JESS
TOK!TOK!TOK!
Halos maibato ko na ang phone ko sa malalakas na katok na bumubulabog sa kwarto ko. Katatapos ko lang maligo at magbihis.
I normally wakes up late during weekends kaya nagtaka ako kung bakit kakatok si Mommy ng alas otso ng umaga. Usually kasi 9:00 am or 10 na ako lumalabas ng kwarto para kumain. And my mom never knocked my door that hard!
Binalot ng kaba ang sistema ko. What the hell? Bakit kinakabahan ako!?
Ala-spy akong bumaba sa kama maging sa kung paano ako maglakad patungo sa pintuan at maingat na binuksan ang pinto upang hindi iyon lumikha ng tunog.
Pagbukas ko tanging kadiliman ang sumalubong sa'kin. Wala yung kumakatok. Wala si mommy.
Nakapatay ang ilaw ng buong bahay maliban sa ilaw na nagmumula sa aking silid.
Nagtitipid ba si mommy ng kuryente?
Nagpalinga-linga ako. Tanging ang ilaw sa kwarto ko ang naging gabay upang makaaninag.
Ga-graduate na ako sa Senior High pero parang baby parin ang turing sa'kin ni Mommy. Naalala ko tuloy yung pang-aasar sa'kin ni Mommy na sa susunod na linggo ‘raw, sa araw mismo ng graduation ko ay sasabitan daw niya ako ng kwintas na kendi.
Natawa ako sa naalala.
Pwedeng maging shooting place ang bahay namin ngayon para sa horror film. Humakbang ako.
“Pssssst!”
Hindi ko mahulaan kung saan nanggagaling ang sitsit.
One thing I am sure is, this is a big joke! It's not that scary either. Naiirita lang ako.
“Pssssst!”
Kaunti nalang ay matatawa na ako sa mga pinaggagagawa ni Mommy. Tuluyan nang naglaho ang kaba ko. ‘Kay aga-aga.
“Mommy naman…” tamad kong sabi.
Nag echo lang ang sinabi ko at walang sumagot. I was about to make my steps down stairs when all of the lights suddenly turned on.
Nagmistula akong aswang na takot sa liwanag. Sumaludo ang dalawa kong kamay para hindi masilaw.
Kumurap-kurap pa ako, nang masanay muli ang aking mga mata sa liwanag nanlaki naman ang mga ito nang makita kung ano ang nagkalat sa bawat bahagi ng hagdanan. It was….all red!
Dinaga ang dibdib ko sa nakikita. Halos hindi ako makahinga at makapaniwala.
Kakatapos lang ng valentines! Marso na. It’s not even my birthday! What is this all about!?
Sa una aakalain mo’ng nagdanak ng dugo dahil sa mapupulang rosas.
The petals of a bloody roses were scattered on the stairs.
Kahit takang-taka sinimulan ko nang hakbangan ang mga petals. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. So romantic.
Gumastos pa talaga siya para dito. Inilaan nalang sana niya sa bibilhin namin para sa isusuot ko sa graduation next week.
Anong pakulo to ‘mmy?
Nang tuluyan na akong makababa biglang lumutang si Halie galing sa kusina.
Magtatanong na sana ako ng binigyan niya ako ng isang pirasong red rose. Sariwa pa iyon. “Good morning,” nakangiti niyang pagbati.
“Anong–·”
Lumabas si Yhana. She also gave me one piece of rose. Naningkit na ang mga mata ko ng kinuha ko ang bulaklak.
Anong ginagawa nila dito? Hindi pa ako nakakahinga sa mga nangyayari ng may dalawang bulto ng lalaki ang papunta sa'king kinatatayuan.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Parallel Red Strings
Fiksi Umum"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
