JESS
"Buti nalang dumating siya," madiing sabi ni Halie nang matapos kong ikuwento sa kanila ang nangyari kanina.
It would be better kung hindi na nila malaman ang nangyari. Pero masyado silang makulit. Hindi sila tumitigil hanggat' walang nakukuhang sagot.
Kanina, binato na nila ako ng maraming katanungan ng makita nilang may mga pasa sa mukha si Grey, kaya napilitan akong isalaysay kung anong nangyari.
Sa palagay ko kung hindi ko sila sasagutin ay malamang sa malamang hanggang ngayon kinukulit parin nila ako. So, I should give them an answer that would stop them from asking.
Nagpatangu-tango nalang ako sa sinasabi ni Halie dahil hindi ko mahanap ang tamang salita na isasagot. Nasabi ko narin sakanila na tinanggap ko na ang paumanhin ni Grey.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng burger. Napapangiti ako kapag naaalala ko ang itsura ni Grey nang pilitin ko siyang pumunta sa clinic ng campus para magamot ang mga pasa niya. Nagpupumilit siyang huwag nang pumunta dahil hindi naman daw malubha ang kaniyang natamo ngunit napilit ko rin siya sa huli.
He's so damn cute kapag nagmamaktol. Kawangis ng batang inagawan ng kendi. So Cute.
Pagkasubo ko sa pinakahuling ngunguyain napalingon ako sa nagsalita.
"Ikaw Halie?" Nilingon ni Yhana ang katabi. "Hindi ka ba mag so-sorry kay Ken? Sa pagsampal mo?" Mahinahong tanong ni Yhana.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Sinampal mo?" Tanong ko rin kay Halie. "Ilang beses?" Tuluyan na akong natawa. Hindi naman ako gaanong nagulat, alam ko naman na sadista talaga siya.
"Di ko alam kung ilan," nakangusong sagot niya.
Anong ibig sabihin na hindi niya alam kung ilan? No way.
"I think... A hundred times?" Pagsingit ni Yhana, then she began to cachinnate.
"Oh god, kailangan mo talagang mag-sorry sakanya," seryoso ko nang sabi.
"And why would I ?" Tumirik ang mga mata niya.
"Dahil nasaktan mo siya. Let's say deserved niya yung sampal pero hindi naman niya ako, o tayo gaanong nasaktan, hindi tayo naapektuhan, dahil hindi ang 'sang tulad niya ang makakasira sa'tin. In fact NO ONE."
Then silence. Halie crossed her arms across her chest.
"Apologize to him." I added.
"Alam mo ba Jess..." bungad na pang-aasar ni Yhana kay Halie. "Akala ko, tatalsik na yung ulo ni Ken nang isampal niya yung pera—·"
Nakain ni Yhana ang huling sasabihin dahil sa mga paparating.
Napaangat kaming tatlo ng tingin. Two gorgeous men were smiling at us. Sumeryoso ang nakahikaw. He looks nervous. Natatawa naman ako sa inaakto niya. I can't even believe na ang matapang na tigre ay parang maamong tuta ngayon.
Base sa itsura nila, nahuhulaan ko na kung ano ang kanilang pakay.
" uhmm," Ken scratches his head. " I'm so sorry." Isa-isa niya kaming tiningnan. "Lalo na sayo Jess, I am really sorry. Masyado ako—·"
Pinutol ko na ang kaniyang pagpapaliwanag.
"Apology accepted ,Ken." I smiled.
His face went worried. "Really? ga-ganoon nalang yun sayo? pagkatapos ng mga ginawa ko?"
"What do you want me to do? Get mad, angry, to revenge? I don't want to waste my time Ken. But that doesn't mean na hindi totoong pinapatawad na kita. I really do forgive you."
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
