JESS
Sa pagka-param ng kandila ay siyang paglayo ng buwan na minsang naging akin. Ang buwan na noon ay hiniling ko lang na makamtam na ngayo'y aking napasakamay ngunit... unti-unti nang lumalamlam ang liwanag at bumabalik sa itaas.
Bumabalik sa itaas kung saan siya nararapat. Ang distansya na kung saan ay makikita ko ang liwanag. Madarama ang enerhiya subalit kailanman ay hindi na maa-angkin.
Gaano man kalapit at katingkad ang kinang, mananatiling malayo at lihim na hahangaan.
Ang lalaking minamahal ko ay ang metaporang buwan. Sa bawat paglipas ng araw ay siyang paglamig sa mga damdamin namin na noo'y nag-aalab. Tila sinasabayan ang simoy ng hangin sa nalalapit na kapaskuhan.
Ang dating masayang musika na pampasko ay naging kanta na parang alay sa mga bigo. Ang mga lampara at parol na nakakaakit sa mata ay nagsilbing paalala sa akin na ang kinang na iyan ay hindi magiging akin sa oras na tuluyang dumulas ang liwanag sa mga kamay ko.
Simula ng mamatay ang kandila ng matalik na kaibigan ng nobyo ko ay nagbago ang lahat.
Naiintindihan ko naman na nagluluksa siya dahil kapatid na ang turingan nilang dalawa. Masakit sakanya ang mga nangyari. Nakita ko kung paano nagluksa ang mga taong nagmamahal kay Peter. Maging ang mga kaibigan ko na sina Halie at lalong-lalo na si Yhana ay labis ang hinagpis. Kita ko kung paano nangusap ang mga mata ni Yhana ng isang gabing bumisita ako sa burol ng nobyo niya. Ang mga matang tila ay nagsisisi at umaasang sana natulungan niya ang minamahal.
Hanggang sa mailibing ang mga labi ng lalaki ay kumilimlim narin ang mga bibrasyon sa paligid ko.
Hinayaan namin ang mga sarili na iproseso ang mga nangyari. Hinayaan ko silang magluksa...
Ngunit ang pagluluksa ni Grey ay siyang unti-unting pagkapuksa ng atensyon niya sa akin. Kung ikukumpara sa haring araw, ang mga damdamin ay papalubog na sa likod ng dagat upang magbigay daan sa pag-angat ng buwan. Ang buwan na sa mga hubad na mata ay parang malapit lang pero ang katotohanan ay hanggang tingin lamang at malabong mahagkan.
Walang text, walang tawag, walang pagbisita, walang paramdam.
Hindi ko maiwasang mag-isip at mag-tampo pero ang puso ko ay pilit na iniintindi ang sitwasyon kaya sa kabila ng panlalamig ni Grey ay patuloy kong nililimliman ang relasyon namin. Sinisindihan ng apoy para hindi tuluyang balutin ng lamig.
Walang araw na hindi ako nagtext sakanya. Kinakamusta siya at pinapaalala na magiging maayos ang lahat. Kapag nagkakalakas loob ako ay tatawag ako sa telepono para marinig lang ang boses niya. Minsan sasagot naman siya pero matipid ang mga pagsagot na tila pagod. Sa mga oras na bakante ako sa eskwela, gagawa ako ng paraan para makabisita sa bahay nila. Kapag naroon naman ako ay kadalasan sila tita Alhena ay mama Elise lang ang umuubos ng oras ko dahil si Grey ay nakakulong sa kwarto niya at nais mapag-isa.
"I'm not in the mood Jess, sorry... Maybe we can go there next time..." Mahinang ganti niya sa masigla kong enerhiya ng ayain ko siya sa bagong bukas na restaurant malapit sa mall na kadalasan naming pinupuntahan.
Akala ko magugustuhan niya dahil alam kong malakas siyang kumain. Lalo na't mga Filipino cuisines ang ibinibida sa bagong restaurant na iyon.
Next time? Kailan kaya iyon... Halos magda-dalawang buwan na kaming hindi nakakalabas o nakakapag-usap ng maayos pagkatapos ng mga nangyari.
"Sige..."
At pagkasabi ko niyon ay siya na ang pumatay ng tawag. Ni walang hangin akong narinig mula sa kabilang linya.
Alam kong sobrang hapdi parin ng dibdib niya marahil hanggang ngayon ay sinisisi parin niya ang sarili na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpatiwakal ng tuluyan ang kaibigan niya.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
