CHAPTER 33

31 8 0
                                        


JESS


In the absence of the moon, I tried to find the light from within to guide my lane in the murky of life.

Otherwise, I might stumble and be at a total loss in the forest. However, how could I be courageous enough to look for that light if fate is always trying to degrade… and tug me?

Alam kong may tao sa loob ng bahay dahil bukas ang mga ilaw. Bitbit ang mga certificate at trophy ay pumasok ako sa bahay. Sinigurado kong hindi mababakas ang pag-iyak ko kanina.

“Mommy!”

Ibinaba ko ang mga dala sa sahig at dinamba ang aking ina na nakaupo sa sala na parang hinihintay ang pagdating ko.

“Jess,” humigpit ang yakap niya sa akin.

“ ‘mmy, bakit nandito ka,” kinalas ko ang yakap namin para makita ko siya ng maayos, “may problema ba?”

Pansin ko ang pamamayat niya. Ang dating bilugan niyang pisngi ay bahagyang lupyak ngayon na parang walang maayos na tulog. Medyo maitim rin ang balat sa ilalim ng mga mata at nanunuyot ang mga labi.

“Sorry na late ako ‘di tuloy kita nakita sa stage,” hinawi niya ang buhok, “I cooked,  tara sa kusina,” nagbingibingihan siya sa mga tanong ko.

Mahigpit pa ang tiyan ko dahil sa mga kinain namin Jaime pero hindi ko pwedeng tanggihan ang pagkain na luto ng aking ina. Saglit kong tiningnan ang sarili sa nadaanang salamin. Hinilamos ko ang mukha gamit ang mga palad para hawiin ang marka ng pag-iyak ko.

Umupo kaming dalawa ni Mommy sa magkaharap na puwesto. Sumandok ako ng kaunting kanin at ulam na sobrang sarap ng amoy.

Nakalubog ang damdamin ko ngayon sa harap ng hapagkainan. Hindi ko magawang lasapin ang sarap ng pagkain dahil sa bigat ng loob.

Masyado ba akong makasarili para humingi ng oras sakanya? Kasalanan ba na malaman ang mga ginagawa niya? Mas importante ba talaga iyon na kaya niyang iwasan ako sa matagal na panahon?

Habang tumatagal mas lalo siyang lumalayo, iyon ang pakiramdam ko. His hands were slowly drifting away from mine. Ang paglayo ng mga kamay niya ay ang pagsabay ng mga damdamin namin.

I was pulled back to reality when my Mom broke the silence.

“Babalik din ako kaagad,” sambit niya ng matapos kaming dalawa sa pagkain.

 Akma siyang tatayo pero kinuha ko na ang mga pinggan namin at dinala ko iyon sa lababo saka hinugasan. “ ‘mmy dapat hindi kana muna umuwi dito, hindi ka ba nahihilo sa pabalik-balik mo?”

Mahina siyang tumawa. “Sanay na ako ay.”

I dried my hands after washing the dishes. “Why did you–·”

“Sumama kana sa'kin pabalik.”

“ ‘mmy bukas na tayo mag-usap,” pag-iwas ko sa sinisimulan niyang usapan.

Umuwi talaga siya para rito?

“Anak maganda din naman ang sistema ng edukasyon sa –·”

“ ‘mmy ayoko nga po, kaya ko ang sarili ko rito,” paninigurado ko kahit ilang beses ko ng sinabi sakanila iyon.

Bahagya siyang tumahimik at yumuko. Ibang-iba ang kilos niya ngayon kumpara noong huling bisita niya. Ang bilis niya ‘ring namayat na ikinabahala ko naman.

Kahit labis ang pagkabahala ko ay mas mabuting bukas nalang kami mag-usap dahil alam kong pagod siya at pagod narin ako.

“May sakit ang Daddy mo.”

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now