WARNING: R-18
JESS
Totoo nga ang sinasabi nila na sa pinakahuli-hulihan ay nasa saiyo parin ang desisyon. Sinigurado kong ako ang magdedesisyon sa kung ano ang dapat pagtuonan ko ng pansin.
Bumalik kami ni Grey sa dati. Tila mga batang nagmamahalan na walang pakialam sa opinyon ng iba. Ang mahalaga parehas kaming masaya at walang nakokompromiso na ibang tao.
Mas pinili kong maging masaya kumpara lamunin ng mga pangamba. Ang mga diskusyon at hindi namin pagkakaunawan ni Grey sa mga nakalipas na buwan ay pasimple lang naming pinag-usapan.
Mga pahapyaw na pagapapaliwanag lamang ay naging sapat na para makampante ako. Katulad ng gabing hindi siya umuwi sakanila, siya lamang daw ang higit na pinagkakatiwalaan ng mga magulang ni Peter kaya kinailangan niya talagang ihatid ang kaibigan at doon narin nagpalipas ng gabi. Ang pagsunod niya sa'min sa Bulacan ni Jaysiree ilang buwan narin ang nakakalipas, nag-alala lang raw talaga siya kaya napagdesisyunan niyang sumunod.
Ngunit ang rason kung bakit nagawa niya iyong nasa video na ipinadala sa akin ni Alexis ay hindi ko na siya pinagpaliwanag kahit pa parang gusto niyang ipaglaban ang sarili. Naiintindihan ko naman kahit papaano.
Musmos pa siya para sa malupit na mundo, kagaya ko, mababaw pa ang nilakbay para sa malalim na susuongin sa kadiliman ng buhay. May mga pagkakataon talagang nais nating pakainin ang mga kuryosidad kaya magagawa natin ang iilang bagay na kahit alam nating mali ay wala tayong laban kapag kuryosidad ang umusig.
“I sent your allowance to your bank,” saad ni Dad sa kabilang linya.
“Thank you, Dad!” Hindi ko napigilang magdiwang ang damdamin marahil alam kong malaki ang extra na ipinadala niya. Maraming abubot ang mapapamili sa sarili na hindi naman kailangan sa pag-aaral ko… skincare products, fragrances, books–not related to psychology and… foods!
“Your mom will be there on Christmas…”
“How about you, Dad?” Bahagyang nalungkot ang boses ko.
“I have a lot–·”
“No problem, Dad. I understand.” Ngumiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
Ang huling uwi ni Mommy ay noong dalawang buwan na ako sa kolehiyo at sa araw mismo ng 1st anniversary namin ni Grey kaya nagkaroon kami ng lavish dinner sa bahay ng nobyo ko, as usual. Lalo na't matinding balitaktakan din ang ginawa nila ni tita Alhena dahil bukod sa mga pasalubong na dala, bitbit ni Mommy ang sangkatutak na chismis para kay tita Alhena at kahit sila tito Gary, Mama Elise at Grey, naambunan niya ng chismis.
Dalawang buwan lang ang tinagal ni Mommy dito at lumipad na ulit siya pabalik sa Dubai. Ganito na ang bagong set up ng buhay ng aking ina dahil hindi rin naman niya matiis na hindi ako dalawin dito sa Pilipinas kahit anong gawin kong pamimilit na hindi naman kailangan na may physical monitoring siya sa akin dito.
At heto nga't kahit Oktubre palang ay mayroong plano agad sa Christmas season.
I bid goodbye to my Dad over the phone because I was just on a quick break before my second subject which I hate the most. I hated it not because of the subject itself but because of the–professor.
“Mr. Delarama,” tawag sa'kin ng babae.
Tumalima ang ulo ko tungo sa direksyon niya.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
