CHAPTER 5

153 30 25
                                        

JESS

"Jess mauna na kami ni Yhana," natatarantang paalam ni Halie.

Lingon siya ng lingon sa paligid. Parang may hinahanap. Inilibot ko rin ang paningin. Wala namang kahina-hinala.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa. Ngumiti sila. Nag poker face naman ako dahil sa inaakto nila.

"Wag na wag mo nang ipamimigay ang number ko ah," pagpapaalala ko kay Halie. "Pepektusan na kita." I made gestures.

"Oo na." Paulit-ulit niyang saad at lumapit ang dalawa sa'kin para magbeso.

"Bakit ba kayo nagmamadali?"

Tiningnan ko ang oras. Maaga kaming pinalabas ni Mr. Wallace ngayon. Napagdesisyunan kong mamaya na ako uuwi, wala naman akong gagawin sa bahay at gagabihin ulit si Mommy.

Hindi na sumagot ang dalawa at tuluyan nang umalis. Nagmamadali nga talaga.

Pinakatitigan at inobserbahan ko nalang ang paligid, bagay na kadalasang ginagawa ko upang hindi mabagot at pampalipas oras.

Trees are dancing. Maraming dahon ng mangga ang nalalaglag dulot ng malakas na hangin. Masarap ang hampas ng hangin pero sigurado akong hindi iyon sariwa. Amoy usok ng sasakyan ang hangin na pumapasok sa campus, lalo na dito sa field na tanging mataas na pader ang pagitan sa maingay na kalsada.

I closed my eyes and took a deep breath. I rested the back of my head against the tree.

I wonder if I go back far enough in time. Siguro lahat sariwa, malinis, tahimik. Kind of paradise where I want to live in.

I don't know how long I sat here but I must have fallen asleep already because a gentle shake woke me up.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata and I looked up to see the guy who aggravated me yesterday.

His lush black hair was moving in the light of breeze as he gave me a sweet smile. Today, his hair was free. Free from whatever gel or hair wax product he was using. Such a comfort to see his hair like that. Exquisite.

Binalot ang ilong ko ng pamilyar na amoy. I pulled myself up straighter.

I stared at him and threw a questioning look.

His lips slightly parted, parang may sasabihin.

Tatayo na sana ako para umalis nang magsalita siya.

"I- uhm I'm sorry." Puno ng sinseredad ang boses niya.

Tumayo ako nang hindi inaalis ang tingin sakanya. "Okay lang yun," nakangiti kong tugon.

Kung tutuusin ako naman talaga yung sumama sakanya na hindi pinilit and maybe nagbibiro lang siya kahapon.

Hindi naman niya alam na ayaw na ayaw kong sinasabihan akong sinungaling. He doesn't have any idea that it was a trigger to me.

'may itatanong nga pala ako sakanya'

Muli akong umupo sa bench. Sinigurado kong may malaking espasyo sa pagitan namin. Dahil nakaupo narin siya.

He smiled. Beaming at me.

God ! what's with that smile?

"Ayos lang ba talaga na tawagin kitang Grey?"

His brows furrowed.

"No problem and besides it's cute." He rolled his shoulders.

'Great' I thought.

Feeling ko kasi naiilang siya o naiirita tuwing tinatawag ko siyang Grey, lalo na ayon sakanya ako palang ang tumatawag sakanya gamit ang kanyang pangalawang pangalan, lahat daw kasi Gabriel ang tawag sakanya. At least ngayon klarado na. Just great.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now