WARNING:
This chapter may include explicit word/material. Violence: physical and verbal.
Readers' discretion is advised. The intention is not to offend but to provide information. Proceed only if you are comfortable with potentially sensitive topics.
**
HALIE'S POV
"Alam mo Halie kanina pa ako nahihilo sayo. Could you please calm down! Umupo ka nga muna!" naiiritang sabi ni Yhana sa’akin nang mapansin niya ang pagikot-ikot ko sa sala.
Ilang oras nalang ay maaari ng dumating si Jess dito sa bahay ni Gabriel. Alam ko’ng hindi na kami pahihintulutan ni Ken na umatras pa sa plano na 'to kaya hindi ako mapakali. Napapasabunot na ako sa sarili habang pinaiikutan ang sala.
Abala ang dalawang binata sa set-up na ginagawa. Ikinakabit na ni Ken ang pinakahuling camera sa gilid ng 24-inches flat screen TV. Nakatutok iyon sa mahabang sofa kung saan uupo ang dalawang bisitang hinihintay. Apat ang kamerang ikinabit sa ibat-ibang parte ng bahay ni Gabriel.
Sa kusina, sa ibabaw ng refrigerator nakalagay ang kamerang nakayuko na nakatutok sa lamesang nababalot ng gintong mantel. Sa kwarto ni Gabriel ay nagkabit din ng kamera na naka-pokus sa isang malaking kama.
Nagpumilit si Ken na maglagay ng kamera sa kwarto ni Gabriel for assurance daw na baka ‘raw yayain ni Jess si Gabriel sa kama.
Sounds ridiculous! Pinagpipilitan talaga niyang katawan lang ang habol ng aming kaibigan sa kaibigan nila.
Meron ding kamera sa taas ng maindoor na matatanaw ang mga taong papasok at lalabas sa magarang bahay nila Gabriel.
Ang apat na kamera ay wireless at maliliit, sapat na para hindi basta-basta mapapansin ninuman.
Umupo ako katabi ni Yhana. Niyakap ko siya ng mahigpit, gumanti rin siya ng yakap. I'm scared. Kinakabahan ako sa kahihinatnan nito. Sa magiging epekto nito sa'ming magkakaibigan.
"Kinakabahan ako Yhana, baka masira ang friendship natin dahil dito," mangiyak-ngiyak ako habang nakayakap parin. Hinimas niya ang likod ko. I rested my head on her shoulder.
"Magiging maayos ang lahat." Kumalas siya sa yakap at tumingin siya sa’kin ng diretso. "Sa ngayon , wala na tayong magagawa," malungkot na sabi niya.
"Peter! ikabit mo na ang mga wireless audio." Utos ni Ken matapos niyang maikabit ng maayos ang pinakahuling camera.
Tatayo sana ako para kumuha ng tubig dahil nanunuyo na ang aking lalamunan nang kalabitin ako ni Yhana.
Napahilamos pa siya ng mukha gamit ang mga palad. Mukhang problemado.
"Bakit?" Mahinahon kong tanong.
Humawak siya sa sentido na parang sobrang laki ng problemang dinadala.
"May pe-pera ka ba?" ngumiti siya ng mapakla.
Huminga ako ng malalim sa sinabi niya. 'Ni kailan hindi ko naramdaman ang pinangangambahan niya. Kailanman hindi ko pinag-isipan si Jess ng 'ganun. Masyadong praning ang isang 'to para isipin ang bagay na iyon.
"Hindi tayo matatalo, wag mong problemahin ang pambayad."
Napakagat labi siya.
"Ang problemahin mo ay kung ano ang gagawin mo sa perang mahahawakan natin mamaya."
Tumikom ang bibig niya at nagpatangu-tango bilang pag-sangayon.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina para diligan ang lalamunan kong nagka-el niño. Naabutan ko pa si Peter na ikinakabit ang wireless audio sa ilalim ng lamesa.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
