CHAPTER 18

53 10 10
                                        


JESS

A gentle motion woke me up. A familiar smell enveloped my nostrils making me comfortable. Snapping my eyes to open, I looked up and there, I saw the guy who abused my lips with love last night.

Eyes still shut but his lips were beaming at me already. Alam kong gising na siya kagaya ko, nais lang namin manatili sa ganitong posisyon para damahin ang mga sarili.

Ipinikit kong muli ang mga mata at mahigpit na kumapit sa katawan ni Grey. I felt his tenderness even more. Such a lovely way to start my day. I didn’t even bother to look what time it was but I know for a fact that the sun was all set now up in the sky. There were strands of sunlight coming from my windows.

My mouth curved when I recall his banters last night. Mga patutsada niyang puro kalokohan naman. Ayaw niya nalang sabihin na tinigasan talaga siya kagabi.

Gumalaw siya para mas dumiin sa katawan ko. Rinig ko ang pagsinghap niya at ramdam ko ang init ng buga ng hangin mula sa ilong at bibig niya. ‘Sing init ng katawan niyang nakadikit sa'kin.

May mga mahihinang kaluskos akong naririnig at mga pitik-pitik. Tila tunog ng camera kapag kumukuha ng litrato. I ignored the sounds at bahagyang minulat ang mata. Nakapikit parin ang gwapong lalaki na walang damit.

What a gorgeous man.

I was about to close my eyes again when I heard the sounds once more. Medyo iniangat ko ang ulo para tignan kung saan nanggagaling iyon at doon ko napagtantong pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.

The three of them were standing in front of the bed while looking at us and taking pictures or filming us. Halos takasan ako ng hangin.

Fuck!

My mom was holding her phone and doing something on it while it was pointed direct to us. Tita Alhena was doing the same thing! Nasa gilid niya si tito Gary na malawak ang ngiti habang pinapanood ang nasa cellphone ng asawa na nakatutok sa amin ng kanilang anak.

Napansin nilang nagising na ako pero hindi nila tinigil ang ginagawa. Malawak lang ang kanilang mga ngiti at binigyan ako ng nakakalokong tingin.

“Sorry po,” halos pasigaw ko na dahil sa pinaghalong kaba at kahihiyan. Natataranta din ako at hindi malaman ang gagawin.

Grey groaned, still clueless. Marahan ko siyang inalog para gisingin. Hindi pwedeng ako lang ang sasalo ng kahihiyan sa harapan ng mga magulang namin. Huwag naman sanang madumi ang mga isip nila ng dahil lang walang damit si Grey. Buti nalang at may damit ako!

“Ang aga naman ng baby ko,” garalgal siya dahil naalimpungatan. “Kiss,” his lips gestured as if a child requesting a kiss from his mother after attending a school in kindergarten.

No way! Umiling ako ng marahas at pinandilatan ko siya. I signaled him that somebody else was with us. Like a telepathic communication, he got the message. Unlike my reaction, he smiled genuinely when he saw my Mom and his parents!

“Good morning,” he greeted them casually. “Put your phone down already, my love seems very conscious now…” a soft laugh came out from him.

“Good morning,” tita Alhena said while head was looking back and forth to the two of us.

“Magbihis kayo at bumaba na,” my Mom.

“Bilisan niyo na diyan,” pagkasabi ni tito Gary ay lumabas na siya sa kwarto. “I’ll prepare our breakfast.”

Sumunod na lumabas ang dalawang ginang na may mga ngiting makahulugan. Iniwan nilang nakabukas ang pintuan ng silid ko.

Wala akong salitang nagawa. Ano ‘yun? Tangina nakakahiya! They just saw us in this powerless and scandalous scene.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now