CHAPTER 2

220 42 16
                                        

JESS

"CLASS!! pangatlong araw palang ng pasukan ngayon! Pero napakaraming guro na ang nagrereklamo sainyo! Dahil sa ingay niyo!" Pang-bungad na sermon ng aming adviser.

Hindi talaga siya dapat nandito ngayon dahil vacant time namin. But she's here to fix some matters. Ang solusyunan ang ingay ng klase na inerereklamo ng mga guro.

Nagpatuloy ang dalagang guro sa panenermon. "Ayoko ng maraming reklamo, ako ang napapahiya hindi kayoo!!" Dinuro-duro niya kami. Pataas ng pataas ang tono ng kanyang boses. She looks terror.

Tahimik. Nagmistulang mga basang sisiw kaming lahat.

Well, hindi ako sangkot sa kaingayan nila 'no! Tahimik lang ako dito.

"We will be having a sitting arrangement ... RIGHT NOW!!" Ma'am Arcy sternly said.

Isa-isa niyang tinatawag ang mga pangalan ng estudyante. Tinatawag niya alphabetically pero ipinapaupo randomly. Kung saan trip ni ma'am paupuin ang estudyante. And I'm thankful for it! Nalalaman ko na ang mga pangalan ng kaklase ko.

"Ken Hydie Chan." Tumayo si kpop#1 nang banggitin ng aming guro ang pangalang, Ken Hydie Chan.

Ohh I was mistaken, Chinese pala hindi Korean.

Natawa ako sa naisip.

"Dito ka sa unahan," ma'am Arcy said.

Mukhang hindi nagustuhan ni Ken ang kanyang magiging puwesto. Napapakamot pa ito sa batok habang tinutungo ang left side, first row.

"Dela Rama." Iginala ni Ma'am ang kanyang mga mata.

Tumayo na ako na bitbit ang bag para hindi na manghula ang guro kung sino ang tinawag. Lumingon siya sa'kin.

"Jess Mark Dela Rama, doon ka," tinuro niya ang 4th row, which is second to the last row. Itinuro niya ang pang-limang upuan, okupado na ang apat. Six chairs kada row.

Walang lingon-likod kong tinungo ang aking bagong puwesto.

Nagpatuloy ang guro sa pagtawag ng mga pangalan at pinapaupo sa ibat-ibang bahagi. Sinasaulo ko ang mga pangalan ng kaklase ko. So, Peter pala ang pangalan ni kpop#2.

"Gil." Tumayo si Gabriel Grey, bitbit ang black bag na Jansport.

May-iilang mga babae ang napapakagat labi habang tinitingnan ang gwapong mukha ng tinawag.

Nakaka-agaw pansin ang moreno niyang kutis na mas lalong nakapagpa-gwapo sakanya.

"Doon ka." Tinuro ni ma'am ang nag-iisang bakanteng upuan sa 4th row-katabi ko.

Tumikhim ako. Yumuko, sabay naalala ang nangyari kanina sa cafeteria.

how rude!

Naramdaman kong may umupo na sa pang-anim na upuan.

He smells like, uhm I can't explain kung ano ang amoy niya. It's just kinda refreshing smell, bagay sa itsura niyang fresh pa sa bagong pitas na talong.

Kinurot ko ang sarili sa naisip.

Lahat ay nanatiling tahimik, walang nagtangkang magsalita. Takot sa fiercely look ni ma'am Arcy.

Sa kalagitnaan nang pag-aarrange ng aming guro, biglang may iniabot na papel si Gabriel Grey sa'kin.

Kahit takang-taka kinuha ko iyon. Agad kong tiningnan ang nakasulat sa papel.

---Ganoon ka ba talaga kapag kumakain? Everytime na susubo,nagdadasal ka?---

Napalunok ako ng laway sa nabasa, para akong lumunok ng matutulis na pako.

The Parallel Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon