CHAPTER 7

127 29 14
                                        

JESS

Naging maayos naman ang pagproseso ng utak ko sa pag-absorb ng mga tinuturo ng guro. Hinayaan ko nang liparin ang tungkol sa pagliban ni Grey. Hindi ko na iyon problema.

"Class Dismiss." Mabilis na umalis ang aming guro.

Kumaripas narin ang aking mga kaklase na animo'y mawawala ang kanilang mga tahanan sa pagmamadali.

Inayos ko na ang mga gamit ko ng mabilisan. Isinukbit ko na ang bag at hinawakan ang magkabilang starps.

Palabas na ako ng pinto ng humarang si Ken.

Again, he's making a scene.

Nasa likod naman niya ang asungot na si Peter.

Inunat ni Ken ang kaniyang mga kamay at ipinagpahinga iyon sa magkabilang parte ng pinto, na akala mo ay si Spiderman.

My brows rose in frustration and threw him a deadly gaze. A sinful smile lifted on his thin lips.

"Kamusta ka?" He asked in an insulting way.

"I'm always good Ken, masaya ako sa buhay ko," I retorted back.

"Ikaw?" I added.

Tumawa siya ng pilit at pumalakpak.

Ganoon din ang ginawa ng kaibigan niya. Pinaninindigan talaga ni Peter ang pagiging asungot niya.

Humakbang si Ken palapit sa'kin. "Palaban ah," sabi niya ng makalapit.

Instead of stepping back, humakbang din ako palapit sakanya. Well, more likely para mas makalapit ako sa pintuan.

Mas tinaasan ko pa siya ng kilay.

Nagmukha kaming mga manok na handang-handa makipag-sabong.

"By the way, enjoy!" Makahulugan niyang sabi. Gumilid siya para paraanin ako. Inasahan kong gigilid din ang nasa likod. Gumilid nga.

Wala akong sinayang na oras at nilisan ko na ang classroom.

Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin sila sakin kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad.

How dare he? May pa enjoy enjoy pa siyang nalalaman! Suck your own d*ck !

Pagkalabas na pagkalabas ko sa gate ng campus, may isang humaharurot na itim na motorsiklo ang nakaagaw ng atensyon ko at pati narin ng ibang estudyante.

I couldn't move as I heard the distinctive roar of the black motorcycle. Kinabahan ako ng makitang kaunting distansiya nalang ay masasapol na ako ng motorsiklo. Hindi ako makakilos, tila umipot ang ibong adarna at ako'y nanigas.

Naipikit ko nalang ang mga mata ko. Parang bumaon iyon sa biglaan kong pagpikit.

Nahagip ba ako? Pa-patay na ba ako? Oh god ayoko pa!

"What's with that overreaction? Huwag kang OA!" Sambit ng pamilyar na boses. Tumawa pa ito ng mahina.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Mahapdi iyon. Lumingon ako sa kaliwa't kanan at nakita kong pinagtatawanan ako ng mga kapwa ko estudyante.

Nakakahiya!

Nang humarap ako, tumambad sa'kin ang mala-anghel na mukha.

Kumikislap ang mga mata na sumasabog ng pagka-inosente. Binagayan iyon ng perpekto at makapal na kilay at kurbadang mga pilik mata. Dumako ang tingin ko sa ilong niya. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang matangos niyang ilong at namumulang mga labi na mamasa-masa pa! Gosh how unfair?!

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now