JESS
Nakasanayan kong bawat umaga ay mayroong pagkain ang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Mga matatamis na mensaheng padala ng nobyo ko ang sasalubong kasabay ng liwanag ng araw.
Bilang lang ang mga pagkakataong sumasagot ako sa mensahe dahil takot parin akong maunahan ng galit at makapagsalita ng hindi maganda.
Ilang araw na ang nakakalipas mula ng gabing binalot kami ng kasiyahan at pagmamahalan na agad din namang binawi ng kapalaran.
Ngayon, mag-isa akong kumakain ng taimtim habang pauli-ulit na binabasa ang mga mensahe ni Grey mula sa telepono. Gusto ko man siyang kausapin na at ayusin na ang lahat pero hindi ko magawa. Hindi rin siya nagtangkang tawagan ako o puntahan at kausapin ng personal. Maliban sa mga text niya at sa paghatid ng pagkain na hindi ko alam kung siya ba mismo ang naghahatid ay hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap.
Natapos ang araw ko sa pagbabasa ng libro at kinaumagahan isang brown paper bag muli ang bumati sa akin.
Nagpatuloy ang araw ko at ng sumapit ang hapon sunod-sunod na katok ang nagpatayo sa akin kaya binuksan ko ang pintuan.
Mainit na mga yakap ang ginawad sa akin ni Halie at Yhana. Nagkwentuhan kami na parang normal lang ang lahat. Ramdam kong may tensyon sa pagitan naming tatlo pero isinantabi namin iyon at piniling sumaya sa kabila ng mga katanungang mayroon kami.
Hindi man nila masagot lahat ng bumabagabag sa akin pero sapat na yung presensya nila para mapagaan ako. Napag-usapan namin ang mga plano sa kolehiyo at maging ang mga pangarap pagkatapos ng pag-aaral.
We let ourselves laugh just like the old days. We silenced our mouths with delicious cuisines that we made in our kitchen. We watched movies, played games, and threw jokes at each other until the sunset and we bid our goodbyes.
Life might be cruel but the good thing was I have good souls that I can cry on when things are too heavy for me to carry. People who were willing to wipe my wounds and to be hurt as if my wounds were hurting them and it was etched on their skins too.
Bago ako matulog ng gabing iyon nakatanggap ako ng tawag na nagaalangan kong sinagot.
“H-hi,” puno ng kaba ang tinig niya.
Naparam ang bibig ko at malamyos na paghinga lang ang naisagot
“I love you,” sambit niya ng mapagtantong wala akong balak magsalita.
Nanubig ang mata ko dahil sa sinseridad ng boses niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na wala na akong pakialam sa mga nangyari at kaya ko namang ibaon iyon sa limot pero…hindi ko kayang isatinig.
I wanted to express my anger. Pero kahit anong emosyon hindi ko mailabas dahil hindi ko mawari kung alin ang tamang ibuhos.
“Please have a good night, I'll cook chicken adobo for your breakfast tomorrow,” malambing niyang saad.
Sa pagpatay niya ng tawag ay doon lamang kumawala ang mga luhang ilang araw nang sabik na umagos.
Kinaumagahan sabik akong bumaba ng kwarto at kinuha ang paper bag sa labas ng pintuan.
Nagtipa lang ako ng mensahe na pasasalamat kay Grey saka nagsimulang kumain. Unti-unti akong nagkakalakas ng loob na kausapin na siya at ayusin na ang diskusyon pero hindi pa muna ngayon.
Pagkatapos kong kumain ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang mga rosas na medyo sariwa pa kahit ilang araw na itong nakatira sa bahay.
Napangiti ako at kinuha ang isang rosas. Saksi ang bulaklak na ito sa mainit na pagmamahalan namin ni Grey ng gabing iyon. Ang gabing nalunod ako sa halik, sa mga banayad na haplos at mga titig na nakakabaliw.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
