JESS
Kinasanayan ko na ang malamig na pakikitungo sa'kin ni Grey. Magmula ng malaman ko ang mga ginagawa niya ay wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya.
Hindi ko rin siya pinakialamanan at hindi naglakas loob magtanong patungkol sa bagay na iyon dahil alam kong labis ang pagka-sensitibo ng mga impormasyon.
Sa totoo lang ay hindi ko rin mabatid kung hanggang kailan kami magiging ganito. Minsan tinatanong ko ang sarili kung babalik pa ba kami sa dati. Siguro kakapit muna ako hanggang kaya ko pa naman.
Bihira pa sa madalas kaming magkita ni Grey. Lumipas na ang pasko't bagong taon ‘ni maayos na pag-uusap hindi ko nakapa.
Tinuon ko ang atensyon sa pag-aaral dahil pinangako ko sa sarili ko na kailangan kong paghusayan marahil sa sitwasyon ko sa buhay ay napaka-swerte ko na hindi ko naging problema ang pinansiyal. Ano pa't hindi ko paghusayan ang napiling larangan para naman masuklian ko ang pagsasakripisyo ng mga magulang ko.
Natapos ang freshman year ko na ako ang kinilalang top student ng sikolohiya. Kapalit noon ay ang matinding pagsisikap at responsibilidad. Ngunit masaya ako sa resulta ng pagsusunog ko ng kilay kahit sa akademiya umikot ang aking buhay.
Kaya nga kahit ngayong summer ay aktibo ako sa mga extra-curricular activities na magbibigay karangalan sa unibersidad. Mas maayos na kung ganito ang takbo ng buhay ko ngayon para hindi ako mabagot sa mga pag-iisip at ng sa gayon ay mas handa akong sumabak sa pagtungtong ko sa susunod na pasukan bilang second year college.
Masigabong palakpakan ang bumalot sa buong amphitheater ng matapos ang patimpalak sa debate.
Sa mahigit labingwalo na unibersidad ang sumali sa solo debate competition nalagas ang bilang hanggang sa apat ang natira para sa pinale. Isa ako sa mga napabilang sa apat para irepresenta ang University of Filipinas.
May tatlong araw pa ako para mag-ensayo dahil sa biyernes gaganapin ang pinakahuling tapatan ng patimpalak.
After the tiring picture-taking with the board members of the institution and some of the students from the audience, I immediately went backstage.
I was busy packing my things to the inside of my backpack when she neared me.
“I am so proud of you, Mr. Delarama,” she patted my shoulder, “this is a big competition that would bring pride to our institution, you may invite your family and friends on Friday. Just give me the headcount so I can reserve the exclusive tickets.”
“Thank you, Ms. Brioso, I'll let you know po,” sabi ko nalang kahit pa hindi ko alam kung sino ba ang iimbitahin ko para manood sa laban.
Ngumiti siya saka nilisan ang backstage. Naiwan akong tinitingnan ang mga tao sa paligid. Ang mga kalahok kanina na hindi nakapasok sa final ay hindi makikitaan ng lungkot. Sayang-saya sila kahit wala na silang pag-asa na makuha ang titulo bilang pinakamahusay na debater. Kasiyahan ang makikita sa kanilang mga awra habang kausap ang mga kasama nila na sa palagay ko ay mga kaibigan at kapamilya na nakasuporta sa kanila. Nagtatawanan sila at kinukuhanan ang mga sarili ng litrato.
Samantalang ako na napabilang sa apat na unibersidad na magpapatuloy sa laban ay hindi ko magawang magdiwang. Sapat na sa'kin ang magbigay pugay sa mga magulang ko sa pamamagitan nito… Iyon naman talaga ang rason kaya narito ako.
Ngunit magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko kailangan ng kasama. Kung sana lang ay narito rin ang mga magulang ko na masisilayan ko ang ngiti sa bawat tagumpay ko. Kung narito lang ang mga kaibigan ko na handang maghiyawan sa bawat pagtapon ko ng mga salita sa entablado. At kung sana narito ang mahal ko na papalakpakan ako dahil pinagmamalaki niya ako sa lahat.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
