Hi hope y'all are having a good day or night but if not, that's fine, it totally happens sometimes but please push yourselves to achieve your full potential in everything that you do.
*special shout out to my friend who just earned the title LPT.
Proud of you Jaysiree G. Please 'wag magpaka-tanga sa pagibig*
**
JESS
These past few weeks, hindi ko gaanong nakakasama ang aking mga kaibigan. Tutok na tutok sila sa kanilang mga pag-aaral. Marami daw silang requirements na dapat tapusin at maipasa.
Ganoon din naman ako pero sinusubukan ko namang magkaroon parin ng oras sa kanila, kaso masyado talaga silang abala sa kani-kanilang mga gawain.
Wala sila sa cafeteria tuwing breaktime. Hindi ko sila gaanong nakikita sa loob ng campus at kapag nakita ko naman ang isa sa kanila lagi namang nagmamadali.
But that doesn't matter. Not a big deal for me. Naiintindihan ko sila.
"Good morning sir, ano po sainyo?" magalang na pagtatanong ng cashier sa kasama ko.
We are at the nearest fast food restaurant in our school. Break time namin kaya nagyaya na naman ang talong.
Si Grey ang halos nakasama ko nitong mga nakaraang linggo. He was good. And I had to admit that he was really kind and charming. Medyo talkative talaga siya at likas narin sa kaniya ang pagiging makapal ang mukha. But it wasn't really bad at all.
"Hmm, I'll have a rice and fried chicken, large fries, burger king size, and....," he paused as he noticed my playful grin.
I laughed hard inside of me.
Napakatakaw talaga but I’m also wondering how he maintains his sexy figure Aghh! Ano ba itong naiisip ko?
"And that's all." Pagtapos niya sa kaniyang order. Kundi lang ako nagpahalata na natatawa may kasunod pa yung burger.
"Okay." Tanging sabi ng cashier at sabay silang tumingin ni Grey sa akin.
Once again, I looked up at the menu. Hindi naman ako masyadong gutom kaya tanging fries and burger lang ang inorder ko. Tubig lang din ang drink ko.
"That'll be six hundred fourty pesos." The cashier told us. I poked the inside of my cheek using my tongue. Inflation is fucking real.
Kinuha ko ang wallet ko para bayaran ang inorder ko when Grey quickly gave the cahsier a one thousand peso bill. He just smiled at me.
Pinaningkitan ko naman siya. He turned his head back to the cashier.
Pagkakuha namin ng aming mga pagkain, pumwesto kami sa number four table dahil 'yun din ang spot na medyo malayo-layo sa maiingay na kabataan.
Ako lagi ang pumipili ng aming magiging puwesto. Wala naman siyang protesta pagdating sa bagay na iyon.
Pagka-upo, inilapag namin ang tray sa lamesa at inayos namin iyon.
I glared at him. His amber eyes and long lashes went thinner as his brows furrowed.
"What?" He asked.
"You know... I could have paid for myself." Naiirita at tamad kong sabi.
Lagi na lang siya ang taya sa mga gastos. I hated it. Sa mahal ng mga bilihin ngayon nakukuha niya pang mang libre. Nagtatae ba siya ng pera?
"I know, but I was the one who asked you to get food with me," sabi niya at sumubo ng kanin at kumagat ng malaki sa manok.
I just shrugged and began nibbling on my fries. Nagpatuloy kami sa pagkain.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
