JESS
Nagmamadali akong bumangon sa kama at natatarantang tumungo sa banyo bitbit ang tuwalya. I forgot to set my alarm clock. Tinanghali na ako ng gising dahil napuyat ako kakabasa ng libro.
Mabilis na mga kilos ang aking ginawa. Wala pang sampung minuto tapos na akong maligo. Nag half bath naman ako kagabi kaya sure naman ako na hindi ako mamamaho.
Mabilis pero maingat kong isinuot ang mga saplot. Isinuot ko na ang sapatos at kinuha ang bag.
I was about to twist the door knob when I heard a footsteps heading the door.
"Jess bilisan mo na 'riyan! Mala-late ka na!"
Napakamot pa ako sa ulo at tuluyan nang binuksan ang pinto ng kwarto.
Nandidilat na mga mata ang sumalubong sa’kin. Kinurot pa ako ni Mommy sa tagiliran. Nagulat naman ako sa inaakto niya.
" 'mmy aalis na'ko, sa school nalang ako kakain."
Parang walang naririnig si Mommy.
"Ayaw mo ba talagang magpahatid sakin at sundo? Isusumbong kita sa Daddy mo!" Hindi ko alam kung pinagagalitan ba niya ako o natutuwa siya, kung pagbabasehan ko ang tono ng boses niya para siyang natutuwa.
Ipinagkibit balikat ko nalang ang kawirduhan ni Mommy. I kissed her cheeks at nauna nang maglakad pababa ng hagdan.
Natigil ako sa paghakbang pababa nang makita ko kung sino ang nasa sala.
Tumayo siya mula sa puwerteng pagkaka-upo para salubungin ako.
Naka-uniporme na siya. Plantsadong-plantsado iyon. Nakasisilaw rin ang kaniyang sapatos. Mukhang napaka responsableng estudyante.
Bumaba na ako.
"Good morning," bati ni Grey sa nakagagalak na boses.
As usual, his hair was perfectly gelled up. I gazed into his dark amber eyes.
"Bakit ka—·" Naparam ako sa pagsasalita ng maalala ang nangyari matapos akong ihatid ni Grey kahapon.
Oo nga pala!
Sumilip si Mommy kahapon sa bintana ng marinig niya ang maingay na motorsiklo ni Grey. Dahil sa pagkataranta at pressure na naramdaman ko kahapon pumayag ako sa alok ni Grey! Na sabay kaming papasok ngayon sa paaralan!
Pinahamak nga pala ako ni mommy.
Pinaningkitan ko ng mata si Grey para iparating na hindi siya pwedeng pumasok nalang ng basta-basta sa'king pamamahay.
A sweet smile plastered on his lips.
He should have informed me first bago siya papasok ng bahay. Pwede naman kasi sa labas siya maghintay.
"Hindi pa ba kayo aalis? Anong oras na!" Parang galit na ang boses ng aking ina kaya agad ko siyang nilapitan at humalik ulit sa pisngi bilang paalam.
"Sige po 'mmy at—·" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa pagsingit ni Grey.
"We'll be late, so better take our leave now. Have a great day tita."
Kitang-kita ko kung paano ni Mommy nginitian si Grey. Para bang nasiyahan siya ng todo sa pagtawag sakanya ng Tita.
Ano naman kung tinawag siyang tita?
Tita it means nagbibigay galang ,right?
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
