinand ang dalawang kamay na parang nananalangin. “ The only Tagalog word we know is ‘kuya’ because Dad told us that we should call you that.”
Kanina pa pala nakikinig ang batang ‘to sa'min sa labas ng kwarto ko. Tsismosong bata! “Okay, okay… tomorrow,” sabi ko nalang ng matapos na ang pag-iinarte ng dalawa.
Tinulak ko na sa labas si Victoria at sumunod naman si Ferdinand at siya na ang nagsara ng pintuan ko na para bang alam niyang ayaw na ayaw ko talaga silang nakikita o lumalapit sa akin.
That pained me somehow. Sanay na sila sa malamig na pakikitungo ko pero hindi man lang sila nagtatampo. Na para bang sa musmos nilang mga edad ay naiintindihan nila ang salitang ‘pang-unawa' at ‘respeto'.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
