CHAPTER 15

52 10 26
                                        


**

Sometimes you just need to take away all your fears and dive in to something you are afraid to do and see which waves that fate will let you ride.

Gawin mo para sa sarili mo hindi dahil sa ibang tao.

-fallmarl

**


JESS

Sa loob ng limang buwan na panliligaw ni Ken at Peter sa dalawa kong kaibigan parehas nilang nakamit ng sabay ang matamis na oo.

Masaya ako para sa aking mga kaibigan, sa wakas, may mga iba na silang mapagbubuntungan ng kanilang mga pang-aasar at pagkasadista.

Yun nga lang may kahati na ako sa atensyon at sa oras nila.

That’s part of growing up, everyone has their own lane in life.

Not every day you will be with the people you love as not every single damn day it's sunshine. Sometimes it’s rainy, blue and dark.

Labis ang kasiyahan ko para sa mga sisteret ko, sana lang hindi nila matikman ang bagsik ng tadhana pagdating sa pag-ibig. And I'll pray for that.

Gabriel Grey and I got even closer. Sa panay-panay na pagliligawan ng aming mga kaibigan lagi kaming kasama ni Grey para ipakita ang suporta sa kanila. Sa loob man ng campus o sa labas lagi kaming kasama.

Ang magka-karelasyon ay pumunta sa pinakamalapit na mall para magdiwang. Kakain lang daw sila at manonood ng movie.

Pinilit nila akong sumama pero mariin akong tumanggi, ayoko namang mang-agaw ng atensyon para sa munting selebrasyon nila.

Maayos kong tinanggihan ang kanilang alok. Maski si Grey ay hindi na muna sumama.

Ang hindi pagsama ni Grey kila Peter ay siyang ikinabahala ko. Muling nababagabag ang puso't isip ko sa maaring pangungulit niya sa'kin. Sa mga sinasabi niyang tila suntok sa buwan ang pagka-absurd. Hindi iyon posible.

Ang isang Gabriel Grey Gil na hinahangaan at kinababaliwan ng nakararami ay gusto ako? Ang isang tulad ko? Imposible.

Pilit kong hindi binigyan ng kahulugan ang mga pagtrato ni Grey sa akin na kakaiba. Mula sa mga titig niyang nakakalunod, sa pag-aasikaso na para akong reyna na pinag-lilingkuran, at sa mga palipad hangin niyang salita na nakakabaliw.

Minsan na siyang nagpanggap, naloko na niya ako at hindi ko hahayaan na mangyari ulit iyon. Hindi ko rin mawari kung paano niya ako nagustuhan kaya mahirap paniwalaan.

Sumidhi ang mga ganoong tirada ni Grey matapos ang pangyayaring komprontasyon niya kay Alexandra at ang pagpunta ko sa bahay nila limang buwan na ang nakakalipas. At ang maaliwalas na gabi sa Café kung saan inamin niyang may nagugustuhan siya.

Nagsimula na akong maglakad para sa mahaba-habang paglalakbay. Naisip kong maglakad pauwi para makapag ehersisyo nang sa gayon ay dumaloy ng maayos ang aking dugo na parang namalagi sa puso ko dahil sa bigat na nararamdaman.

Gabi narin uuwi si Mommy at wala naman akong importanteng gagawin sa bahay.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil gusto rin niya ako?

O dapat ba akong mangamba na isiwalat ang tunay kong nararamdaman para sakanya at sa maaring panghuhusga ng ibang tao.

Ngunit hindi rin mawawala ang posibilidad na hindi totoo ang lahat ng mga sinabi niya.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now