Warning: R-18: Still, I did try my best not to make it too sensual considering the ages of the characters in this chapter.
**
JESS
Kapansin-pansin ang hindi pag-iimik ni Yhana habang nasa harap kami ng malaking lamesa. Nagmistulang inuman ng mga kabataan ang dapat sanang birthday party ng kapatid ni Peter. Nasa mahigit dalawampung estudyante ang naririto. Ang iba ay nasa ibang lamesa habang nakaupo sa mga monoblocks. Simpleng selebrasyon lang ito at payak ang lugar.
Todo suyo naman si Peter sa kaniyang nobya sa kung anumang bagay na pinagtatalunan. Tinarayan ko si Yhana ng mapalingon siya sa akin. Nagdaan naman ang disgusto sa mukha niya at pinanlisikan din ako ng mata.
Aba at nadamay pa ako sa tampo niya! Hindi ko na lamang siya pinansin at baka matawa lang ako. Kinuha ko na ang basong kanina pa umiikot. Napangiwi ako ng mapagtantong halos mapuno iyon ng mapait na alak.
“Ano ‘to Halie bakit mo naman pinuno yung shot glass?”
“Eh pano kanina ka pa pass ng pass, hoy bading hindi ‘to pinoy henyo mag shot ka ng patas!” She retorted while grinning at me. Humalakhak ang mga kasama namin sa lamesa.
Balak siguro akong lasingin ng halie-parot na ‘to. Napabuga ako ng hangin bago sinimot ang laman ng maliit na baso. Ang pait ay dumaloy sa lalamunan ko kaya agad kong sinabayan ito ng malamig na tubig.
“Oh no, I'm fine with whatever they have at this moment. Kampante ako sa paniniwala ko. This is a puppy love Gary. Apat na taon pa ang gugugulin ni Gabriel sa kolehiyo then he will proceed to Law School and that is another four years.”
Nagsalin muli ako ng malamig na tubig ng may pait parin sa bibig ko at kumuha ng maalat na nachos para ibahin ang timpla sa loob ng bunganga.
Kung sana lang ay kaya rin pawiin ng tubig at nachos ang mapait sa utak ko.
Handa akong lunukin iyon para naman maibsan ang bigat na parang isang tanikalang sumasakal sa leeg ko.
“ You think hindi siya makakakilala ng iba? Ng babae?”
Naramdaman ko ang nanunusok na tingin ni Grey habang ginawa ko iyon. Sinipat ko siya at naabutan kong siya na ang may hawak ng shot glass. Tinusok niya muli ang mga titig sa'kin bago niya ininom ang alak.
His adams apple buckles as he swallows the liquid. His eyes slightly widened in a fraction.
“You know what I am talking about Gary, pinagdaanan natin ang mga bagay na iyan. We had exes before na akala natin sila na ang makakatuluyan pero masyadong malayo sa katotohanan.”
Parang sirang plaka na umiikot ang mga salitang narinig ko kanina kay tita Alhena. Patuloy ang pagtakbo ng bawat letra sa isipan ko at nakapanlulumo ito. Akala ko nakumbinsi ko na ang sarili na habang narito si Grey at patuloy na nagmamahal ay hindi ko aalalahanin ang kahit na anong sinabi ng mag-asawa.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
