CHAPTER 4

167 34 82
                                        

JESS

Tuesday, six o'clock. It was too early to go to school. Napagdesisyunan kong pumasok nang maaga, wala narin naman akong kasama sa bahay.

Maagang umalis si Mommy para umattend ng event. I don't know what kind of events ang pinupuntahan nilang magkakaibigan.

One thing I was sure of is my mom is happy. Hindi na siya ganoon kalungkot kumpara noon.

Siguro sanay narin siyang wala si Dad. Ganoon din ako.

Pitong taon nang hindi umuuwi ang aking ama. I was just 9 years old nang pumunta si Daddy sa Dubai para magtrabaho sa The Bottles Company, bilang assistant manager ng kapatid niya.

My uncle Roger was the owner of the company. Siya 'rin ang patuloy na kinukumbinsi kami na doon narin manirahan. Pero ayoko.

Binuksan ko ang baong tupperware. May kumawalang usok dito na mas lalong nakapag-pagutom sa'kin dahil sa amoy - garlic rice and chicken adobo.

Iniwan iyon ni Mommy sa lamesa bago siya umalis. Napangiti pa ako kanina nang makita kong may nakadikit pa'ng sticky note sa ibabaw ng tupperware.

--- NO MAN CAN BE A WISER ON AN EMPTY STOMACH --- iyon ang nakasulat.

Kinuha ko ang kutsara't tinidor sa bag na nakabalot sa tissue. I unwrapped them.

Nag-umpisa na akong mag-almusal. Natatawa ako nang maisip na para akong baliw na kumakain na mag-isa dito sa classroom.

Inayos ko ang aking wrist watch na bahagyang tumabingi. It's already 6:46 am. Ibinalik ko na ang tupperware na wala nang laman at ang kubyertos sa bag. Uminom muna ako ng tubig bago ko kinuha ang phone at earphone mula sa bulsa.

I let Justin Bieber's lovely voice entertain my ears. I love Justin Bieber songs pero hindi ako tulad ni Yhana na baliw na baliw kay Justin.

She's absolutely insane! Last year on Christmas day, doon ko nalaman kung gaano siya kabaliw sa lalaki. Umiyak siya nang umiyak dahil may natanggap na notification sa Twitter; na Justin Bieber followed her back.

'Best Christmas gift ever, 'kuno'

I also listened to Billie Eilish songs, a peculiar girl that I really adore.

Then I realized something.

It's like everybody admire people of just being famous. Like, that's the basis of idolizing people, the followers, reactions and engagement.

Well in the case of these two artists, they are not just famous, they are an amazing people with bizarre talents and great personality.

Iwinasiwas ko ang mga iniisip.


Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata nang may mga boses akong narinig. Kinusot ko ang aking mga mata.

Shit napaiglip pala ako.

May mangilan-ngilan ng tao sa classroom. Nag-uusap, may nagsusulat. Bago ko pa iikot ang aking ulo tungo sa ibang direksyon parang na magnet ang ulo ko at natuon ang atensyon sa taong kaluluwal pa lamang ng pintuan.

Parang propesyonal na modelo kung maglakad, tanging kanang balikat ang sumusuporta sa kaniyang bag.

He had this whole good-boy image, more like a very responsible student look, which was kind of attractive for some reason kaysa sa bad-boy look na mas tipo ng karamihan.

I can say he was very much defined in the muscle area. Not overly masculine, just perfect enough for when he were to take you in his arms you would feel secured.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now