JESS
Pagkatapos naming mag-umagahan ay binilinan ko na ang dalawa na ihanda na ang mga gamit para mamayang hapon ay hindi na mahirap ang pag-alis namin. Sinabihan ko na rin sila na bumili na ng mga gusto nilang baunin na pagkain o souvenirs.
Lumabas pa ang dalawa para mamasyal. Hinayaan ko na sila at alam ko namang kaya nila ang mga sarili. At isa pa, I don’t want to confirm yet if it was really… him.
It's not as if I was avoiding him. Lalo pa't alam kong maglalandas talaga kami sa pag-uwi ko rito sa Pilipinas dahil we were in the same circle of friends. I prepared myself already that we would see each other if I'd meet my friends again. Not too much preparation dahil hindi na sa akin big deal iyon.
Sa tagal ng panahon ay halos nakalimutan ko na siya. Ni wala ng kahit na emosyon ang natitira sa dibdib ko para sakanya. For so long, I have learned to not think about him, to not long him, and to not love him.
Hindi lang talaga ako handa na dito at sa ganitong paraan pa kami magkikita kung siya talaga ‘yun.
For so long, natutunan kong patawarin siya sa katahimikan at lumaya ako doon. I have accepted na hanggang doon nalang talaga.
Kung ang aking ama ay napatawad ko sa bigat ng atraso, siya pa kaya? Hindi naman ganoon kabigat ang kamalian niya. We were both at fault during those times. We were vulnerable and devastated. We were teenagers.
“Damn,” singhal ko sa sarili dahil nagdadalawang isip akong lumabas sa silid ng hotel.
Sa huli ay ang matapang na ugali ko ang nanalo. Lumabas ako at handang harapin ang kahit na sino.
Halos pagtawanan ko ang sarili ng makitang wala ‘ni isang tao sa labas. Iba talaga ang nagagawa ng pag-o-overthink. Kinakabahan sa wala. At bakit ako kakabahan sakanya?
Naglakad-lakad ako sa labas at dinama ang kapiligiran. Para akong bata na may hawak na chile ice cream na nagmamasid. Hindi ko napigilang subukan ang ice cream na maanghang ng makita kong may nagtitinda sa isang maliit na stall.
The spiciness of the ice cream was similar to the sunlight being cast on my skin. It was hot but refreshing.
I was embraced by a familiar sensation in my being when I saw a woman holding her child and guiding him to walk alongside the road. It was true that I had not longed for her for a long time as I busied myself to think that she was here, she was here with me. Staring at them made me like a thin glass that would shatter.
I still miss her. Hindi maganda ang huling tagpo namin bago siya nawala kaya hindi ko iyon inalala, mas pipiliin kong sariwain ang ala-ala niyang iniwan sa utak ko sa panaginip. Alam kong siya ‘yun. Totoo ang hiling niya sa panaginip ko. Kung hindi man totoo ang panaginip na iyon ay hahayaan kong bulagin ang sarili ko at piliting iyon ang katotohanan kaysa tanggapin na nawala siyang may galit sa akin.
Galit siya sa akin bago siya binawian ng buhay. Napagbuhatan niya ako ng kamay dahil sa mga masasakit na salitang binato ko sakanya. Ayokong damdamin iyon dahil hindi ko kaya.
It was her. My dream at the hospital was real.
“Darling, anak!”
Halos takasan ako ng hininga dahil sa sumigaw. Tinapon ko na ang puwet ng ice cream cone at bahagyang pinunasan ko ang labi gamit ang tissue saka hinarap ang sumigaw.
“It's you!” The woman hugged me while I became a statue.
Inalalayan ng ginoo ang likod ng ginang na nakayakap parin sa akin. I was close to bursting into tears but I forced myself not to.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
