CHAPTER 11

103 21 26
                                        

**

Embrace Clementia
In her being peace uplifts
It is light if pure

A haiku by fallmarl

**

Magaan ang lahat lalo na sa puso at isipan kapag iyong pinagbuksan ng pinto at bukal sa kalooban ang Diyosa ng Mitolohiyang Romano na si Clementia.

Madaling magpatawad kapag ito'y puro.

**

JESS

Tatlong araw makalipas ang pangyayari sa bahay ni Grey, tatlong araw narin akong nakamukmok dito sa bahay at lumiliban sa klase.

Wala pa akong mukhang maihaharap sa mga kaibigan ko. Pati kay Ken, kay Peter at lalong-lalo na kay Grey. Hiyang-hiya ako sa sarili dahil hindi ko man lang namalayan na pinagpupustahan na pala nila ako na parang manok.

Ipinaliwanag na ni Halie ang lahat-lahat sa'kin, kung paano niya nakilala sina Ken at kung bakit sumali sila ni Yhana sa pustahan.

Panandalian lang ang galit na naramdaman ko sa'king mga kaibigan. Naiintindihan ko sila.

Bukod sa mga magulang ko, silang dalawa ang mga taong maluwag na tinanggap ang kasarian ko. Umpisa pa lang suportado nila ako at masyadong malalim ang pinagsamahan namin para mabura iyon at para panatilihin ang galit sa dibdib ko.

I couldn't help but to think na may mga tao pala talaga na ang akala ay lahat ng bakla, katawan lang ang habol sa mga lalaki. Well, hindi ko sila masisisi dahil may katotohanan iyon. May iilan, hindi lahat!

Siguro naniniwala ang iba na ang kasalanan ng isa ay kasalanan na nang lahat pero salungat ako pagdating sa kasabihan na 'yun. Dahil magiging sangkot lang ang isang tao kapag ginawa rin niya ang kasalanang ginawaga ng karamihan. And I'm not that kind of gay! I'll never gonna be a dirty one.

Nag vibrate ang phone ko, muli kong inilagay ang phone sa bedside table dahil sa prustasyon. Tadtad ng mensahe ang messenger at messages ko galing kay Grey. Wala siyang sawa sa pagpapadala ng mensahe na humihingi ng paumanhin.

He's getting into my nerves. Kahit wala akong reply 'ni isang letra hindi parin siya tumitigil.

Bigla kong naalala ang sinabi niya sa'akin bago ako umalis sa kaniyang bahay.

"Hindi ko ginusto ito, pero maniwala ka lahat ng pinakita ko sayo ay totoo. Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro."

Masyadong magaling si Grey pagdating sa pag-arte. Kapani-paniwala.

Ngunit hindi naman ako sobrang tanga para hindi makahalata. Nang imbitahan niya ako na pumunta sa kanilang bahay, pinagdudahan ko na siya 'nun kaya pumayag ako. And guess what? I was right!! Puro kasinungalingan ang lahat.

I thought of the days we were together. The laughter we shared inside and outside of the classroom.

His simple gestures that I found charming. Those Sundays we were in church kahit pa puro sama ng pakiramdam lang ang napala ko sa tuwing inaaya akong magsimba ni Grey. Maybe that was the sign that his actions were not genuine and God sent the signals already.

Tanga lang talaga ako kaya hindi ko agad napansin. Nagtanga-tangahan.

Iwinasiwas ko ang mga iniisip, mas lalo lang sumisidhi ang pagka-bwesit ko sakanya.

I sighed. I get up and get out of my bed and rushed over on my mini book shelf in my room.

I was about to grab the book that I was reading for almost a week when my body stiffened as I remember that Grey bought that book for me. Yeah he bought that for me!!!

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now