CHAPTER 35

29 8 0
                                        

JESS


In the murky of life, I'll have to build a barrier from within….


For so long I have been a gentle field without a shield. Letting people in and if they caused a scratch on the ground I'd forgive them easily and tell them that it was fine as my field was used to being stomped by plenty of running feet.

After all the misery, I knew that I should start building a barrier across the field to secure myself. To ensure that I won't be taken advantage of. That I should not be too soft.

Magmula ng iwanan ako ng reyna ay kailangan kong maging mas matapang. Magmula ng lisanin ko ang aming palasyo ay dapat lamang na mas handa ako sa mas mapait na kapalaran.

But there’s an exception to that barrier I am sculpting.

Bagkus, simula ngayon ay hahayaan kong paraanin ang hari sa aking wasak na buhay.

Kailangan ko sikmurain ang pagsama sa aking ama at sa mga anak niya na hanggang ngayon ay hindi ko kayang tawagin na… kapatid.

They should be the exception. Kailangan kong tiisin. Iyon ang hiling ng aking ina at kahit sa panaginip ko lang narinig ang kaniyang mga hiling ay susundin ko iyon.

Ganoon ko siya kamahal.

Nailibing si Mommy sa Pilipinas na hindi ko parin matanggap ang lahat. Ang mga bisitang nakiramay sa burol ay ‘ni hindi ko nagawang  kausapin o pasalamatan. 

Inasahan kong makikiramay si Grey at ang pamilya niya. Kahit pa ayoko siyang makita ay wala akong nagawa dahil gusto kong irespeto ang pagkakahimlay ng aking ina at may karapatan naman sila dahil naging parte sila ng buhay namin.

Ang mga kaibigan ko ay nilapitan lang ako at nakisimpatya pero walang lumabas sa bibig ko na kahit ano. Ang pasasalamat ko ay naguumapaw ng mga oras na iyon dahil doon ko nalaman kung sino ang mga totoong tao sa buhay ko.

Si Halie at Yhana ay kailanman ay hindi ako iniwan kahit pa ako na ang lumalayo minsan. Sina Jaysiree, Ken, Jaime at maging ang babaeng hindi ko inaasahan ay dumalo. Nakiramay si Alexis at hinayaan ko siya. Kilala niya si Mommy at batid ng aking ina ang pagkakaibigan namin noong mga bata pa kami.

Si Mariel na puro pag-aalo at pagsasalita ng talinghaga ang ginawang pagsimpatya sa akin. Pinagaan niya ang pakiramdam ko kahit papaano. Ang mga kaibigan ko sa kolehiyo ay naroon din ng mga gabing naparam ang bibig ko.

Hindi ko man nasabi sakanila kung gaano ako nagpapasalamat pero wala silang pinaramdam sa akin na mali ako. Naintindihan nila ako sa mga oras ng hinagpis.

Kagaya ng hiling ni Mommy ay sumama ako sa Dubai kasama si uncle Roger, si Daddy at ang mga anak niya.

Ilang linggo lang kaming nanatili sa Dubai dahil sa mga planong naiba.

Kailangan ni Dad ipagpatuloy ang gamutan para sa paghilom sa stage 1 lung cancer niya. Kinailangan naming lumipad ulit palabas ng Dubai.

Sa lakas ng koneksyon ni uncle Roger at ng aking Ama ay hindi ko alam kung papaanong nagawan nila ng paraan ng mabilis ang pag-asikaso ng mga dokumento palipad sa ibang dako.

Sa laki ng impluwensiya ng kompanya nila ay hindi na nakapagtataka. Bukod sa kalupitan ng mundo ay hindi rin makatarungan ang tahanan na ito sa mga dukha na walang kalaban-laban kapag nahihirapan. Iba ang kayang gawin ng pera, impluwensiya at koneksyon.

Isang mapait na katotohanan.

Nagpadala ako sa agos ng oras. Gusto ko ng makatakas o matapos ang lahat. Pagod na akong gumising na luhaan. Pagod na akong gumising na hinihiling na panaginip lang ang lahat. Sa paggising na alam kong kailanman ay hindi ko na masisilayan ang aking ina. Kahit sa pagtulog ay hindi ko na siya matatabihan.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now